Entry # 1

2.9K 89 12
                                    

Dear Diary,

Mula ng makita ko si kuya Breizel na ganon ang itsura ay may kakaiba na akong naramdaman.

======================

"May diary na din ako." sabi ko dun sa kaklase kong nakitaan ko dati ng diary kaya ginaya ko.

"Gagraduate na tayo ng grade six saka ka nagsimula mag diary?" anito na ikinanguso ko.

"Hindi lang naman habang nag aaral pwedeng mag diary ah?" ang depensa ko naman.

"Wow! Usapang Diary! Ano pangalan ng Diary mo,Czech? Diary ng beki?" biglang sulpot ni Kairul at dinugtungan pa ng tawa. Nagtawanan tuloy yung mga kaklase namen,parang gusto ko ng maiyak.

"Ang sama ng ugali mong ulupong ka! Isusumbong kita sa kuya Breizel nya!" ani Mine,yung kausap ko kanina. Kapitbahay ko din sya at kalaro.

"Wow! Takot naman ako! Hay nako,pati bata ngayon bakla na. Kawawa naman ang mga lalaki,nauubos na!" nang aasar pa nitong sabi.

Sa sobrang inis ko ay tumayo ako at sinipa sya sa banda dun. Napapatalon sya sa sakit na sinapit nya sa akin.

"Tae! Ang sakit nun ah?!" ani Kairul na halos hindi na makahinga. Binelatan ko lang sya,dinampot ko ang bag ko at nanakbo palabas ng room.

Takot akong gantihan ni Kairul kaya wala akong ibang naisip kundi ang umuwi na lamang.

Ala una palang ng hapon kaya tirik pa ang araw at sobrang init. Ngunit sa tulad naming dito sa probinsya lumaki ay balewala ito,sanay na kaming mabilad sa init.

Hapong hapo akong nakarating sa bahay. Wala pa sina Nanay at Tatay,siguro nasa bukid pa. Wala pa din akong makalaro dahil nasa eskwelahan pa ang lahat.

Patay ako nito pag nalaman nilang umuwi ako ng wala pa sa oras. Kailangan kong magtago muna hanggang dumating ang oras ng uwian.

Pwedeng kina Ninong Carlo muna ako magtago,pagtatakpan naman nila ako pag sinabi ko ang rason. Kaso anong gagawin ko dun? Wala pa din siguro si kuya Breizel,baka nasa school pa.

5th year na si kuya Breizel bilang kolehiyo,Engineering ang kurso nya sa isang maliit na University sa bayan. Mula ng magkaisip ako si kuya Breizel na ang lagi kong kasama,lagi nya akong iniinis at pinapaiyak pero sa kanya pa din ako nagsusumiksik.

Bitbit ko pa din ang bag ko ng lumabas ako sa likod bahay. Sa likod bahay din nina Ninong Carlo ako dadaan para walang ibang makakita sa akin.

Sa bintana ni kuya Breizel ako dumaan kaya sa kwarto nya ang bagsak ko. Ang lambot ng higaan ni kuya,sana ganito din ang higaan namin nina Nanay at Tatay.

Inilapag ko ang bag ko sa tabi ng higaan at nagmasid sa kwarto ni kuya Breizel. Naiwan dito ang amoy nya. Ganun ba talaga ang mga tao? Ganon din ba ako pag lumaki na?

Nasan kaya yung hawak nya nung nahuli ko sya sa ganung akto? Tanda ko pa aalis na sana ako nun pero hinila nya ako at sinabing huwag ko daw sasabihin kahit kanino,normal daw na sikretong ginagawa iyon ng mga lalaki.

Nagulat ako ng humampas ang bintana. Pagtingin ko ay ang lakas ng hangin. Uuwi na lang ako,tutal oras na din ata ng uwian.

Lumabas na ako sa bintana,saktong pagbaba ko ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Tumakbo ako palabas,nakasalubong ko ang mga estudyanteng nagtatakbuhan na pauwi.

"Czech! Umuwi ka na at magtago! Patay ka kay Kairul!" sigaw ni Mine. At sakto nakita kong nasa malapit na sa amin si Kairul,tumatakbo. Nanlaki ang mga mata ko sa takot.

Kahit umuulan ay gagantihan parin nya ako? Grabe naman sya!

"Humanda ka sa akin!" at dahil dun ay tumakbo na ako. Nag iba ako ng daan,napunta ako sa papunta sa gubat. Habang tumatakbo ay nilingon ko sya,hinahabol pa din nya ako. Sigurado akong patay ako pag naabutan nya.

Diary Ng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon