Wrene's POV
************
Ayoko na sanang dalhin ang sasakyan ko sa bago kong school but dad insisted to do so. Wala akong match pag tatay ko nang gunggong ang gagawa ng command. Nagkasundo naman kami na hindi na niya ako ihahatid sa first day ko sa bagong school dahil malaki na ako.
Papasok na ako sa gate at naghahanap ng mapag-paparkingan nang bigla na lang may natumbang babae sa harapan ng kotse ko. Puta nakabangga ba ako? Agad-agad akong lumabas ng kotse at tiningnan ang babae. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong malayo lang ang pagitan ng bumper ko sa paa niya.
"ANO KA BA! IF YOU WANT TO DIE PLEASE NAMAN HUWAG KANG MANDAMAY."
Inilipat ko ulit ang tingin ko sa babaeng tanga at nakita kong medyo magulo pa ang buhok nito at may suklay pang nakasabit sa buhok niya. Ano bang year nito? Baka elementary pa'to. Agad namang may lumapit na lalake sa kanya at chineck ang paa niya. Tsssss, malamang kuya niya to.
"Next time, assist your little sister, huwag mong hahayaang tumawid mag-isa."
Hindi na ako nag-atubiling tingnan pa ang lalake. Tiningnan ko ang oras, 30 minutes before it's 7:00 in the morning. Hindi pa ako late sa appointment ko sa Principal. Papasok na sana ako ng kotse nang marinig ko na lang magsalita ang babae.
"Hoy ikaw! Hindi ako bata!!!!!!!!"
Sasagot pa sana ako nang marealize kong mag aaksaya lang ako ng laway sa kanya. Mukha pa naman siyang immature. Hindi ko na ulit nilingon pa ang ulo ko at pinaandar na ang kotse ko. Nakita ko pa sa side mirror ko na muntikan na siyang matumba, buti na lang nasalo siya nung lalake. Tsssss, what a careless girl.
Nang makapasok na ako sa building ng school mismo ay agad akong nilapitan ng mga guards at inassists ako sa office of the Principal. Malapit lang pala sa entrance ng building ang office.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng opisina niya at naka-agaw ng pansin ko ang napakalaking trophy ng archery. Tiningnan ko ang mga letrang nakaukit sa trophy. National Champion.
"I'm sure, soon, you can put your own trophies in the office too. Lalo na at madaming opportunities ang first section -and based on your student record, you're more than qualified."
Napabaling ang tingin ka sa babaeng sa tansya ko ay nasa 40's na niya. Umupo siya swivel chair niya at tiningnan ang labas ng campus mula sa glass window niya. Ngayon ko lang napansin na glass mirror pala ang palibot ng office at mula rito ay makikita mo ang kabuuan ng campus.
"I am very grateful that you still choose our school Wrene."
Tumahimik lang ako at yinuko ang ulo ko. Ayoko nang pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na yun kaya minabuti kong sabihin directly sa kanya ang gusto kong mangyari during my stay here at Wis International School.
"I don't wanna be in the first section. Gusto kong ma experience ang last section scenario, makakatulong din po ito for my current research study -if you give me permission to do so ma'am."
Agad na inikot ng Principal ang swivel chair niya niyang marinig ang sagot ko. Tumayo pa siya at pinakita ang past record sa previous school ko.
"Wrene, alam mo ba kung ano ang capacity mo as a student? Hindi match ang IQ mo to be in the last section. You deserve better."
"So are you saying na may segregation of knowledge pala ang school niyo, and only those students who are in the first section ang may chance na maipakita ang potential nila Ma'am?"
Natahimik bigla ang principal namin. Well if she won't accept my suggestion then I can call dad to withdraw my papers in this school. She let our a deep sigh bago ako tiningnan ulit.
"Okay. I understand your part at susuportahan kita sa paper mo. Welcome to Wis International School."
Nginitian ko siya as a response at lumabas na ng opisina. Hindi na niya ako inihatid sa room ko dahil madali lang naman ito malocate -last section, last room, last floor.
Paakyat na ako sa second floor nang makita ko ang limang estudyante na nagtatawanan sa bandang unahan ko. Angkas-angkas pa nung isa ang maliit na babae. Hindi ko nakita ang mukha nila dahil nakatalikod sila mula dito sa direksiyon ko. Nakasunod lang ako sa kanilang lima at hindi ko maiwasang marinig ang pinag-uusapan nila.
"Hoy Kan, gwapo ba yung muntikan nang makabangga sayo?" Tinapik nung babaeng mataas ang babaeng nakaangkas sa likod ng isang lalake.
"Lahat naman ng may sasakyan gwapo." agad niyang sinagot ang tanong nang hindi man lang inisip o inalala ang tinutukoy na lalake nung isang babae. Teka, aren't they talking about me? May muntikan na akong masagasaang babae kanina dahil tatanga-tanga. Sinubukan kong silipin ang mukha nung babae naka-angkas sa likod ng lalake. I'm good at remembering faces so madali ko lang siya makikilala kung makita ko ang mukha niya.
"Gaga, so pati jeepney driver at Taxi Driver gwapo? Ganon? Bobo ka talaga" hindi ko makita ang mukha nung babae nang bigla na lang siyang batukan nung isang kasama niyang lalake.
"Tyrone si Jak oh kanina pa'to batok ng batok sa akin eh. Magiging bobo na talaga ako ng tuluyan nito, baka hindi na talaga ako makasagot sa mga exams, hindi makapasa sa college admission, hindi makaka gradtuate, hindi makakapag-asawa dahil walang trabaho at worse baka magka amnesia ako sa pambabatok ni Jak."
"Pfffffffffffttttttttttt." Hindi ko inaasahan ang naging response niya kaya imbis na tingnan pa ang mukha niya ay saglit na nawala yun sa isipan ko at pinilit ang sariling hindi matawa ng malakas. Buti na lang at medyo may pagitan ang spaces ng hagdanang inaakyatan namin.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Pinagpapalo siya ng mga kasama niya habang tumatawa pero nanatili pa ding seryoso ang mukha niya. Natawa na din ang lalakeng pinag-angkasan niya dahilan upang ma out balance sila at napabitaw siya sa pagkakapit sa may abaga nito.
"Aaaaaaaaaaa!"
Pati ako ay nabigla nang mahulog siya kaya nalate ang reflexes ko. Imbis na masalo siya before falling eh naingat ko lang ang kamay ko nang tuluyan na siyang mahulog sa may hagdanan tinatapakan ko ngayon. Nakatingin lang ako sa kanya na medyo shock. I never saw a woman falling behind the back of another person and this is the first time. Inangat niya ang ulo niya and our gaze met.
"We meet again." Yan lang ang nasabi ko bago tuluyang nagsitakbuhan pababa ang apat pa niyang kasama.
BINABASA MO ANG
The Story of Two Hearts
Teen FictionTo let go or to hold tight? I want our story to be told, not to be untold -but everything is up to you now. Ito ang ating storya, ang kwento ng dalawang puso.