Chapter 12.

48 0 2
                                    

Zelle’s POV

Hinatid naman ako ni Jeric pauwi pero napagod talaga ako kaya humiga na ako sa kama at napaidlip.

Nagising naman ako kasi ang ingay sa labas. Tiningnan ko yung relo malapit sa kama. 11:45pm na pala.

“Ahihihi. Ikaw talaga Franco, puro ka bola.”

“Ano ba? Hindi naman ako ganun kaganda eh. Tama lang.”

Ano ba yun? Disoras na ng gabi ang ingay ingay pa. Lumabas ako ng kwarto at pababa na ako ng hagdan nang…

“Sssh. Ikaw kasi iih. Puro ka bola. Nagising ata yung amo ko, wait lang ah.”

At bumukas yung pinto ng kwarto ni Jane malapit sa hagdan.

“Ay. Hello Zelle. Kanina ka pa ba rito? Ano’ng maipaglilingkod ko sa’yo?” Nakangiti pang bati sakin ni Jane.

“Ikaw ba yung kanina pang maingay? Sino ba yang kalandian mo. Pwede bang bukas na yan? Dahil antok na antok na ako at hindi makatulog tapos ang ingay ingay mo pa dyan.”

“Ay sorry. Relaks ka lang dyan. Minsan lang naman kasi ako lumablayp! Haha. Sige. Tulog ka na.”

“Sino ba kasi yan?”

“Si Franco. Yung driver nung nakatira sa mansion dito sa subdivision. Sa Landdy Street, yung white na--” Hindi ko na sya pinansin at pumasok na ako ng kwarto ko.

Kanina pa ako hindi makatulog at nakatulala lang sa kisame. Naisipan kong mag-online na lang muna sa Facebook.

2 Friend Requests

Si Aia yung isa. Ano to? Second account? Inaccept ko naman agad.

Yung pangalawa, teka. Jeric Teng?

Tiningnan ko yung timeline nya. Wala lang. Trip ko lang. Baka kasi poser to. Diba uso yun sa mga sikat? Tiningnan ko rin yung photos nya.

“HAHAHAHAHAHAHA!” hindi ko napigilan yung tawa ko. Kasi nakita ko yung mga pictures nya. Hindi ko alam kung kelan pa to. Pero parang outing ata nila eh. Nakakatawa kasi sobrang mukha syang bata dito. Laughtrip yung cap nya. Tinatawag nyang patpatin si Sean pero mas patpatin pa nga sya sa mga pictures dito.

Tiningnan ko rin yung friends nya. Kasama sa friends nya yung mga kapatid nya kaya tingin ko sa kanya nga ‘tong account kaya inaccept ko na.

*TING!* <Tunog yan ng nagpop na chatbox>

“Bakit gising ka pa fiancé?”

Di ko na lang pinansin at seen by ko lang. Naisip ko namang i-check yung timeline ni Sean. Walang malisya ah. Best friends na ulit kami ngayon at gusto ko lang maging updated sa buhay nya kaya ko ichecheck! Teka. Bakit ba nag-eexplain ako?

Defensive masyado, aminin!

Teka sino yun? Aish. Antok lang siguro to.

Nagscroll down ako sa timeline nya hanggang sa may nakita ako

In a relationship with Mariella Guerera

Cheesy man sabihin pero parang may sumundot sa puso ko bigla. Nagkatuluyan pala sila ni Ella. Si Ella yung matagal nang gusto ni Sean nung high school kami. Maganda, maputi at mahinhin. Kaya nga sikat din yun sa school eh, marami kasing nagkakagusto sa kanya.

Ang Buhay Kong Fast BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon