Chapter 3: Hello Mr. Transferee

12 3 0
                                    

Kandris' POV 

*******************

"We meet again" yan lang ang narinig ko sa lalakeng nasa harapan ko ngayon. Teka, hindi ba siya yung muntikan na akong mabangga kanina?

"Kaaaaaaan! Bakit naging tanga ka na naman." sinimangutan ko si Jak dahil dito. Tinulungan naman akong patayuin ni Penelope, Tyrone at Kim.  

Umalis na yung lalake na parang walang nangyari.  Tatawagin ko sana siya nang bigla akong iharap ni Tyrone at inayos ang buhok ko. 

"Sa akin ka na umangkas ha, huwag na kay Kim. Lagot talaga kami kay tita at tito pag nabagok ang ulo mo eh baka magkatotoo pa yung pinagsasabi mo kanina."  tinango ko lang ang ulo ko at nagmimic naman ng 'sorry' si Kim. Nginitian ko lang siya at inabot sa kanya ang suklay na kanina pa palang nasa buhok ko. 

Hindi na mahagip ng mga mata ko kung saan dumaan ang lalake kanina, kaya pinabayaan ko na lang. For sure makikita ko rin naman siya around the campus dahil magaling naman ako maghanap. 

Habang papaakyat na kami papuntang third floor kasi nandun yun section namin eh hindi ko maiwasang hindi mairita sa mga nagbubulungan sa corridor. 

"Grabe naman yan, sino ba siya para iangkas ni Tyrone sa likod ha?" inggit ka lang girl!

"Tingnan niyo nga ang buhok niya magulo, hindi ba yan babae?" napakapit naman ako sa buhok ko. Maayos naman ang buhok ko ha! 

"Tingnan mo nga si Jak oh ang hot, bakit palaging nakabuntot si Penelope sa kanya?" nakita ko namang napamimic si Penelope at hinawakan ni Kim ang uniform niya. Ayan na naman alam kong naiinis na naman si Penelope dahil napagkakamalan siyang laging nakabuntot kay Jak.

Medyo umuna ng lakad si Penelope sa amin at patuksong sinundan naman siya ni Jak. Lumapit si Kim sa akin at inayos bahagya ang buhok ko.

"Ayos ka lang Kan? Saan ba ang masakit?" nakita kong nag-aalala si Kim kaya tinapik ko si Tyrone at binulungang okay na ako maglakad. Ginulo ko naman medyo ang buhok ni Kim. 

"Okay lang ako ano ba. So pano ba yan, babawiin ko na yung libre ha?" natawa naman siya at gayun din kami ni Tyrone.

 Ayokong nagui-guilty ang friends ko dahil lang sa katangahang nagawa ko. Kasalanan ko din naman talaga yun kanina dahil bumitaw ako sa pagkakahawak kay Kim. Hay, ewan ko ba kung bakit napakakitid ng utak ko kahit anong kain ko ng nutritious food para sa brain eh -lagi na lang akong na ii-scam.

Naunang nakapasok sina Penelope at Jak sa amin. Kasunod naman naming dumating ang teacher namin pero may kasama siya sa bandang likuran niya. Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya dahil dali-dali na kaming pinapasok ng teacher namin. 

Nang makaupo na kaming lahat ay tsaka naman niya inanounce na may bago kaming classmate. Napuno ng hiyawan at bulungan ang klase pagkatapos niya yun sabihin. Never pa kaming nagka classmate ng transferee dahil kung hindi star section eh napupunta sa first section ang mga bagong students. Pinapasok na ni ma'am ang transferee at para naman siyang nag slow motion sa paglakad sa harapan ko. 

"I'm Wrene Fortesso.  Let's be productive this year." 

At yinuko niya ang ulo niya. Tinapik naman ako ni Tyrone at bahagyan tinutukso sa ngisi niya. 

"Kaaan, yung kuya mo oh na tinawag kang bata kanina."  medyo pinalo ko siya at nabaling naman ang attention naming lahat nang magtanong si ma'am kung saan gustong umupo ni Wrene. 

Nilibot niya ang paningin niya at may nakikita pa akong mga classmate kong mga babae na sobra kong magpacute para tumabi sa kanila si Wrene. Napangiwi na lang ako, at nagulat naman ako nang bigla na lang akong ituro ni Penelope. 

"Sa'yo raw tatabi si Mr. Tranferee Kan."

Napatango na lang ako ng ulo at hindi na makapagsalita nang bigla na lang umupo sa tabi ko si Wrene. Ang gwapo niya pag malapitan. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story of Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon