Introduksyon

72 7 5
                                    

1918 - SANTA CRUZ
1908 nang magkaibigan kami ni Leonardo, hindi man siya ang pinangarap kong mahalin, pero siya ang pumukaw sa aking puso, na tinuruan akong magmahal at maramdaman ang damdamin ng isang taong minahal ng lubos. Lagi kaming magkasama sa hardin sa Poblacion upang magkuwentuhan at mangarap, at ang kanyang regalo sa akin noong araw ng aking kaarawan ay ang tulang lubos na nagpasaya sa akin.

"Me Encantó"
"Aking mahal, iibigin kita sa lahat ng oras
Ang mga pagkakataon ay hindi ko ipalalagpas,
Para ang mga masasayang pangyayari'y
matatamasa hanggang sa wakas

Hindi man ako ang perpekto para sa iyo,
Ibibigay ko ang lahat ng iyong gusto,
Ako man ay mamatay para sayo
ang pag-ibig na ibinigay ko sayo'y puno

May pumagitan man sa atin ngayon,
sulitin na ang huling pagkakataon
kahit lumipas ang mga taon
nagawa ko ang aking layon."

Pero sa lahat ng saya, ay may pumagitan na samá. Hindi tinanggap ng pamilya ko si Leonardo dahil siya ay hindi naman mayaman at kagwapuhan. Iniutos man na kami'y bantayan sa aming relasyon, ang pag-ibig nami'y hindi mawawala. Napatay si Leonardo ni kuya, si Epifanio dahil tinangka naming tumakas sa bayan ng Santa Cruz.

Mahal kita, Leonardo Castello.
-Diarya ni Josephina Crisanta

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon