Chapter 1.

297 2 6
                                    

Zelle’s POV

10:00 am sa kwarto ni Zelle

*May magandang nagtext. May magandang nagtext.*

Message alert tone ko yan. At bago ko pa man tingnan kung sino yung nagtex,alam ko nang si Aia yan. Magrecord ba naman ng boses nya at gawing message alert tone ko sa knya. =____=

Tinatamad pa talaga akong gumising. Sabado naman kasi ngayon eh. Haaay. Pero binasa ko pa rin ang text nya.

“GOOD MOOOOOORNING! ZELLE, EXCITED NA TALAGA AKO! SA MONDAY NANG 1ST DAY NG COLLEGE LIFE NTIN!”

hay nako. =___= kaya yan excited na excited, kasi same school na sila ng boyfriend nya (pero di naman alam ng boyfriend nya na boyfriend sya ni Aia) sa De La Salle University rin kasi nag-aaral yung finafangirl nyang si Jeron Teng.

Classmates kami ni Aia since first year H.S. pa at kahit na magkaiba na kami ng school (sa University of Santo Tomas kasi ako) lagi pa rin kaming nagkakamustahan.

Nagreply ako sa kanya:

“Kailangan talaga all caps? Good luck sa first day mo haha. At sa Tuesday pa una kong pasok.”

 

“Ah talaga? HAHAHA! Akala ko tlga s Monday ka na rin. Good luck din! Gala tayo minsan, kasama yung best friend mong si Sean para libre lahat. Big time yun eh.” – Aia

Si Sean. haha. yung BEST FRIEND ko simula pa nung first year din. Yeah. Cliché man pero, in love ako sa knya kaso sya hindi. Yun lang! pero okay na rin naman ako sa BEST FRIENDS. Masakit man pero hanggang dun n lang talaga. Ano bang nangyayari sakin? Aga-aga, nagdradrama na ako.

Nagreply n lang ako ulit kay Aia:

“Dami mong alam. Sge. Kain n muna ako ng breakfast kakagising ko lng eh binulabog mo na’ko agad.”

“past 10 na kaya! ano ba yan? Sige na nga babush! (o^O^o)” -- Aia

 

Siya na nga tong nambulabog sya pa galit. haha.  

Bumaba na ako at nakita ko si Charlsen sa may sala nanonood ng cartoons. 9 y.o. na sya pero di pa rin sya nagsasawa dyan. Kapatid ko nga pala sya.

"Zelle, Charlsen kain na kayo.” Papa ko yun. Yung mama ko? saka ko na lang isheshare hahaha.

Pumunta na kami sa lamesa at kumain.

 

“Zelle, sa Tuesday na ang pasok mo diba?” Papa

“Opo.”

 

“Aba. Tamang-tama.” tpos ngumiti si Papa. ang creepy ng smile nya. yung parang may masamang binabalak

 

“Bakit po? Anong meron, Pa?”

 

“Same school kasi kayo ng fiancé mo. At kahit malaki ang USTE, may tsansa pa ring magkita kayo. ^_^”

 

“Pa. Ayan ka na naman sa fiancé thingy mo. Sabi ko nang ayoko na munang isipin yan eh.”

 

“Di ka ba nacucurious anak? Teka may kukunin lang ako. :)”

Ano naman kaya yun? Grabe talaga tong tatay ko. Akala mo teenager na babae na kinikilig pa dun sa fiancé thingy =______=

Ang weird ko ba? Kasi hindi ako nagdradrama na hindi ko mapapangasawa yung taong mahal ko talaga? Tanggap ko na kasing matuloy man o hindi yung arranged marriage ko, hindi ko pa rin mapapakasalan yung taong mahal ko. Kasi nga hanggang BEST FRIEND na lang. Haay. Ano ba naman to? Sabi ng ang aga pa para magdrama eh. :))

 

“Ayun! Nakita ko na.” tpos patakbong bumalik si Papa sa dining area.

 

“Eto anak o, picture nya.”

 

“Pa, bakit meron kang picture niya? =____=”

 

“Eh. Basta. Sayo na yan. Para pag nagkita kayo, mamukhaan mo sya.”

Tinitigan ko yung picture. Gwapo naman pala eh. Teka. Parang nakita ko na to sa TV eh. Saan ko nga ba to nakita?

 

“Jeric Teng nga pala pangalan ng mapapangasawa mo anak.”

 

“Achu!” Sa wakas! Nagparamdam na rin si Charlsen. Siguro masama pakiramdam nito kaya nananahimik.

Teka. Jeric Teng… Hala! Artista nga ata yun. ARTISTA ang fiancé ko?!

 (A/N: Nandito yung picture na binigay ng daddy ni Zelle sa kanya. Weird ba? May pagkafanboy lang talaga yung tatay nya. ^O^)

Ang Buhay Kong Fast BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon