1914 - Abril 25
Santa Cruz, CavitePlano na nina Josephina't Leonardo ang tumakas at magtungo sa Nagcarlan, Cavite. Kasama ni Leonardo, si Josephina ay nagtungo muan sa bahay ni Leon upang magpaalam. "Ina, kami'y magpapaalam sa iyo na pupunta kami sa Nagcarlan, kung saan ang mga lola't lolo ni Josephina ay nakatira, pero huwag kang mag-alala, tinanggap po ako bilang kanyang asawa." Pagpapaalam ni Leonardo kay Gregoria. "Anak, sana'y bumalik ka rin, Paalam na." Sabi ni Gregoria. Una ay kukunin muna nila ang kanilang gamit. Pangalawa, Sasakay na sila ng barko papuntang Nagcarlan. Pangatlo, ang buhay na mapayapa't masaya. Nasa Poblacion na sila papunta sa destinasyon pero sabi nga, binabantayan ni Epifanio si Josephina. "Josephina!, Umalis ka diyan at pumunta ka sa bahay! Utos ito ni Ina!" Saway ni Epifanio. "Hindi mo mapipigilan ang aming pag-iibigan!" Banat naman ni Josephina. Tumakbo na sina Josephina't Leonardo na hinahabol naman ni Epifanio. Si Epifanio'y may dalang baril dahil siya nga ay isang bantay. Tinutukan niya ng baril si Leonardo at binaril niya ito. "LEONARDO!" Sigaw ni Josephina. "Josephina, kailanma'y ako'y nasa tabi mo at mamahalin ka." Huling pananaw ni Leonardo, habang umiiyak si Josephina. "Sabi ko sayo, pumunta ka sa akin ngunit hindi ka nakinig." wika ni Epifanio. "Kailangan mo pa bang sirain ang aming pag-iibigan?" Sabi ni Josephina habang umiiyak. "Hindi naman ako, si Ina't Ama ang nag-utos, at may nakatakda nang ipakasal para sa iyo."
1914 - Abril 25
Sementeryo Santa CruzInilibing na ni Josephina si Leonardo, sa sementeryo kasama ang lahat ng kanyang kamag-anak, ngunit wala doon ang kanyang mga magulang. "Leonardo Castello, 19 taong gulang, Marso 19, 1895 - Abril 25, 1914" Pagkatapos ng libing, pumunta siya sa Ilog Sacristia upang mapag-isa.
1918 - Hulyo 29
Santa Cruz, CaviteLumipas na ang mga taon at lungkot at galit pa rin ang nasa damdamin ni Josephina. gumala siya at habang siya'y naglalakad nakita niya si Gregoria. "Josephina!, Maligayang Bati para sa iyo, alam kong ika'y malungkot sa pagkamatay ng iyong iniibig, ngunit nadiskubre ko ang diarya ni Leonardo, na may tula para sayo. "Salamat po, Aling Gregorio, laking pasasalamat ko po sa inyo na tinanggap at ipinamalas niyo po ang pag-ibig niyo gamit si Leonardo."
"Me Encantó"
"Aking mahal, iibigin kita sa lahat ng oras
Ang mga pagkakataon ay hindi ko ipalalagpas,
Para ang mga masasayang pangyayari'y
matatamasa hanggang sa wakasHindi man ako ang perpekto para sa iyo,
Ibibigay ko ang lahat ng iyong gusto,
Ako man ay mamatay para sayo
ang pag-ibig na ibinigay ko sayo'y punoMay pumagitan man sa atin ngayon,
sulitin na ang huling pagkakataon
kahit lumipas ang mga taon
nagawa ko ang aking layon."Nang binasa niya ito'y napaiyak siya at naalala ang kanilang pag-iibigan. Oo nga, napakasal siya ng puwers kay Marco Cruz, kahit siya ang hindi niya ginusto.
1954
Bahay Cartedor, PampangaAng Pamilya Crisanta ay lumipat ng tirahan simula nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasamang tumanda si Teresa at Marco. 52 taong gulang na si Josephina at namatay na ang kanyang ina't ama, dagdag pa sa kanyang kalungkutan. "Leonardo, tayong dalawa'y magkakasama sa taas." Wika ni Josephina, habang nakakaramdam ng pagsakit ng dibdib, pagkahingal at iba pang symptoms, siya'y inatake sa puso at namatay na rin.
1954 - Marso 19
Libingan Kastilla, PampangaNamatay si Josephina sa edad na 52, at sa kaarawan ni Leonardo. Inilibing siya sa Libingan Kastilla sa Pampanga dahil nasira ang Cavite sa pakikipaglaban sa mga Hapones. Ngayon din ang ika-49 anibersaryo ng pagkamatay ni Leonardo. At yan ang pag-iibigang hindi natuloy nina Josephina't Leonardo.
--o0o--
REINCARNATION
2018
📽

BINABASA MO ANG
Remember Me
Ficción históricaKilalanin si Janina Crisanta, ang mayaman at panganay sa magkakapatid sa isang royal na pamilya. Leonardo Castello naman na umibig kay Janina Crisanta. Sa kanilang panahong 1908, Si Janina Crisanta at Leonardo Castello ay nag-ibigan sa isa't-isa, n...