MDTD: Chapter 5- What the hell is this feeling?

146 7 0
                                    

Travis' POV.

Two weeks na ang nakakalipas simula ng malaman kong fiance ko yung si Amber. Dalawang linggo na rin kaming parang aso't pusa na hindi magkasundo. Away dito, away diyan. Bangayan dito, bangayan dyan. Barahan dito, barahan dyan. Hindi naman ako seryoso sa pakikipagtalo sakanya, ewan ko kung sineseryoso niya yun. 

Ang sarap sarap niya kasi asarin, nakakatuwa siya mapikon. Sa loob ng dalawang linggo na yun, naging habit ko na asarin siya. Lalo na pag namumula na siya sa pikon, I find her so cute.. Wait, what?  

"Hoy! Bilisan mo kaya, ano?!" - sigaw niya. 

"Oo na! Oo na! Ang bilis bilis mo kasi maglakad, ang liit liit mo naman sana, tapos ang laki laki ng hakbang. Umamin ka nga, maligno ka no?" 

Tinignan niya ko ng napakasama. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin, kanina pa ko nakahandusay dito.  

Kakatapos lang namin mag-enroll, papunta kami sa parking lot ngayon.

 Nauuna siyang maglakad.. Papasok na sana ko ng kotse nang makita kong hindi pa siya pumapasok. Ano nanaman bang inaarte nitong babaeng to, tsk. "Ano bang tinatayo tayo mo dyan?"

Tumaas ang kilay niya. "Hindi mo man lang ba ako ipagbubukas ng pinto?"

Napataas ako ng kilay. Ako? Ipagbubukas ko siya ng pinto? Tss. ASA SIYA!

"Anong silbi ng kamay mo kung hindi mo naman gagamitin?" - tanong ko sakanya.

Tinignan niya ko na para bang hindi makapaniwala. "Hindi ka talaga gentleman!!" - sigaw niya at pumasok na ng kotse. "Hoy! Dito ka, wag ka dyan!" - sabi ko nang sumakay siya sa likod.

"Bakit nanaman ba?! Ang arte mo ha!!" - sagot niya habang nakacrossed arms.

Ako pa daw yung maarte. Psh!!

"Wag ka sabi dyan eh! Ano kala mo sakin, driver mo?! Asa ka!" 

"Bakit? Mukha ka namang driver ah? Okay lang yan!" - she said as she smirked.

"Ano ka sinuswerte?! Ang gwapo naman ng driver mo!!" 

"Oo yung driver ko gwapo, mas gwapo pa sayo!" - she said as she rolled her eyes. 

Dami pa kasing sinasabi manong lumipat nalang!! Ayoko siya dun maupo, mukha niya kong driver. Like hello? Ang gwapo kong driver ha!

"Mas? De ibig sabihin gwapo ko? Sabi ko na talaga eh, attracted ka sakin." - I said grinning. 

HA! MAS daw eh >:) Sabi ko na talaga eh, attracted to sakin. Sino ba naman kasing hindi maakit sa charms ko? Sabagay, sabi nga nila. Nakaka-addict daw ako. 

"HOY!! ANG KAPAL NG MUKHA MO! MUKHA KA NAMANG ENGKANTO!" - sigaw niya sabay lipat sa harap. 

Psh. Lilipat din naman pala, pinatagal pa. -___-

Sumakay na rin agad ako sa driver's seat, naglalaro siya sa iPad niya habang nakataas ang paa. Talaga tong babaeng to, nakaskirt pa man din siya. Buti nalang hindi ako manyak -.-"

"Oy. Umayos ka nga ng upo." - sabi ko habang nagddrive at hindi nakatingin sakanya.

Napansin kong, tumingin siya sandali sa akin. "Pakielam mo ba?" - mataray niyang sagot sabay tingin ulit sa nilalaro. Isip bata talaga, tss.

Hinayaan ko nalang siya kasi malamang barado nanaman ako. "Oy. Nagugutom ako." - bigla niyang sabi.

"De kumain ka." - napansin kong inirapan niya nanaman ako. 

Money Down, then DEAL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon