Chapter 13.

43 1 0
                                    

Zelle's POV

"Zelle, nandito na si Jeric." sigaw ni Da. Kanina pa talaga ako nakabihis kaya bumaba na ako agad.

"Good morning fiancé!" Anyare dito? Nabasa kaya niya yung pm ko kaya okay na sya ulit? 

"Good morning din. =_____="

"Sige po Da, alis na po kami." Tama ba ako ng rinig? Tinawag nyang Da si Daddy?!

Habang nasa kotse nya...

"Bakit mo tinawag na Da si Daddy?"

"Kasi magiging Daddy ko na rin sya in the future" tapos nagkibit balikat lang sya

Me:  >___<+++

Jeric: ^u^

Buong byahe, nakatingin na lang ako sa labas. Feel na feel ko tumingin akala mo naman maganda ang view eh puro mga bahay lang naman nadadaanan namin.

Jeric's POV

Hindi na nya ako pinansin buong byahe. Mas naenjoy mo atang view ang mga bahay sa labas kesa titigan ang gwapo kong mukha.

Gusto ko sanang sabihin yan para pansinin nya ako pero di ko na lang sinabi dahil pahumble ako ngayon. HAHA!

Di ko maiwasang mapatingin sa kanya. Nakasandal na pala sa salamin at tulog na tulog. Itinabi ko muna sa gilid yung kotse ko para abutin yung neck pillow sa likod tapos sinuot ko sa kanya. Habang inaayos ko yung unan sa kanya napatingin ako sa mukha nya. Mukha syang maamong pusa hindi yung parang singkit na tigre na handa akong sakmalin anytime. Hahahaha!

Napalakas ata yung tawa ko patay. Unti-unti syang dumilat kaya mabilis kong inayos yung upo ko.

"Sorry. Kanina pa ba ako nakatulog? Nandito na ba tayo?"

"Ah. Hindi pa. May dinaanan lang kasi ako saglit sa convenience store kaya tinigil ko muna dito yung sasakyan."

Tapos tinitigan nya naman ako na parang nagtataka

"Bakit nasa batok ko yung kamay mo?" 

Ay. Sh*t. Inaayos ko nga pala kanina sa kanya yung unan at sa taranta ko na baka mahuli nya akong nakatitig sa kanya, di ko na nahigit yung kamay ko sa batok nya.

"Ano, kasi... kanina..."

"Hindi mo pa rin tatanggalin yung kamay mo?"

"Ay oo nga." Sa taranta ko kakapaliwanag sa kanya nakalimutan kong higitin yung kamay ko. Nakakatakot pala sya pag bagong gising.

Zelle's POV

Napansin kong nakastretch yung kamay ni Jeric. Kaya pala nararamdaman ko yung kamay nya nasa batok ko.

"Ano, kasi... kanina..." 

Nakakatawa yung itsura nya swear. Parang batang nahuli ng nanay na patagong nangunguha ng chocolate sa ref.

"Hindi mo pa rin tatanggalin yung kamay mo?" Kahit natatawa na talaga ako sinubukan ko pa ring magsungit. Nakakatawa kasi talaga yung frustrated na itsura nya. Kulang na lang pagpawisan sya eh hahahaha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Buhay Kong Fast BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon