Kabanata 4: Kiss
Pagkatapos ng paggamot ni Drex sa akin ay napaisip ako saglit. Why did he looks so scared when I lost my consciousness? Nagpabalikbalik sa isip ko ang tanong na iyon at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtanong sa kanya. Ang curiosity eh!
"Uhmm....Drex?" Tawag ko sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad niya patungong room at tamad na humarap sa akin. Problema nito? Ang arte! Daig pa ako.
"What?" Iritado niyang saad pabalik.
"Bakit ba ang sungit mo?"
"Who cares?" Aniya at tatalikuran ako pero pinigilan ko siya. Bakit ba ang sungit ng lalaking ito? Bad trip ba siya? Ang gwapo gwapo sana pero ang sungit ng mokong! Sarap inudnud sa asin. Ma-try nga yan mamaya para naman mabawasan ang pagka-depressed ko! Sa bakulaw na to! Sakit sa ulo eh.
"Wait!"pagpigil ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya bigla na ikinagulat niya. Luh. Kapal ng kumag! Hindi to holding hands no!
"Gusto ko lang itanong. Bakit para kang mamatay sa takot ng nawalan ako ng malay?" Sumigaw pa talaga siya! Ang OA!
Nakita kung natigilan siya saglit at nakarecover ng ilang segundo. Bago niya sinagot ang tanong ko ay tumingin muna siya sa kamay naming magkahawak. Hindi naman nagtagal ang titig niya roon at binalik niya agad ito sa akin. Problema nito? Para namang first time niya itong makahawak ng kamay ng babae, except nga lang sa akin dahil hindi ako babae... Dahil ako ay isang magandang babae! Screw on that.
"Why are you asking?"
"No reason. No reason at all"
"Uhm.... N-nabigla lang ako dahil sa pagkawala ng malay mo" I notice he stuttered so napaisip ako. Why is he stuttering? Is he nervous or something? Hindi naman siya takot dahil wala namang nakakatakot na mangyayari diba? May problema na siguro sa utak. Pa doktor ko kaya? Wag na siguro, baka patayin pa ako niyan pag nagkataon. I mean, killer yan! Katulad ko...
Binigyan ko siya ng nagtatakang mukha dahil sa stuttering niya. It's so unusual. Like, freaking unusual for him to stutter like that. Umiwas siya ng tingin sa hindi malamang paraan. Ang ganda ko na siguro kaya hindi niya kayang tignan ako ng diretso? Yun nga siguro. I mean, ang ganda ko kaya no! Bulag lang siguro ang magsasabing pangit ako. Pang miss earth kaya to! Ay hindi! Pang miss universe!
Wait, why am I making this a big deal? Dapat hindi ko dapat ito ginagawang big deal. Control yourself Lia! Focus! I shake my head just enough for him to not notice. Feelings! Hide ka muna please? I just went along the joke to prevent him from suspecting.
"Gusto mo lang ako eh kaya ka parang mamamatay sa takot" pagbibiro ko sa kanya. Agad namang namula ng bahagya ang mukha niya kaya natawa nalang ako. Si Drex magbablush? Imposible! Well, nothings impossible though, except nga lang sa kanya.
"Gusto ako ni Drex! Gusto ako ni Drex!" Paulit-ulit kung sabi sa kanya with hand gestures habang hawak-hawak ang tiyan sa kakatawa. Mamamatay na ako! I will never forget this. Nakita kung tumigil siya at humarap sa akin. He shot me daggers while helding my wrist tighter. Masakit pero hindi ko ininda yun. I look at his eyes and there were like before, cold and intense. I felt chills running through my spine at natakot ako bahagya but still maintaining my composure. I don't know why pero kalaunan ay naka recover din ako. I admit, he's like the old him now. The old him who likes causing trouble. The old him who likes freighting people with his cold and intense stare. Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko. Why am I like this?! Gosh! Hearth manahimik ka nga diyan. Baka marinig niya!
BINABASA MO ANG
Game ka?
HorrorIsang larong kinasisiyahan nila. Isang larong mapanganib para sa iba. Isang maling galaw mo at baka ikaw ay madihado sa kung sino ba ang totoo. Watch where you step cause here they comes. Ordinary people are no match for them. They can be deceiving...