Kandris' POV
*************
Papasok na ako ng school nang makita ko sa labas ng gate si Tyrone. Kinawayan niya agad ako at patakbo naman akong lumapit sa kanya. Malapit na malapit na sana ako sa gate nang bigla na lang akong natapilok sa bato.
CRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAK.
Napatingin ako sa left side ko nang marinig ko ang pilit na paghinto ng manibela ng isang sasakyan. Gulat na gulat ako at napahawak ako sa may puso ko. Shemay, muntik na akong mamatay.
"ANO KA BA! IF YOU WANT TO DIE PLEASE NAMAN HUWAG KANG MANDAMAY."
Hindi agad ako nakapagreact nang sigawan ako ng lalakeng nasa harapan ko ngayon dahil (1) hindi pa ako nakarecover sa pagka shock, bale parang traumatize pa ako slight; (2) ang gwapo ng lalakeng nasa harapan ko ngayon na putak ng putak.
"Kan, okay ka lang? Anong masakit sayo ha?"
Bumalik lang ako sa katinuan nang maramdaman kong niyuyogyog ako ni Tyrone at nagsikumpulan na rin ang ibang mga estduyante sa labas ng gate.
"Next time, assist your little sister, huwag mong hahayaang tumawid mag-isa."
Agad akong napabaling ng tingin sa gwapong lalake, naka P.E uniform din siya gaya namin pero hindi siya familiar sa akin. Anong little sister ang pinagsasabi ng gwapong 'to. Ako? Ako ba ang mukhang bata?
"Pffffffffffffffftttttttttttt"
Nagpipigil ng tawa si Tyrone at nang mapansin ko siya ay agad niyang sinarado ang mga labi niya. Sinamaan ko siya ng tingin at nang mahagip ng mga mata kong paalis na yung bumangga sa akin ay agad akong napatayo.
"Hoy ikaw! Hindi ako bata!!!!!!!!"
Hindi na niya ako binalingan ng tingin at agad pumasok sa sasakyan niya. Aba sana ma flat yung gulong niya!
Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko ng maramdaman ko ang sakit sa may ankle ko. Napangiwi ako ng mukha dahil sa sakit at muntikan nang ma out balance.
"Ayan kasi, dahil sa katangahan mo napagkamalan kang bata."
Buti na lang at nasalo ako ni Tyrone. Inalayan niya akong makalakad at ginulo medyo ang buhok ko. Mas nainis naman ako dahil dito.
"Grade 12 ka na pero hindi ka pa din marunong mag-ayos ng buhok tssss."
Nginusuhan ko lang siya at akay-akay niya ako papuntang gate ng school. Balak sana naming umupo muna sa bench para makapagpahinga ang natisod kong mga paa nang out of the blue eh bigla na lang lumutaw ang mga mukha ng mga may saltik sa utak naming mga kaibigan.
"1,2 ready set GO!"
Pasugod na nagsitakbuhan sina Kim, Penelope at Jak sa direksiyon namin ni Tyrone ngayon. Nagtutulakan pa ang tatlo at sa sobrang lawak ng school namin eh nagsiksikan pa talaga sila dahilan upang maipit sa gitna si Penelope.
"Pag ako talaga ang unang nakalapit kina Tyrone at Kandris aangkas talaga ako sa likod niyong dalawa whole day!"
Namumula na ang mukha ni Penelope nang sabihin niya yon. Hindi naman papa-awat ang dalawang lalake at mas siniksik pa sa gitna si Penelope. Nang malapit na silang makaabot sa direksiyon namin ay agad na iniharang ni Tyrone ang dalawa niyang mga palad sa mukha ni Kim at Jak, binaba ko naman ang katawan ko para hindi magkabangga ang mukha namin ni Penelope pero wrong move ata ako dahil unang nabangga ang panga ko sa tuhod ni Penelope at muntikan na siyang mag luksong baka sa likuran ko, buti na lang at nasalo ng mga braso ni Jak ang mukha niya.
"Sinong nauna sa aming tatlo?"
Hirap pang naisabi ito ni Kim dahil sa palad na nakaharang sa mukha niya.
POK.POK.POK
Agad silang binatukang tatlo ni Tyrone. Tinulungan niya akong tumayo at napahawak naman sa kanilang ulo ang tatlo.
"Alam niyo bang muntik nang masagasaan si Kandris ngayon?"
O___________________O >silang tatlo
"Sino naman ang naglakas loob para tangkaing sagasaan si Kan ha?!" -Penelope
Sa lakas ng boses ni PENELOPE eh halos tingnan na kami ng buong estudyante sa school. Agad ko namang pinatikom ang bibig niya at mailang niyang tiningnan ang mga estudyanteng napapadaan sa direksiyon namin.
"Ano na namang katangahan ang ginawa mo ha?" -Jak
I pout when I heard Jak. At binatukan ko siya
"Hindi ako tanga. Kasalanan ko bang nakaharang ang bato sa dadaanan ko? Tsssss"
Napahawak siya sa may ulo niya at nagsign naman siya ng kamao sa kamay niya -pinanlisikan ko lang siya ng mga mata at nag bleeh sa kanya.
"May sugat ka ba Kan?"- Kim
Buti pa si Kim concern sa akin eh. Iniling ko ang ulo ko as a sign of a no pero medyo tinaas ko ang kanang paa ko at nginitian siya.
"Thank you sa concern Kim! Wala akong sugat pero masakit yung paa ko. Nahihirapan nga akong maglakad eh."
"Ah, so hindi ka makaka-akyat ng hagdanan?"- Kim
"Mmmm yep. Sana may gentleman sa mga kaibigan ko na willing I offer ang mga likod nila at ipaangkas ako."
Natahimik sila Jak,Kim at Tyrone. Kanya-kanya silang nagsiyukuan ng ulo. Pinaikutan sila ni Penelope at ikinumpas ang mga daliri niya sa hangin.
"Jack and Poy kayo. Ang talo, siyang bubuhat kay Kan. Dali dali! Malapit na magbell."
Lumipas ang 20 minutes at narinig ko na lang na nagtitili si Kim at medyo naglulukso-lukso pa ito. Nag appear naman si Jak at Tyrone tsaka tinapik ang likurang bahagi ni Kim. Lumapit si Kim sa akin at padabog na tumalikod. Ngumiti agad ako at umangkas sa may likuran niya. Buti na lang talaga P.E namin ngayon, hindi ako nakapalda.
"Let's go driver chuchu!"
Nagtawanan kaming apat except Kim. I pat his head at ininat ang mukha niya.
"Kim huwag kang sisimangot okay???? Magaan lang naman ako. Tsaka libre naman kita nga lunch, snacks,pamasahe at dinner for one month."
Napatigil sa paglalakad si Kim at sumilay ang napakalaking ngiti sa mga labi. Hindi naman makapaniwala sina Jak, Tyrone at Penelope. Alam ko nang ganyan talaga ang magiging reaction nila dahil sa aming lima ako talaga ang kuripot.
"Totohanan talaga Kan?" - Tyrone
Tumango lang ako. At ganado namang naglakad si Kim, angkas-angkas ako.
"Here comes the driver chuchu!" - Kim
BINABASA MO ANG
The Story of Two Hearts
Novela JuvenilTo let go or to hold tight? I want our story to be told, not to be untold -but everything is up to you now. Ito ang ating storya, ang kwento ng dalawang puso.