Nakahiga kami ni Sai sa kwarto ko at wala akong ideya bakit hanggang ngayon ay nandirito pa rin ang lalaking to.
"Sai, hindi porket graduate na tayo pwede ka ng matulog dito ha. Ayaw nina mama."
"E kung sabihin ko kaya na i already devirginize you sa rooftop ng con—" pabalikwas akong umupo at bumitaw sa pagkakayakap sa hoodlum na to.
Sinapak ko siya ng malakas para tumigil sa pagsasalita.
"Oww—" reklamo niya.
"One more dirty word from your mouth, Simon King, i'll throw you out of my window!"
Tumawa lang siya at iginiya ulit akong mahiga sa tabi niya. "I love you. And we'll celebrate our anniversary here in your house. We'll wait until midnight then we'll do something."
Napalabi ako nang marinig ko yang 'we'll do something niya'. Shit!
11pm na at nagka-cuddle pa rin kami dito sa kwarto ko. We're talking about some nonsense things and other stuffs when i recieved a text message from Zayn, common friend namin nina Phia and Sai. Lately, siya lagi ang kasama ng pinsan kong si Phia.
Zayn:
Gwen, nasa Shinjuku kami ni Phia, she's not okay and not sober. Do you mind kung pasundo kami ngayon dito. Dyan na muna matutulog si Phia sa inyo. I don't have my car with me. Sorry sa abala.
"Uhm, babe, sunduin ko lang saglit sina Phia and Zayn sa Shinjuku, uminom si Phia eh. Walang kotse si Zayn. Dito na lang namin patulugin yung pinsan ko." sabi ko kay Simon.
"Ha? May nangyari ba?"
"I think its because of her ex-motherfucking hubbard boyfriend. You know, she's mending her broken heart with alcohol." i answered.
"Hmm... Ako na lang ang susundo sa kanila. Umuulan eh. Wala sigurong taxi. Just relax okay." agad niyang pinatong ang leather jacket niya sa puting tshirt.
"Can i go with you, Sai?"
"Wag na baby. Umuulan. Mabilis lang to, okay?"
"Okay."
Bagi siya tuluyang umalis, i kissed him hard. Then i let him go.
"You take care, babe."
"Yeah. I love you, babe." aniya.
"I love you too."
1:07pm
Ewan ko. Wala na yata ako sa katinuang habang tumatakbo papunta sa may emergency room ng hospital na yun.
I just can't feel anything!
"Anak, magiging maayos ang lahat." malumanay na sabi ni mama.
Doon lang nagsink in sa akin na hinihintay namin ang doctor ni Sai na lumabas doon sa lintik na emergency room.
Nandoon ang parents niya, ang parents ko at ang parents nina Zayn at Phia.
Okay na sila Zayn at Phia. Pasa, galos at pilay sa kanang braso ang natamo ni Phia samantalang si Zayn ay pasa at galos din pero meron siyang cut sa may kanang bahagi ng ulo niya.
Lumipas ang ilang oras nang lumabas ang doctor sa emergency room.
"He hit his head very hard. He's in a critical condition and we just need to wait for him to wake up."
"Not my son..." humagulgol na ang mama ni Sai habang inaalo ito ng asawa.
Nanigas lang ako doon. Walang luha, walang salita. Tahimik lang akong umupo sa tabi at inisip kung bangungot lang ba to.
Mabagal at masakit ang mga araw sa akin. Tinanggihan ko ang company na nag-offer sa akin ng trabaho. Wala akong kinausap sa kanila. Wala. Wala akong kailangan, hindi sila ang kailangan ko. I need my Simon. I need him badly.
"Anak, magpahinga ka na. Everything will be fine." narinig kong sabi ng mama ni Sai.
Tiningnan ko ang Simon ko. Maraming aparato ang mga nakasaksak sa kanya. May mga pasa siya sa mukha, sa dibdib, sa braso. Pilay ang dalawang binti at may benda sa ulo. Pinigilan ko ang umiyak. I can't cry. I should not cry.
"Masakit makita ang anak ko ng ganyan pero masakit ang makita ang isa ko pang anak na nasasaktan." May nilapag siyang maliit na kahon sa harap ko. "I think you have the right to know, Gwen. My son wants to marry you."
Walang salitang lumabas sa bibig ko ng makita ang velvet box. Binuksan ko yun at tumambad sa akin ang isang white gold diamond ring.
"Ibinigay yan ng isa sa nga nurse niya. Nakita daw yan sa bulsa niya nung gabi ng aksidente."
Naalala ko bigla yung sinabi niya noong gabing yun.
'"I love you. And we'll celebrate our anniversary here in your house. We'll wait until midnight then we'll do something."'
Marahang tumulo ang luha ko sa pisngi. This isn't a nightmare. This is reality. And its killing me!
He's about to propose but this accident came. It was ruined by this shitty accident!
Naalala kong ilang beses nireject ang proposal niya sa pag-aakalang biro lang to. Kung alam ko lang, kung alam ko lang, i'll marry him right away.
Sai, gumising ka lang, i'll do everything you want, everything, please baby. Please.
God help him. Help us.
Pero hindi yata ako pinakinggan ng Diyos...
He flat-lined.
As i said, it wasn't always romantic, it's just realistic.
--
BINABASA MO ANG
When I look at You (One Shot)
Short Story"It's not always romantic, it's realistic.