The first time i saw him? I didn't like him...
"Miss, number mo?" demanding na tanong ng Poncio Pilatong mayabang na nasa harapan ko.
Tayo tayo ang buhok niya at medyo gusot ang polong uniform na suot. May tattoo siya sa may leeg at may tatlong hikaw sa kanang tenga.
Inirapan ko siya.
"Bat ko ibibigay sayo? Tabi!" singhal ko sa kanya sabay lagpas sa kanya. Akala mo kung sinong gwapo!
"Wala ka pala, Sai eh! Basted agad pre!" at nagtawanan na lang yung grupo ng mga lalaki na nasa labas ng classroom na papasukan ko.
He is Simon King Useda, anak ng owner ng malaking Useda Sports Club. Kahit kanino pa siya anak, kahit kay Santa Claus pa, WALA AKONG PAKIALAM! Masyado siyang mayabang, mahangin, ubod ng angas at feel na feel niya yung mukha niya na may pilat naman sa kanang kilay. Ano mapapala ko sa lalaking nuknukan ng tamad sa pag-aaral at puro sugal at inom lang ang alam gawin?!
Being with him is a total damnation!
"How come patay na patay pa rin ako sayo kahit para na kong gago para lang pansinin mo? Ha Gwen?"
Para na naman tanga tong gangster wannabe na to! Ayun siya sa stage, may hawak na megaphone habang titig na titig sa akin mula sa malayo. Nakakahiya talaga ohh!!! Damn you, Simon King!
Marami daw ang nanghihinayang kay Simon King dahil sa akin daw ito lapit ng lapit. How i wish tigilan niya na ako! Sobra!
"Bakit ba ayaw mo sa kanya, Gwen? Gwapo yun, may kaya pa—"
Mabilis kong pinutol sa pagsasalita ang pinsan kong si Phia. "at mayabang, at batugan, at maraming kaaway, at feeling gangster? Ano pa nga ba ang hihingin ko di ba?" inis kong sabi sa kanya.
"At least mahal ka..."
Si Phia ang laging kumukumbinsi sa akin na si Simon na lang. Siya din ang nagbibigay ng info dito tungkol sa mga gusto ko, sa mga hang-out place ko, at sa mga agenda ko. Naturingang pinsan pero binubugaw naman ako. Kairita!
Tatlong buwan ang lumipas at puro kagaguhan ang 'panliligaw' kuno ni Simon sa akin. At sa unang pagkakataon ay matino ko siyang nakausap....
..at nasaktan.
"Gosh! Don't you get it? Ayaw ko sayo! Ayaw ko yang buhok mong magulo, yang mga piercings mo, yang pilat mo sa kilay, yang ugali mong magaspang, yung pagiging gago mo, at yang mga kagaguhan na ginagawa mo sa akin! Pinapahiya mo ko. Pinagtitripan mo ko! Bat hindi ka na lang mag-aral ng mabuti at wag makipag-away. Baka sakaling may magkagusto sa isang tulad mo!"
Wala siyang sinagot sa akin. Tumunganga lang siya sa harap ko, tinitigan ako... at saka malungkot na tinalikuran ako.
Tama yan, Simon. Hindi ikaw yung tipo kong lalaki. Ayaw ko sayo.
But the moment he walked out, i felt...like hollow on my chest.
I always want to experience that love that consumes me. Something unreal in reality, fantasy in real world and fairytale in cruel circle.
I don't want him to change but he did it for me. I was never a fan of badboys, but i don't like goodboys. I just want a real guy.
And i didn't expect him to be that guy.
"Oh geez..."
"Clean cut?"
"San na yung marami niyang piercings?"
BINABASA MO ANG
When I look at You (One Shot)
Historia Corta"It's not always romantic, it's realistic.