Chapter 3

8 1 0
                                        

Chapter 3
"Jealous"

"Sino ba dyan?" tanong ko habang humihigop sa binili kong lemonade dito sa cafeteria ng Stevenson.

Abala ang dalawa sa kakalingon. Anila'y nandito sina Jiro pero wala yung transferee na tinutukoy nila.

"Anong oras na, may klase na ako ng nine" tinatamad na sabi ko.

Halos ilang oras na kami ditong naghihintay pero wala pa rin yung sinasabi nilang guwapo, matipuno at mukhang mabangong transferee.

"Kailan ka pa natakot ma-late?" nagtaas ng kilay sa akin si Clo at tinaasan ko rin sya ng kilay.

"Ngayong year lang. Nang na-realize ko na graduating na ako at kailangan kong makapagtapos kahit without flying colours. That's what you would call... realizations. Maturation" sabi ko at tumayo na. Kung gusto pa nilang magtagal dito ay bahala na sila.

"Maturation my ass"

Nangingiti akong umalis sa loob. Totoo ang sinabi ko. Natatakot akong hindi ako maka-graduate. Huling taon ko na ito sa college at gusto kong maipasa man lang ang kurso kong business management.

Ako lang ang inaasahan ni mommy na magmana balang araw ng kompanya namin kaya kailangan kong pagbutihan ngayon.

Hindi naman kalakihan ang kompanya namin. Naggagawa lang ng furnitures at ngayon palang nagsisimulang mag-export sa ibang bansa. Pinamana ito ng lolo at lola ko sa nanay ko bago sila mamatay.

Nagsimula kami sa pinakamahirap, saksi ako sa pagod at kawalan ng pag-asa noon ni mommy kasi mahirap humanap ng mga interesadong mag-invest sa maliit na kompanya gaya ng sa amin.

Kahit na mahirap noon ang buhay namin, tyinaga talaga ng nanay ko na sa private schools ako mag-aral simula day care. Tinutupad nya talaga na hindi nya ako hahayaang makaramdam ng miski katiting na paghihirap para hindi ko maisip na wala akong tatay.

Nagtagumpay sya, pinunan nya lahat ng pagkukulang ng tatay ko sa akin. Kaya ayos na ako kahit hindi ko sya makilala.

Hindi nagtagal ay umasenso nalang bigla ang kompanya. Hindi ako sigurado kung paano iyon nangyari pero ang makitang sobrang saya ng nanay ko ay sapat na para maging masaya rin ako. She deserves to be happy.

Natigil ako sa paglalakad nang mapansing pinagtitinginan ako sa hallway. It's not that I'm new to this but the stare they are giving me are way different from the usual.

"Hey"

Natigil ako sa paglalakad sandali nang marinig ang matigas na tawag na iyon pero hindi ako lumingon. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad na wala na talagang balak kumpirmahin kung sino ang tumawag.

Tumulak na ako papunta sa aking classroom na pahirapan pa bago ko nahanap. Umupo na ako sa bakanteng upuan sa harapan dahil napansin kong walang umuupo doon.

Takot sila sa unahan?

Umupo ako sa pinakagitna, tapat ng professor na nag-aayos palang ng gamit sa table nya sa unahan.

"This is a very difficult subject. This is not the time to play anymore. It is already the time to garble things up and to get ready for your future careers" ani nya habang nilalapag parin ang gamit sa lamesa, hindi man lang kami tinitingnan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ruthless (stvsn #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon