Chap 2 (FLASHBACK)

10 2 0
                                    

9months later...

January 1, 20XX

[From:Warren]

>Hi sis, pwede ka po ba ngayon?

>Hello, hindi eh.. d ako
papayagan lumabas.
New year na new year.

>Sige na po. swimming po tayo.
Libre ko, mgsama ka nadin po
ng mga kasama mo.

>Sayang gusto ko sana
kaso hindi pwede..

>uhm :-( sayang naman po.
Kami lng kasi ng insan ko
outing eh. May sanlibo kmi
pero hindi namin alam san
igastos. Eh naisip po kita. ^-^

>Haha.. ako talaga?
Okay lng sana kung
kayo ang pumunta dito. Di
ako pwede lumabas eh.

>pwede po ba pumunta
jan? ^-^

>pwede naman, sakto pupunta
sila Ranz at Jin dito mmyang hapon.

>Yes! Makakaasa ka pong
makakapunta po ako.. Kahit
di ko alam bahay niyo, hihi..

>Magtricycle ka nalang pagbaba mo
dito sa Urdaneta. Sabihin mo sa San
Vicente sa Elementary School.
Sunduin ka na lang ni Ranz mamaya.

>Hehe, makikita po ulit kita ^-^
Lakasan ng loob kahit no idea
ako sa lugar na pututunguhan
ko po mmya hehe ^-^

>Haha..

.

.

Wala na ako maireply eh.. tawa na lang.. teka nga.. bakit ko ba yun ininvite dito sa bahay-_- Parang kusa nalang ngtype yung kamay ko. HAYS!

Wala na kami ni Jin 2months ago pero still friends kami. Walang ilangan kasi kababata ko siya eh. Pero di gaya ng dati na di kami close. Close na kami ngayon.

.

.

Fast forward...

"Welcome po sa aming bahay" pagwewelcome ni Ranz kay Warren na parang isang tour guide. Matapos niyang sunduin sa Elementary School na ilang hakbang lang ang layo sa bahay.

"Sige pasok ka na.." sumalubong ako kay Warren. Mukha siyang nahihiya at halos ayaw niyang pumasok sa loob ng bahay namin. Pero pumasok na din siya nung nakita niya si Jin sa loob.

Nasa sala si Jin nagwawaypay na kanina pa nglalaro sa cp niya. Habang si Ranz naman ay nagloloptop. Nagdadownload ng Korean na pinapadownload ni mama niya..

"Ranz..!" Tawag ko kay Ranz na lumingon naman agad. Sinenyasan ko siya na ipakilala niya si Warren kay mama ko na nasa kusina. Nagluluto ng hapunan namin.. Tinola... yum yum!

Tumayo naman agad siya..

"Dito po tayo sa kusina naming malaki" pagli-lead ng way ni Ranz tour guide style.. akala mo naman kung bahay niya eh..
Bestfriend ko si Ranz at mgkaibigan din mama namin kaya ganyan nalang siya ka comportable dito sa bahay namin.

Ilang beses sa isang linggo siya pumupunta sa bahay dahil sa utos ni mama niya.. at grabe inuumaga na yan umuuwi HAHA...

Tulog na kming lahat. Siya gising pa at dpa umuuwi.. oh diba.. how cofortable.. any ways.. balik tayo.. sumunod ako sa kusina..

"Ay tita si Warren nga po pala"-Ranz

"Goodevening po" nahihiyang bati ni Warren

"Mm, ikaw yung nakasakayan ko sa bus nung isang araw diba?" -si mama.. wow nagkita na sila? Really?

"Ay opo, ako po, naaalala niyo pa po pala ko. Nagpakilala po ako sainyo noon"-Warren

What the!?

Matapos mapakilala ni Warren kay mama ay bumalik na kami sa sala. Busy padin si Jin sa pag COC niya no pansin kay Warren.

-ring ring ring-

Langya tong Ranz nato.. sino nanaman kayang tinatawagan netong manok na to!

"Uy brow! Napatawag kayo" sqgot sa kabilang linya.. si Alvin pala tinawagan niya. Pinsan ni Warren. Kilala ko si Alvin kasi kababata ko din siya.

"Uyy sakto may beatbox tayo oh" -Ranz. Dala ni Warren.

"Oo nga Ranz! Guitara na lang kulang" -Warren

"Uy sakto.. Leila ilabas mo na yung guitara mo" -Ranz

Pansin kong napalingon ng gulat si Warren sakin.
Saka lumingon ulit kay Ranz.

"May guitara siya talaga?" Tunog ng hindi makapaniwalang si Warren.

Ako naman tumayo na at pumunta sa kwarto ko para kunin ang guitara ko..

"Halluh meron talaga" -Warren.. Inabot ko sakaniya habang nakangiti niyang nakatingin sa guitara.

Ewan ko hah.. pero hindi yata makatingin si Warren sakin ng deretso. At pansin ko ding kapag may gusto siyang sabihin ay kay Ranz niya sasabihin at saka si Ranz ang magsasabi sakin at saka ako sasagot pero nakikinig lang si Warren sa sinasabi ko pero hindi siya lumilingon sakin.

At ewan ko din pero pagkabigay ko ng guitara sakaniya ay may kung anong ilaw sa mata na nakakita at nakahawak ng guitara. At isa din na napansin ko.. parang hindi talaga sya makapaniwalang may guitara ako..

Sa buong gabing yun. Nagkantahan sila kasama ang kabilang linya.

Mag 10pm nadin nung umuwi sila dahil ayaw pang umuwi nitong si Ranz kahit gusto na nung dalawa..

Remember.. umaga na umuuwi yang si Ranz.. haha..

Pinaglaro ko din pala sila ng Just Dance sa X-box at puro tawanan kami kay Ranz sa sayaw niya.

Infairness magaling sumayaw tong si Warren. Wala akong masabi.. saludo!

Ang cute niya din pala.. I want his bangs though.. 😍😍

Fooling Myself (ONE SHOT)Where stories live. Discover now