MDTD: Chapter 4 - Unofficially Committed?

171 7 3
                                    

Hiiii. Sorry ngayon lang nakapag-update. Actually, ngayon ko lang ginawa to. So hindi ko alam kung pano ko tatapusin tong chapter na to, so pabitin nalang :D This chapter is less convos :) Thank youuu!! Sorry ulit! PS. LAME UPDATE! 

-------------------------------------------------------------------------------------

Travis' POV.

Grabe yung babaeng yun. Napakasadista, balibagin daw ba ko ng kung ano man ang madampot niya? Lakas ng tama. -__-" Kung nagkataon, de nasira tong gwapo ko'ng mukha? Pano na yung mga chicks? Pano na sila? Ayoko namang umiyak sila, hindi ko kayang makita silang kaawaan ako. Gwapo ko kasi eh :D

Akalain niyo ba? Yung mga babaeng yun pala yung hinayupak na babae na umagaw dun sa bag na ireregalo ko rin para sakanya? Ayos din e no? Sa dami ng babae sa mundong to, siya pa? Hindi naman masyadong co-incidence diba? 

Tapos lalasing lasing hindi naman pala kaya, ipapakilala palang siya sakin kagabi bigla nalang siyang tumumba buti nalang gwapo ako at nasapo ko siya. Kung hindi edi sa bermuda grass ang landing niya. Imbis na magpasalamat, binalibag pa ko. 

Ganon pala magthank you yun? 

At first, hindi ako interesado kung ano meron sa fiance ko. Kung maganda, de swerte. Kung pangit, de malas. 

Maganda naman si Amber, she's very beautiful infact. Crush ko nga siya nung nakita ko siya nun sa  mall, kani-kanina ko lang kasi na-realize. Well, ganon talaga pag gwapo. 

Feeling ko, mahihirapan ako dito sa isang to. Siya kasi yung tipo na mukhang palaban? But she seems so fragile. 

Kapag tumira na kami sa iisang bahay, bibili nalang ako ng shield ko. Mahirap na, mas mabuti nang handa. Baka mamaya, pag gising nun bigla nalang akong balibagin. Delikado, ang gwapo ko pa naman.

Pero ang ipinagtataka ko lang talaga....

Alam niyo kung ano yun?

Actually, kanina pa to naglalaro sa isip ko...

Hindi man lang ba siya na-gwapuhan sakin?! WALA BANG EPEKTO SAKANYA YUNG CHARMS KO?! ANG GWAPO KO KAYA!!

Ay ewan, bahala na. Pero isa lang ang nasisigurado ko, hindi kami magkakasundo ng isang to. 

Amber's POV.

OH MY GOSH TALAGA!! AS IN OH MY GOOOOOSH! HINDI PA RIN AKO MAKA-RECOVER!! As in ayaw mag-sink in sa utak ko na fiance ko yung baklitang yun!!! Bakla siya! Bakla! Nang-aagaw ng bag!! BAKLA!!!!! Grrrrr >.<

Of all people? Bakit siya pa ang kailangan kong pakasalan?! Pero ito lang ang kanina ko pang pilit ipinapaalala sa sarili ko, no emotions attached. JUST BUSINESS.

Pero hindi talaga eh, hindi ko pa rin maiwasang isipin na titira ko sa iisang bahay kasama yon! 

Na lalakad ako sa altar kasama yung lalaking yon!!

Anong delubyo ba tong hinaharap ko?

GOSH!

Nakaka-stress to! Omg, ayoko ng stress. 

Hops na ang kakaisip sa baklang yun. Geez, kapag talaga naiisip ko siya nagiinit ang dugo ko. Parang gusto ko ibalibag sakanya lahat ng bagay na makita ko, kaya lang iiwasan ko yung mukha baka tamaan. Gwapo pa naman, hihihi. OMG!! WHAT THE HECK AM I SAYING?!

I DID NOT JUST SAID THAT. OKAY! WALA AKONG SINABI! 

WALA KAYONG NABASA OKAY?!

ERAAAAAAAASE!!!! 

EMPTY RECYCLE BIN!!

Kanina pa ko dito sa harap ng salamin. Suklay ng suklay, ganito talaga ko pag stress. Nagpapaganda. >.< Unlike the others, kapag stress nagpapapangit pa. Like ew, >.<

Kanina pa rin nila ko hinihintay sa may Veranda sa second floor. Nandun kasi sila, pati yung unggoy nandun. Kaya nga ayoko bumaba -______-

Wala na rin halos yung tama ko, may pinainom sila sakin na kung ano tapos pinagpahinga ko for 10 minutes then ayun. Wala na, magic nga e. :D

8am na, ibig sabihin lang nun. Dalawang oras na nila ko hinihintay.. Ayoko kasi bumaba, naiinis ako sa unggoy. 

Sabi pa ni Lolo, aalis daw ako kasama yun. Mag-eenroll daw kami kasi papasok kami sa iisang school which is pag-aari ng business associate ni Lolo at ni Mr. Cuaresma, may school din naman sana kaming property, ayaw ko nga lang dun. Baka kasi maliitin nila dun yung skills ko, kasi apo ako ng may-ari. 

Kaya mas pinili ko na sa ibang school mag-aral. Pati sila Amanda, sa St. Harvard University dun nga sa pag-aari ng business associate nila Lolo na si Mr. Mendoza, sa pagkakaalam ko may anak yun. Kaibiganin ko daw sabi ni Lolo, like duh? Ako makikipagkaibigan? Psh. 

*tok tok*

Natauhan ako ng may biglang kumatok.

"Yes?" 

"Ms. Amber, bumaba na daw po kayo."

"Alright, susunod na ko."

"Sige po," 

Tumayo na ko sa kinauupuan ko, makababa na nga -__-

Sumakay ako sa elevator at bumaba ng second floor.

Naabutan ko silang naguusap sa may veranda, na kumakain ng breakfast.

Napaharap sila ng mamalayan nilang nakababa na pala ko. Ngumiti lang si lolo at si Mr. Cuaresma, si unggoy naman masyado atang nagandahan sakin at napa-nga nga. Well, ano ba namang aasahan niyo sa unggoy? 

Dinaanan ko si Travis, at saka ko binulungan. "Oo na, alam ko maganda ko. Bibig mo isara mo,"

Bigla naman siyang natauhan, at agad dumipensa. "Sus. Akala mo lang yun,"

Ayoko makipagtalo sakanya sa harap nila Lolo. May manners ako, kaya hindi ko nalang siya pinansin. 

Binati ko ng 'goodmorning' si Lolo at si Mr. Cuaresma, at umupo sa tabi ni Lolo.

Agad naman akong pinag-serve ng pagkain ng mga maid na nakatayo lang sa likod namin.

Nag-umpisa na akong kumain, ng biglang magsalita si Mr. Cuaresma. "Travis is lucky to have you as a fiance, you know."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Mr. Cuaresma, hindi dahil sa part na sinabi niya na fiance ko daw yung garapal niyang apo. Napangiti ako dahil na-appreciate niya ako. 

Napatingin ako kay Travis na nakatingin sakin, nung tumingin ako sakanya agad naman siyang umiwas tingin at nag-smirk. Psh!! Antipatiko talaga -__-

"Amber is also lucky to have Travis as her fiance." - Napatigil ako sa pagkain ng sumingit ni Lolo. ANO DAW? AKO SWERTE? DI SIGURO. ASA KA PA!!

Nakita kong napatigil din si Travis sa ginagawa niya, at napaharap kay Lolo at agad tumingin sakin at bigla ba namang kumindat. Feeling naman niya madadaan ako sa charms niya, kahit ba gwapo siya. Oo, sinabi ko yun intentionally.. Gwapo naman kasi talaga siya, hindi ko pwedeng ideny ang katotohanan. Kahit sa sarili ko hindi ko alam why I despise him so much, well not much. Ayoko lang siyang nakikita, naiirita kasi ako sa pagmumukha niya though gusto ko siyang nakikita. Naintindihan niyo ba? I'll assume na hindi niyo naintindihan, isipin niyo nalang ganiyan kagulo yung nararamdaman ko. Gaaah, pati sarili ko hindi ko na maintindihan. But he really is attractive.

"They make a really cute couple, bagay na bagay sila sa isa't isa. They're perfect for eachother!" - dagdag pa ni Mr. Cuaresma,

Sana lang matagalan namin ang isa't isa for the sake of our grandfathers' "business". And now, I therefore conclude that WERE UNOFFICIALLY COMMITTED. Like, what the hell? Eto lang ang masasabi ko. Goodluck for the both of us. 

Money Down, then DEAL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon