"Tita, its really my fault. Ako yung...yung may kasalanan kung bakit kami nabunggo. But i swear, tita, di ko alam. Di ko sinasadya." boses yun ni Phia.
3 days pa lang ang lumipas, critical pa din ang condition ni Simon. But i can't lose my hope with this.
I wore his supposedly proposal ring.
I'll marry you, Sai, just damn wake up, babe.
"Ano? Ano tong kalokohan na to, Phia?" nagtatakang tanong ni tita, mama ni Sai.
Nasa loob sila ng room ni Phia at Zayn at kinakausap ang dalawa. Umiiyak si Phia at inaalo siya si Zayn. Nanatili akong nasa labas ng pinto at nakikinig.
"She was so drunk that time. Nakaupo po kami ni Sai sa front seat at pinahiga naman namin siya sa back seat. Then suddenly, she started being hyper." Si Zayn ang nagsalita. Umiyak pa lalo ang pinsan ko at marahan siyang pinapatahan ni Zayn. "She jumped, laughed then covered Sai's eyes from behind. Mahigpit po ang pagtatakip niya sa mga mata nito. Then, in a split of seconds, a ten wheelered truck came from the left side of the car."
Lahat ng naipon kong sama ng loob ay lumabas bilang mga luha sa mata ko. Pumasok ako ng tuluyan sa kwarto nila at walang habas kong pinagsasampal si Phia.
Wala akong paki kung may pilay pa siya o pasa. Wala akong pakialam!
"DAHIL DYAN SA KAARTEHAN MO, WALANG MALAY SI SIMON! WALA KANG INISIP KUNDI YANG PAG-IWAN SAYO NG BOYFRIEND MO KAYA DINAMAY MO DIN AKO?! GANON BA, PHIA?!" Pilit akong inawat ng mama ni Sai. Narinig ko ding pumasok na si Tito pati ang mama ni Phia.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na makita yung taong sobra sobra kong mahal na nakaratay ngayon sa ICU. Ni wala akong idea kung kelan siya gigising, kung kelan niya itutuloy yung proposal niya. Sinira mo yung anniversary namin dahil dyan sa kagagahan mo!" Humagulgol ako lalo kasabay nang paglaki ng mga mata niya. "Nagulat ka?! Yeah, he's about to propose that night but you ruined it. You just ruined it."
Lumabas ako at hindi ko sila pinansin nang tawagin nila ako. I hate her. I hate this!
Ano nga ba ang pinakamasakit na ending? Hindi ko yata masasagot yan dahil depende yun sa mga taong nakaranas nang sitwasyon.
Saying goodbye was never easy. In fact, its beyond painful. At hindi ko kaya yun.
I will never say goodbye to him. because saying goodbye means forgetting.
That's why i can't. That's why i won't.
Life isn't about fantasy. Its always about reality. And reality sucks.
"Yung mga apparatus na lang ang tumutulong sa kanya para mabuhay. Its been 2 weeks maam, pero ganun din ang magiging resulta. Twice na po siyang nagflat-lined and we're losing him. Nasa inyo ang desisyon."
Nagbingi-bingihan ako sa iyak nina Tito at Tita. Ayaw kong marinig na isusuko na nila si Sai. Ayaw ko, dahil ako kahit saan, kahit ano, kakapitan ko, mabuhay lang siya.
10pm... November 7...
Gising pa din ako at nasa loob ng ICU. Binabantayan ko siya, sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
"I just can't lose you right now, Simon. I can't lose you, ever." bulong ko.
"You'll stay with me until the very end, right? You should know that you're killing me right now and ...it damn hurts, Sai. Wag ka naman umalis, wag ngayon, wag kang mangsurpresa at bigla na lang akong iwan. Please, open your eyes. Wake up, babe. Wake up for me."
Nabigla na lang ako nang makita ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko.
Nanlaki ang mata ko sa gulat. He moved. That's a good sign right?.
"Sai! Oh Jesus! Wait there babe, i'll call a do—"
I saw him open his mouth and murmured something. Lumapit ako sa kanya para marinig ang sasabihin niya.
Nakabukas ang mata niya pero tumutunog ang monitor ng heartbeat niya.
Umiling siya ng nakangiti.
Napaiyak ako ng sumara ang mga mata niya. At mas lalo pa akong napaiyak ng marinig ko ang maingay na monitor.
He flat-lined again.
He murmured something...
He said...
"Let go..."
--