Dear Pimples

141 8 8
                                    

8/10/14

Ano ba talaga trip niyo?

Nung summer wala naman na kayo

Pero ngayon eto kayo

Nambubulabog ng mukha ko

Nakakainis kaya

Di niyo ba nadarama?

Ipinagtatabuyan na nga kayo

Pinagsisiksikan niyo pa rin sarili niyo

Utang na loob lang ah

Hindi evacuation center aking mukha

Hindi porket maayos na ito muli

Kayo ay muling mananatili

Kulang pa ba ang pagpapaderma

Pati na rin pagpipisa

Para malaman niyong di kayo nais

Gusto ko lang naman kuminis

I exile you! Yan ang utos ko

Pakiusap, sundin niyo

Pramis matutulog na ako ng maaga

Lubayan niyo lang aking mukha

Line by LineWhere stories live. Discover now