Chapter 3.

74 1 0
                                    

Zelle’s POV

“Kamukha nyo po sya eh. At manang mana sa inyo, ang ganda po nya.”

Tumingin sya ulit sakin at ngumiti. Inirapan ko naman sya. Tsk. Ang presko ng dating.

“Hoy, Zelle. Care to share? Paanong nangyaring fiancé ka ni brother-in-law?”

Nakakahiya tlga tong babaeng to. Bumulong sakin pero narinig ata nila kasi napalingon sila samin. Hinila ko sya palayo sa kanila.

“Ano ka ba naman Aia?! Bumubulong ka ba talaga kanina o nagpapansin?”

“Ouch. It hurts naman! Ako? Nag-iinarte? Teka teka. Iniiba mo ang topic eh. Totoo ba yun? Fiancé mo si brother-in-law Jeric? Bakit close si Tito Mike sa kanila? Paano kayo naging mag-fiancé?”

“Wait. Isa-isa lang. Mahina ang kalaban. Sa mga nangyari kanina, tingin ko, totoong fiancé ko nga si Jeric. Di ko alam kung bakit close sila kay papa. Ang alam ko lang, nagkaroon ako ng fiancé kasi…

*flashback*

Graduation Day

After ng celebration nagpunta kami sa mall nina Papa at Charlsen. May imi-meet daw kasi kami.

Sa Aristocrat kami pumunta at umupo kami sa table. Kasama namin sa table yung mag-asawang same age lang halos ni Papa.

“Good evening Pare.” sabi nung matangkad at maputing lalaki kay Papa.

“Good eve din Pare, Mare.” Ngumiti lang yung babae kay Papa. Nagbow na lang kami ni Charlsen saka umupo.

“Mga anak, sila nga pala sina Tita Susan at Tito Alvin. Pare, Mare. Sila naman ang mga anak ko, sina Zelle at Charlsen.”

“Ang ganda mo naman, Iha. Manang mana kay Papa ah.”

“Thank you po.”

“Syempre naman Mare, kanino pa ba yan magmamana? HAHAHA”

“Wala ka pa rin talagang pinagbago, Pare. Tara na nga at umorder na tayo.” Sabi ni Tito Alvin

Umorder na kami at dumating din naman agad yung pagkain. Nagkamustahan lang naman sila nina Papa. Kami naman ni Charlsen, ngumingiti lang pag nababanggit kami sa usapan.

“Tungkol naman sa kasal nila, kailan ba natin gaganapin?”

“Siguro pagkatapos na lang magcollege ni Zelle.”

Teka. Kasal? Anong kasal yun?

“Ano bang course ang kukunin mo, iha?” Sabi ni Tita Susan

“Accountancy po Tita.”

“Ah. 5 years lang naman pla eh. Sige. Payag kami dyan pare. Pero mas maganda siguro kung sa UST na rin siya mag-aaral. Okay lang naman sayo, diba iha?” sabi naman ni Tito Alvin

“Opo.” Eh ano pa bang masasagot ko? Marami pa silang tinanong pero oo na lang ako ng oo.

Pagdating namin sa bahay tinanong ko agad si Papa kung tungkol saan lahat yun?

“10 years ago, tinulungan ako ni Alvin. May malaki akong utang na loob sa kanya kaya naman nang humingi sya ng pabor, hindi na ako tumanggi.”

“Pero Pa, tama bang yung buhay ko naman ang isakripisyo mo? Gusto ko rin naming magkaroon ng pamilya, Pa. Yung asawa na kaya ako papakasalan kasi gusto nya at hindi dahil napipilitan lang siya.” – ako

“Kaya nga anak, nakikiusap ako sayo.”

“Para namang may magagawa pa po ako.”

“Teka, kaya ba ayaw mong pumayag ay dahil may gusto kang iba? In love ka ba anak?”

Naisip ko si Sean. Pero best friends nga lang pala kami at mas mabuti nang ganun na lang kaysa mawala pa yung best friendship nmin.

“Wala kaya Pa.” with matching iling iling pa.  (==.)(=.=)(.==)(==.)(=.=)(.==)

“Asus! Halika nga rito!” Tinusok tusok pa ni papa yung tagiliran ko eh malakas kiliti ko dun

“Tama na, Pa. HAHAHAHAHAHA! Di ko na kaya. Sige na. Payag na nga po ako.”

“Pero anak, seryoso. Pasensya na talaga ah.”

“Okay lang po yun pa.” alam ko naman kasing hindi naman ako ipapahamak ng tatay ko.

*present*

“Ah! Kaya naman pala. Sana may utang na loob din si Mother Dear ko sa mga Teng para ipakasal din ako kay Jeron babes. Tapos magiging sisters-in-law na tayo… tpos sabay tayong manganganak… magiging close na magpipinsan yung mga anak natin… tpos sabay silang magkakaroon ng first crush..tapos… OUCHIE! Ang brutal mo tlga”

Binatukan ko nga sya. Kung ano ano pinag-iiisip.

“Girls, tapos na ba kayo dyan? Uuwi na tayo” – sabi ni papa

Kaya pumunta naman na agad kami sa kanila. Saktong pagdating naman namin dun….

*KRRRRK*

“hihi. Peace. (^_^)v Di po kasi ako kumain ng lunch sa sobrang excitement ko kanina sa game. Hihihi” – Aia

Si Jeron natatawa pero pinipigilan nya. Si Jeric naman napangiti lang.

“Ay ganun ba iha? Naku, daan na muna tayo dyan sa restaurant at mag-dinner na muna.” – Papa

“Pa, lowbatt na to. Uwi na tayo!” – Charlsen

Isip bata talaga tong si Charlsen. Para tablet lang eh. Sandali lang naman kakain.

*KRRRRK* “hihi. Sorry. (^_^)V” –Aia

“Pano ba yan anak, mamaya na lang natin icharge sa bahay yang tab mo, pagkatapos nating kumain. Kawawa naman si Ate Aia oh”—Papa

“Sige na po tito, uwi na kayo. Kami na lang po maghahatid sa kanila. Magdidinner na rin naman po kasi kami.” – Jeric

“Hindi ba nakakahiya sa inyo, mga iho? Pero dahil ikaw naman ang nag-alok, sige papayag na ako at mukhang sinusumpong na naman tong si Charlsen. Ingay kayo ah. Wag magpapagabi.”

Okaaay? Ganun ganun n lang yun? At nakita ko nang nakasakay ng taxi sina Papa at Charlsen.

Tumingin naman ako kay Aia na tulala at nakatingin sa taas tpos nakangiting ewan!  Nababaliw na naman ata.

“Tara na?” –Jeric

ASAR! Ano na nman ba tong gulo na napasok ko?!

AUTHOR’S NOTE: Gulo agad? Echosera to. Di ba pwedeng Jackpot? HOHO *O*

Wag ka ngang epal Author! Istorya ko to. As in shining moment!

AUTHOR’S NOTE: UHZUHR! Makaalis na nga. Babush! HAHAHAHAHA!

Kung hindi lang talaga dahil sa tiyan ni Aia. WAAAAAAAAAAAH TT______TT

Ang Buhay Kong Fast BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon