Hulyo 30 - 3:42 PM
Hardin sa Poblacion, CaviteNagtungo sina Leonardo at Josephina sa hardin. "Alam mo ba kung sino ang krash ko? medyo malapit-lapit siya sa akin pero ito ay sikreto lamang." wika ni Sephina. Napaisip si Leonardo kung may iba pa bang mas malapit(kaibigan) sa kanya maliban sa kanya ngayon. "Naalala ko pa noon si Ginang Cordova. Lagi siyang may kuwneto tungkol sa kanyang pag-ibig, buhay, at karanasan." kuwento naman ni Leon. Biglang dumating si Epifanio, ang kanyang nakakataas na kapatid para sunduin si Josephina para pumunta sa paaralan upang mag-aral. Nagpaalam na si Sephina kay Leon. " Hanggang sa muli, Leonardo." Pagkadating sa paaralan ay nag-usap si Epifanio at si Josephina. " Sephina, sino yung kasama mo kanina sa hardin?," tanong ni Epifanio. "Si Leonardo iyon, Kuya, ang aking kaklase't kaibigan noong elementarya." Hindi sinabi ni Sephina na siya ang kanyang krash dahil baka hindi matuloy ang kanilang relasyon.
Hulyo 30 - 4:31 PM
Unibersidad de Santa Cruz, CaviteSi Ginang Cordova ay nagtuturo ng Edukasyon sa Pamumuhay bilang Kristiyano (CLE). "Ang pag-ibig ay nasasabi at nagagawa sa anumang paraan. Ito ay ang pagmahal ng lubos, galing sa iyong puso't diwa, na kahit anumang mangyari at pumagitan ay magmamahalan kayo, at kahit ika'y nasasaktan ay kaya mo itong tiisin dahil tunay mo siyang mahal
at hindi mo siya sasaktan.", Naisip ni Josephina ang kanilang pag-iibigan ni Leonardo, ang kanilang kinabukasang buhay, pamilya at saya. Siya'y natulala at nangarap, na sila'y magkakatuluyan ni Leon. "Crisanta! Makinig ka sa aking sinasabi!" Saway ni Ginang Cordova. "Ikaw kasi eh, tulalang-tulala ka eh." Sabi ni Shaina, ang kanyang kaklaseng matalino, at kung sasabat ka, papatulan ka pa rin niya. *riiiiinnngggg* Ang pagtunog na nagsasabing oras na para sa kanilang kainan. "Hindi ko mapigilan ang mangarap at pag-ibig(pandiwa) kay Leonardo, siya ang krash ko!" sabi ni Josephina kay Isabelle, ang kanyang matalik na kaibigan simula ng kanyang elementarya. "Alam mo, hindi naman ganoon kadaling magmahal ng isang tao, tatanggapin ka ba niya at ng pamilya niya?" wika ni Isabelle. "Tama ka nga naman. Baka di niya ako matanggap." sabi ni Josephina.Hulyo 30 - 7:36 PM
Bahay Crisanta, Santa Cruz, CavitePagkatapos mag-kainan ng pamilya Crisanta ng hapunan, sinabi ni Sephina ang kanyang nararamdaman sa isang tao.
(Leonardo), hindi tinanggap ng kanyang ina ang kanyang opinyon dahil siya'y bata pa at sila ang pipili ng dapat na lalaki para sa kanya. "Dear Diary, mukhang kami'y mag-iibigan ng palihim, at siya lang ang aking mamahalin, anumang ang kanilang sabihin." Habang si Leonardo naman ay nasa MonteMayor, Laguna, nagpapadala ng mga sulat.1908 - Disyembre 21
Santa Cruz, CaviteMakalipas ang mga buwan, hindi nagkita sina Leonardo at Josephina dahil si Leonardo ay lumipat sa San Alfonso upang magaral sa pampublikong paaralan. Nalungkot at nawalan ng pag-asa si Josephina na babalik pa siya.
"Leonardo, ako ba'y nagkulang at dapat na sinabi na krash kita noon pa?", Hindi nagtagal ay nagpadala ng sulat si Leonardo kay Josephina "Aking Josephina, Hindi mo ako makakapiling ngayon dahil ako'y nag-aaral dito sa pampublikong paaralan sa San Alfonso. Katulad mo, gusto ko ring makapagtapos ng pag-aaral at para makapagplano sa ating kinabukasan. Wag kang mag-alala at pangako, babalik ako para sayo. Ang iyong Kaibigan, Leonardo Castello"
Natuwa si Josephina ng matanggap ito at pinagplanuhan na bigyan ng surpresa si Leonardo pagbalik niya. Bibigyan niya si Leonardo ng kanyang kwintas na gawa sa kahoy na may nakalagay na pangalan ni Josephina, bilang kanilang pagkakaibigan.

BINABASA MO ANG
Remember Me
Tiểu thuyết Lịch sửKilalanin si Janina Crisanta, ang mayaman at panganay sa magkakapatid sa isang royal na pamilya. Leonardo Castello naman na umibig kay Janina Crisanta. Sa kanilang panahong 1908, Si Janina Crisanta at Leonardo Castello ay nag-ibigan sa isa't-isa, n...