Kabayaran sa Nagawang Kamalian

181 9 15
                                    

7/23/14

Wala naman yatang nagbabasa nito na batchmate ko diba? Kung meron man, aba'y walang kopyahan! HAHAHA Pacritic po. Project lang. Rap pa kase gusto nila eh. Rap pa mooooore. HAHAHA SALAMAT! :)

[First try]

Noong panahon pa ng Lola ko

Sarap ng hangin, napakapresko

Pwede pang mamingwit, mangisda

Sa tuwing sila'y binabaha

Bawat kanto may halamanan

Napakaganda dati ng kapaligiran

Ngunit ano ng nangyari ngayon

Bakit tila tayo'y baong-baon

Sa mga usok at kalat na naipon, nalanghap

Hindi na natin naranasan ang sarap

Maibabalik pa kaya nawalang mga yaman

Kung lahat na lang tao ay gusto na lang yumaman

Tingin sa kanan, sa kaliwa

Puro basura ating makikita

Polusyon sa tubig, sa hangin na gawa ng mga walanghiya

Hindi ba natin naiisip na lahat ay may kabayaran

Babalik din sa atin nagawa nating katarantaduhan

[Second try]

Makakain ba natin ang pera kung mga halama'y wala na

Maitatanim ba ito at siyang magbubunga

Ng mga pagkai't prutas na ating kinakailangan

Para mabuhay dito sa mundong kinagisnan

Di man lang ba sumasagi sa isip ng tao

Kung walang mga halaman, malamang gutom na gutom tayo

Malalanghap ba natin ang pera kung mga puno'y wala na

Upang magbigay ng hangin na kailangan ng baga

Malilinis ba nito ang polusyon sa hangin

Na ang mga dahon lamang ang kayang gawin

'Di man lang ba sumasagi sa isip ng tao

Kung walang mga puno, malamang patay na tayo

Mas nais pang magpayaman, magparami ng pera

Kaysa maglinis, magtanim, magdilig ng narra

Puro building, imprastraktura ang ginagawa

Kaysa ingatan ang mga kagubatang ang Diyos ang lumikha

Di ba tayo natatakot sa maaaring kabayaran

Sa mga pinaggagagawa natin kay Inang Kalikasan

[Third try]

Mga puno't halaman sa mga kapatagan

Pinuputol sinusunog para lang tayuan

Ng mga subdibisyon na pwedeng tirahan

Unti-unti nang nauubos mga magagandang tanawin

Dahil lang sa mga taong gustong yumaman kaysa lumanghap ng hangin

[Fourth try]

Rumaragasang malinis na tubig sa mga ilog noon

Pwede pang inuman at paliguan ng mga taga-doon

Tila walang dumi walang makukuhang sakit

Marami pang nangingisda't marami ang nabibingwit

Pero ano na itsura ngayon ng mga ito

Tambak na ng basura't hindi matiis ang baho

Sabi nila'y unti-unti nang nawawala mga yaman sa tubig

Kagagawan ng mga taong ang kapaligira'y hindi inibig

Napakaberde pa noon ng mga kapataga't kagubatan

Lasap na lasap ang sariwang hangin habang dumadaan

Pitas dito, pitas doon ng mga prutas

Panay ang tambay sa ilalim ng puno ng lechiyas

Ngunit ano nang nangyari ngayon sa mga lupa sa basura ay baon

Konting ulan lang ay binabaha sa siyudad hangin ay nakakasura

Sabi nila'y unti-unti nang namamayani ang polusyon

Kagagawan ng mga taong tapon dito tapon doon

Ramdam na ramdam natin ang mga kabayaran

Ng mga ginawa nating kamalian sa kalikasan

Baha, pagguho ng lupa sa ating mga kalupaan

Mga sakit na lumalaganap dahil sa hanging may karumihan

Inatasan tayong alagaan at paramihin mga ito

Hindi sirain at ubusin ang mga nilikha ng Panginoon

Choose the best? :)

Line by LineWhere stories live. Discover now