Lumabas na ako sa bahay na nagmamadali , hindi na naman ako nakapagsuklay ng buhok. Hay kainis naman, bakit kasi hindi tumatalab ang palmolive at creamsilk sa buhok ko. Hindi tuloy ako makapag suklay-no-more gaya ni Liza sa tv.
POK.
"ARAY! Tang-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Shemay! Nagjo-joke lang naman si Kim kahapon sa kanya eh!
"Tao ka ba? Para ka namang bunot na naging tao." Seryoso niya akong tiningnan at kinuha ang phone sa bag niya. Iniabot niya ito sa akin at ako namang loading na tao eh hindi ko nagets ang ibig niyang sabihin sa pag-abot ng cellphone niya sa akin.
"Tingnan mo ang sarili mo sa cellphone ko tanga. Baka kasi wala kayong salamin sa bahay niyo kaya confident na confident kang lumabas ng bahay na parang galing ka nangbarang ng tao." Padabog kong kinuha ang cellphone niya at niliitan siya ng mata. Aba tong hambog na animal na'to, hindi porket gwapo siya sa paningin ng iba, ganun na lang din ang impact nun sa akin. Tiningnan ko sarili ko sa phone niya at naitapon ko ito ng hindi sinasadya.
"Oh di ba, pati ikaw nagulat sa itsura -" Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay nauna na akong pumasok ulit sa loob ng bahay. Narinig ko pa siyang sinigawan ako sa may bandang gate namin.
"Hoy bruhang bunot ka!"
Shemay, hindi ko naman inakala na sabog na sabog pala ang buhok ko. May nakasabit pang mga mumho ng kanin, shampoong hindi nabanlawan ng maigi dahil sa nagkapit-kapit na strands ng buhok ko. Paano na lang kung nakita ako ng crush ko sa school, edi mas na turn off siya sa akin. Haaay! Naiiling ko na lang ang ulo ko at ginulo ang buhok dahil sa inis. Napa-aray pa ako nung ma stock sa buhok ko ang mga daliri ko. Tangene naman oh. Para na nga akong bruha nito.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Nagulat ako nang bumugad sa akin ang mukha ni mama at sumisigaw pa ito. Sa tingin ko ay galing pa sya sa kusina dahil naka apron at may dalang spatula pa ito.
"Baliw! Mamamarang! Baliw! Honey! Tulongan mo ako napasukan tayo dito!"
Nagpanic naman ako nang marinig ko ito sa bunganga ng mama ko kaya naging alerto agad ako sa paligid namin.
"Aaaaaaaaaaaaa! Nasaan ang baliw? Nasaan?"
Nagsitakbuhan kami ni mama sa kusina at napaparanoid na kaming dalawa. Naibalita pa naman kagabi sa tv na may pinatay na pamilya sa loob ng bahay nila dahil napasukan sila ng isang tao.
"Mama! Tawagan mo si papa dali! Ayoko pang mamatay mama!" Dali-dali akong tumakbo palapit kay mama pero nagulat ako nang tinutok niya sa akin ang spatula na dala-dala niya.
"Huwag kang lalapit sa'kin! Pauwi na dito ang asawa kong baliw ka. Sinong nagpapasok sayo ha?!"
Nangunot ang noo ko nang marinig ko ito mismo sa bibig ng nanay kong bruha. So nagtatakbo kaming dalawa dito sa kusina thinking na napasukan na kami pero napagkamalan lang pala akong baliw ng nanay ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Hindi ko na mapigilan ang sarili na mapatawa. Mas lalo namang nagulat ang mama ko at pinagpapalo ako ng spatula.
"Kandris Santos, may saltik ka talaga sa utak ha! Alam mo bang ikamatay ko na ang itsura mo kanina ha?!"
Sinubukan kong makatakas sa palo ni mama at fortunately, nakatakas naman ako. Naramdaman kong may malambot na bagay sa may uluhan ko at pamilyar na amoy. Tekaaaaa. Itinaas ko ang ulo ko at nanungot naman ang mga noo ko nang makita na naman ang lalakeng ito sa loob ng bahay namin.
"Anong ginagawa mo dito?!"
Pinipigilan niya ang sarili niyang matawa sa pagkagat ng labi niya. Naririnig ko pa medyo ang impit ng pagtawa niya. Tatadyakan ko na sana siya nang maramdaman kong may malaking kamay na dumampi sa uluhan ko -pucha naman oh, ikaka-bobo ko talaga ang paghahampas sa akin ngayong araw na'to.
"Kandris, nagkita na pala kayo ni Wrene eh bakit hindi mo siya pinapasok sa bahay ha? Ikaw talagang bata ka, pinagsarhan mo pa siya ng gate."
Lumaki naman ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng papa ko. Bakit niya kilala ang tarantadong ito? Tiningnan ko ang hayop na lalakeng nasa harapan ko ngayon at nginisihan lang ako.
"Teka lang si Wrene na pala 'to? Aw iho, kailan pa kayo umuwi dito ng papa mo ha? Kilala mo pa ba ako? Si Aunte Liesel mo?"
Nilapitan ng mama ko si Wrene at niyakap ito. Teka, bakit ang close naman ata nilang tatlo? Sino ba ang anak dito ha? Nagyakapan lang silang tatlo sa kusina at ako naman ay naiwan sa may gilid na takang-taka. Bobo ako pero hindi naman ata ako ganun ka ulyanin. I never met this boy before, so how come na magkakilala sila ng parents ko? But one way or another, have we met before?
BINABASA MO ANG
The Story of Two Hearts
Teen FictionTo let go or to hold tight? I want our story to be told, not to be untold -but everything is up to you now. Ito ang ating storya, ang kwento ng dalawang puso.