1914 - Abril 23
San Alfonso, CaviteLumipas ang dalawang taon, si Leonardo ay nakapagtapos na ng pag-aaral sa Unibersidad de San Alfonso, malapit lang sa Nagcarlan, ang lugar kung saan nakatira ang lola't lolo ni Josephina. Ang dalawa ay nakapagtapos ng pag-aaral, lepidopterismo (pag-aaral ng sa mga butterfly) at biology. "Leonardo Castello, Ikalawang Karangalan ng Unibersidad de San Alfonso, Taong 1908 hanggang ngayong 1910, bigyan siya ng palakpak." *nagsipalakpakan* sa kabila naman ay ang royal na karangalan. "Josephina Janina Crisanta, Royal na Unang Karangalan ng Unibersidad de Santa Cruz taong 1907 haggang 1910. bigyan siya ng masigabong palakpakan!" *nagsipalakpakan ang lahat* "Magandang Araw sa lahat dumalo sa Araw ng Rekognisyon, ikinararangal ko ang aking karangalan, pero hindi ko magagawa ang lahat ng ito kundi dahil sa aking pamilya, si Ina Paula Marie Crisanta, at si Ama Enrico Cartedor Crisanta, at ang aking iniibig, pero siya'y sikreto lamang. At hindi ko makakalimutan si Isabelle Marie Santiago, ang aking matalik na kaibigan. Kundi dahil sa kanila ay hindi ako matagumpay sa aking kinatatayuan ko, at kung gusto mo talagang makapagtapos. maraming paraan. Kung ayaw mo naman, madaming dahilan."
1910 - Abril 24
Nagcarlan, CaviteNagpunta si Leonardo sa lola't lolo ni Josephina dahil nalaman niya na sa Nagcarlan sila nakatira noong sila'y nagkwentuhan. "Magandang Umaga po, Lola Teresita Cartedor, at Lolo Gustavo Cartedor." wika ni Leon. "Pumasok ka iho, tayo ba'y may problema?" sabi ni Lola Teresita. "Gusto ko lang po na malaman niyo na iniibig ko ang inyong apo na si Josephina Crisanta, siya po'y buo kong mamahalin at ibibgay ang lahat, ngunit ayaw ng kanyang ina sa akin.
Sana po'y tanggapin niyo po ako bilang kanyang mahal." Paliwanag ni Leonardo. "Alam mo, anak, hindi masamang magmahal dahil kayo'y dalaga't binata na, tinatanggap ka namin pero pag iyo'y sinaktan man si Janina, wala na kayo."
Sagot ni Lola Teresita. "Opo, salamat po! at ako'y mamamaaalam na po."Abril 24 - 4:27 PM
Santa Cruz, CaviteDumating na si Leonardo sa Santa Cruz, inabangan niya si Josephina, siya'y excited pero pumunta muna siya sa kanyang ina."Inay!, ako'y nakapagtapos na!!!" Sabi ni Leon. "Anak, ipinagmamalaki kita sa buong bayan ng Santa Cruz at salamat sa lahat anak, kailanman ay ika'y aking minahal." Wika ni Maricris Castello kay Leon. Sunod siya'y nag-paalam sa kanyang ina at dumiretso sa Hardin sa Poblacion kung saan sila'y nagkikita. "Josephina!" pantawag ni Leon kay Josephina. "Leonardo! Ika'y hindi nakita muli, heto nga pala, ang bigay ko sayong kwintas." Sabi ni Sephina. "JOSEPHINA CRISANTA -- NAGCARLAN" nakalagay sa kanyang ibinigay na kwintas kay Leonardo. "Salamat aking mahal."
Si Josephina ay nagulat na sinabi niya iyon pero sabi niya rin ay "Walang Anuman, mahal ko." (KILIG MOMENT---)Abril 24 - 5:41 PM
Santa Cruz, Cavite"Aking mahal, Leonardo, naramdaman ko na ang iyong pagmamahal sa akin, na hindi ko namalayan na ako na pala ang iyong iibigin." Sulat ni Josephina sa kanyang diarya. "Aking mahal, Josephina, hindi ako makapaniwala na ako'y iyong tatanggapin, dahil ako'y may kaya lamang at hindi katulad mo, pero sa lahat ng iyon ay ako'y inibig mo ng lubos." Diarya naman ni Leonardo. Pero higit sa lahat ng kasiyahan, pumalibot ang kasamaan. nakita ni Epifanio ang dalawa at isinumbong sa magulang ni Josephina. Alam na ni Epifanio na sinisikreto nila ang kanilang pag-iibigan kahit na ayaw ito ng kanilang magulang. Dapat siyang itakdang magpakasal kay Marco Cruz, ang anak ng Gobernador na si Mateo Guillermo Cruz at ni Imelda Cruz. Ipinabantay ni Paula Mariveles si Josephina upang hindi matuloy ang pag-iibigan nila ni Leonardo. Binantaan na rin si Leonardo at ng kanyang pamilya na huwag nang mag-ibigan kay Josephina. Si Epifanio ang nagbantay kay Josephina sa anumang kanyang pupuntahan.
BINABASA MO ANG
Remember Me
Tarihi KurguKilalanin si Janina Crisanta, ang mayaman at panganay sa magkakapatid sa isang royal na pamilya. Leonardo Castello naman na umibig kay Janina Crisanta. Sa kanilang panahong 1908, Si Janina Crisanta at Leonardo Castello ay nag-ibigan sa isa't-isa, n...