Chapter 2

22 1 1
                                        

Chapter 2
"The Transferee"

Nagmamadali kong idinial ang number ng nanay ko habang nagda-drive. Madilim na sa daan at dahil na rin nakainom ako ng alak kaya medyo binabagalan ko lang ang pagpapatakbo. Pagkalabas namin sa school ni James ay sa condo nya agad kami dumiretso kaya hindi nakakapagtakang gabi na ngayon.

Hindi ako nag-aalala, naku-curious lang ako. The fact na never nya akong tinext at tinanong kung nasaan ako ay nagpaahon ng kuryosidad sa aking katawan.

"Mom!" otomatiko kong tawag nang makarinig ako ng ingay sa kabilang linya.

Tumatawa sya at hindi lang boses nya ang naririnig ko.

Bar. Alam kong nasa bar na naman sya. Tumigil ako sa gilid ng kalsada habang napapairap kasi kanina pang bumubusina ang mga sasakyan sa likuran ko.

"Ano mga gago? Daan na!" sigaw ko as if maririnig ng mga sasakyang mabilis na lumampas sa akin pagkatabing-pagkatabi ko.

"Bwisit" singhal ko pa kasi tumigil ng konti sa tapat ko at bumusina yung isang sasakyan sa akin.

"Hello... Ruth?" my mother asked me over the phone na parang nanghuhula. Her usual self, bigla nalang sumasagot ng tawag na hindi muna tinitingnan kung sino.

Kinalma ko ang sarili ko at itinuon ang atensyon sa nanay ko.

"Yes" sagot ko. Napapikit ako sa ingay ng kabilang linya. "Mom can you please excuse yourself muna and then go to a 'quieter' place para magkaintindihan tayo?"

"Oh no no... yes of course Ruth!" hindi ko alam sino pa ba ang kausap nya. Medyo humina na ang ingay kaya alam kong sinunod nya ang sinabi ko.

"What is this call about?"

"You texted me. You're asking where am I and that's not so-you. Akala ko may kailangan ka", ani ko at tumawa lang sya sa akin na para bang may pinaalala akong joke na tinawanan na nya kahapon.

"Well, naka-kwentuhan ko ang mga amiga ko kanina lang. They asked me how was my daughter and I don't know what to say" sabi nya habang tumatawa.

"And...?"

"And then they asked me to tell you to come over para makita ka nila. They are totally drunk to realize we're at the bar and not at someone's house para papuntahin kita do'n. I find it hilarious!" kwento nya. Napairap ako sa mga sinasabi nya.

"So you texted me para imbitahin dyan? Para uminom kasama mga losyang mong kaplastikan?"

"Hey!" saway nya. "Your name should me Rude Ruth Romanca. Lagyan mo next time ng filter iyang bibig mo, anak" pabirong sabi nya habang tumatawa. Walang patutunguhan ang usapan kapag tino sya kaya mas lalong walang patutunguhan kapag lasing sya.

"Alright, bye mom", paalam ko sa kanya.

"Bye anak. Love you" malambing na sabi nya. There. Iyan ang nagpapatunay na lasing na talaga sya.

"Hmm, kay" sabi ko at ibaba ko na sana ang tawag nang nagsalita ulit sya.

"Where's my 'love you too'?" nagtatampong tanong nya. Shit, cringe.

Ruthless (stvsn #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon