(31) Hunters

325 13 0
                                    

Chapter 31

Pagkatapos namin kumain ay dumeretso sa kusina si Yvan at sinamahan naman ako ni Anthony sa sala.

I still can't believe it. Close sila? At hindi lang yan, ah? They are childhood friends! Tapos nung sinabi nila sakin, damn I can't believe it.

Pati yung pagngiti at pagtawa ni Anthony. Parang nagrereplay sa isip ko yung senaryong yon. Yun ang kauna unahang beses na nakita ko syang ngumiti at tumawa.

"Hey, you're spacing out." Kalabit nya sa braso ko. Pati yan, pati yung mga ganyang gesture nya nakakapanibago.

"Sabihin mo nga sakin, Anthony. Paano kayo nagkakilala ni Yvan?" Tanong ko at nagpatuloy ulit kami sa paglalakad.

Malaki kasi ang mansion na to kaya malayo pa ang lalakarin makapunta lang sa sala.

"It's because of an ice cream." Sabi nya na ikinatingin ko sakanya. Akala ko may sasabihin pa, wala na pala.

"So, that's it? Dahil lang sa ice cream nagkakilala na kayo? Wala man lang full details? Hello~? Full details please?" Pangungulit ko. Tumigil sya sa paglalakad kaya tumigil rin ako at takang nakatingin sakanya. "Bakit ka tumigil?"

"You are too noisy." Sabi nyang magkasalubong ang kilay at matalim na nakatingin sakin. Feeling ko dinaanan ako ng sobrang lamig na hangin na tagos hanggang buto sa titig nya.

"Okay, okay. I'll shut up." Sabi kong may pagsenyas pa at zinip ang labi ko at sumenyas sakanya ng, "Happy?" At umirap. Nagpatuloy na sya sa paglalakad kaya sumunod na ako.

Damn this hot-headed vampire. Madapa ka sana.

"You saying something?" Biglang tanong nya at tumigil sa paglalakad kaya tumama ang ilong ko sa likod nya.

"Ouch!" Hinawakan ko ang ilong kong nasaktan. Hindi na naawa, pati ba naman ilong ko sinasaktan? Walang puso!

"Tch." At nagpatuloy na sya sa paglalakad. Madapa ka sanang hayup ka!

And for the fvcking nth time, tumigil na naman sya sa paglalakad at tumama na naman ang ilong ko sa likod nya. Nang iinis ata to eh!

"Ano bang problema mo?!" Inis kong tanong at tiningnan sya. Naging seryoso ang mukha nya at may tinitingnan kaya tiningnan ko rin yun.

Hmm, nasa sala na kami pero di ko naman alam na may bisita pala sila. Limang lalaki na mga nakablack suit at yung apat ay nay itim na salamin tapos yung nasa gitna, seryoso lang ang mukhang nakatingin kay Anthony.

Sino kaya sila? At bakit parang Men in Black ang peg nila? Wala naman atang alien dito o kaya patay na paglalamayan, no?

"Galing kami sa V-Htead. Our Boss sends us here for she have receive a signal that a non-human creature is in here." Biglang nagsalita yung lalaki sa gitna na ikinantaka ko.

Anong non-human creature?

'Shit.' Mura ni Anthony sa isip nya kaya napatingin ako sakanya. Non-human creature? Hindi kaya...

Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin ng lalaki don.

"Damn it!" Napasigaw ako at tinakpan ang mukha ko saka nagtago sa likod ni Anthony. Lahat sila ay napatingin sakin.

"Why, Miss? Do you-" Bago pa matapos ng lalaki sa gitna ang tanong nya ay sinagot ko na.

"No! M-May ipis lang akong nakita sa dingding. Oo, t-takot kasi ako sa ipis." Sabi ko na nanatili sa likod ni Anthony. Ngayon naririnig ko na ang iniisip nila.

Ang tumatakbo lang sa isip nila ay ang bampira. Dapat mawala ang bampira. Mga kampon ng demonyo. Walang lugar sa mundo. Mga halimaw. Yan lang ang tumatakbo sa isip nila. Nakakatakot. Hindi kaya, hunter sila?

Malamang! May bampira sa mundo kaya natural na may hunter rin.

Oo na! Manahimik ka na lang, kabilang parte ng utak ko. I mentally roll my eyes.

But, the fvck?! So, totoo nga?! My ghad! Paano pa ako makakapaglakad ng malaya sa kalsada kung may mga hunter palang naglalakad rin sa kalsada? I'm doom! We are doom!

"There are no sign of non-human creature here. We've just finish eating and-"

"At plano sana namin manood ng anime kaso mukhang hindi na ata matutuloy kasi halata namang hahalughugin nyo yung mansion." Putol ko sa sasabihin ni Anthony kaya nilingon nya ako at sinamaan ng tingin. Nagpeace sign lang ako at ngumuso ng tinanggal nya ang tingin nya sakin.

"Hey, guys. Handa na yung popcorn!" Sigaw ni Yvan sa likod namin kaya lahat kami ay napatingin sakanya. "Oh, di ko alam na may bisita pala?" Takang tumingin sya sakin, nagkibit balikat lang ako.

"They are from this company called V-Htead. They said that they have receive a signal that a non-human creature is in here." Malamig na sabi ni Anthony kay Yvan. Tumango tango sya at nilapag ang popcorn sa lamesa sa gitna ng mga sofa.

"I'm afraid there are none." Umiiling na sabi ni Yvan sa mga Men in Black kuno. Tumango lang ang lalake sa gitna at lumapit kay Yvan at nilahad ang kamay upang magshake hands.

"Thank you for your cooperation." Sabi ng lalake na tinanguan lang ni Yvan at tinanggap ang kamay ng lalake. "Sobrang lamig ng kamay mo."

"That is, kagagaling lang kasi ng kamay ko sa malamig na tubig at fully conditioned ang sala." Sabi ni Yvan at binitawan ang kamay ng lalake. Bigla ko namang naramdaman ang sobrang kalamigan. Napahalukipkip ako sa lamig.

"Is that so?" Tanong ng lalake na tinanguan ni Anthony at ni Yvan. "We will leave." Matigas na sabi nito at saka sila naglakad palabas. Pinakinggan ko pa kung tuluyan na nga silang nakaalis bago magsimula ng usapan.

"Waaaa! Ang lamig!" Sigaw ko ng tuluyan ng makaalis ang mga lalake kanina. Bigla naman akong nakaramdam ng makapal na tela sa likod ko, tiningnan ko yun at nakitang si Anthony ang naglagay ng makapal na kumot. "Thanks, Anthony." Ngiti ko.

"So, how did they get here-" Naputol ang sasabihin ni Yvan ng biglang may narinig kaming maharas na pagbukas ng pinto. Napalingon kami don at nakita ang mga kapatid namin na mababakas ang pagaalala sa mukha. Mabilis na lumapit sakin si Khouro at niyakap ako.

"Damn, I'm so worried about you." Mababakas ang sinseridad sa binitawang mga salita ni Khouro. Natawa lang ako. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at hinarap sakanya. "I miss you."

"Wag kang O.A., Khouro, isang araw lang akong nawala." Natatawang sabi ko. Akala ko tatawa rin yung iba pero hindi. Tumingin lang yung anim na magkakapatid kay Yvan.

"Uh-uh." Iling nya at tinuro yung tatlo nyang kapatid na nanatili sa pinto. Sabay na umiling si Zera at Ains at saka sabay ring tinuro si Dean na nasa gitna nila, nag iwas lang sya ng tingin.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, par!" Masiglang sabi ni Mikey at lumapit kay Dean saka mahinang sinampal sa pisnge. Bigla namang parang may nagliliyab na apoy sa mata ni Dean sa sobrang sama nyang tumingin kay Mikey.

"Quit that, Mikey." Seryosong sabi nya kay Mikey. Pilit na tumawa si Mikey at biglang tumakbo sa likod ni Ethan. "Anyway, sorry for the chaos we-"

"Ikaw lang! Wag kang mandamay!" Sabay sabay na sigaw ni Yvan, Ains at Zera kay Dean na napapikit sa lakas ng sigaw. Himala atang nagtagalog sila ng deretso?

"I did. I'm really sorry, Milady." Yumuko sya.

"Pati kayong tatlo, yuko!" Utos ni Ethan sa tatlo kaya nawala ang malalapad na ngiti nila sa labi at nagsorry sakin. Pinatawad ko naman sila. Pero not fully forgiven, lalo na yung ginawa ni Ains.

"Gago talaga kayo kahit kailan." Natatawang sabi ni Leon at tinapik si Ains sa likod na mukhang sadyang malakas dahil muntik ng masubsob si Ains.

"Hindi ka naman galit tol no?" Inis na sabi ni Ains na ikanahagalpak ni Leon. Tol? Anong tol? Taka akong tumingin kay Devin na natatawa na rin.

"Oh, they are our childhood friends." Sagot nya. Nanlaki naman ang mata ko.

"What?!"





Vampire ManorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon