Dear Diary,
Hindi pala lahat ng kaaway mo ay kaaway mo na habang buhay. Kasi dahil sa nangyari,para na kaming bestfriend ni Khairul.
PS: wala ng nang aaway sa akin.
==================
Sabado noon,syempre walang pasok. Kaya kami ng mga ka edad ko ay naglaro ng patentero kahit na tirik na tirik pa ang araw.
"Waaahh! Ang daya mo Khairul ah?!" sigaw ni Mine,paglingon ko nasa tabi ko na si Khairul at nakangisi.
"Walang madaya don! Nakalusot ako oh?" sagot ni Khairul. Nakaharang na sa bawat guhit ang mga kalaban namin at ang hirap ng maka goal.
"Wala kasing dayaan!"
"Hindi ako nandadaya!" sagot ni Khairul. Hindi ko tuloy ma gets kung anong pinagtatalunan nila.
"Nahawakan kita eh! Dapat patay ka na!" ani Mine na nagmamaktol.
"Ano ba ginawa mo?" tanong ko kay Khairul.
"Tumawid sa guhit. Gusto kitang samahan dito eh."
Pakiramdam ko namula ako sa sinabi nya at hindi agad ako nakapag salita.
"Czech! Pupunta akong ilog. Sama ka?!" biglang tawag sa akin ni Kuya Breizel. Na excite tuloy ako.
"Mamaya na lang tayo maglaro!" sabi ko sa kanilang lahat at tumakbo papunta kay kuya Breizel.
"Ano ba yan? Pawis na pawis ka." ang agad na sita ni kuya Breizel at hinubad ang sando nya. "Talikod! Pupunasan ko likod mo. Bawal kang mapawisan dahil may bali ka pa."
Agad ko syang sinunod. Tumalikod ako at ipinunas nya sa likod ko ang sando nya.
"Anong gagawin mo sa ilog kuya?" ang tanong ko naman.
"Maliligo,tara na." at hinawakan nya ang kamay ko. Naglakad na kami papuntang ilog. Ewan ko ba,masaya ako pag kasama ko si kuya Breizel,bwisit naman ako sa kanya pag iniinis nya ako. Pag naglambing sya nawawala na agad ang galit ko.
Pagdating sa ilog ay naghubad agad ng short si kuya Breizel. Nakatalikod sya sa akin kaya ang makinis lang nyang puwit ang kita ko. Lumusong na sya sa tubig at nilingon na ako.
"Tara na! Ang sarap sa pakiramdam ng tubig." ani kuya at lumangoy na.
Medyo nahiya ako,sa edad kong dose ay alam na alam na naming lahat ang kasarian ko. Dahil feeling babae ako ay hindi na ako naghubad. Lumusong na lang ako sa tubig at naglangoy na din.
Naghabulan at sabuyan kami ng tubig ni kuya Breizel. Ilang beses na naming ginawa ito pero hindi nakakasawa.
Biglang nawala si kuya Breizel kaya nataranta ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Kuya?! Kuya Breizel? Nasan ka?" ang paulit ulit kong sigaw. Pero hindi ko pa din sya nakita.
Malapit na akong umiyak ng bigla syang sumulpot sa likod ko at niyakap ako. Naiyak tuloy ako lalo.
"Kinabahan ka? Oy,huwag kang umiyak. Biro lang yon." aniya. Pero nainis na ako,pinakaba nya kasi ako eh,hindi biro yung naramdaman kong takot ng bigla syang nawala.
"Hindi magandang biro yon kuya." ani ko at kumalas sa kanya saka lumangoy palayo.
"Czech! Huwag dyan! Malalim dyan!" sigaw nya pero hindi ko sya pinansin,malakas ang agos dito sa nilanguyan ko,kaya ng hindi ko na makapa ang lupa ay kinabahan na ako.
"Kuya!!" ang sigaw ko. Bigla akong dinala ng malakas na current ng tubig pailalim. Kumawag kawag pa ako,hindi ko napaghandaan kaya kinapos agad ako ng tubig.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Beki
General FictionBOYXBOY BROMANCE YAOI - Si Czech Jake Corpuz ay isang batang bading na sobrang mahal ng pamilya nya at ng mga tao sa paligid nya dahil sa pagiging bibo at masiyahin nya. Mas malapit sa kanya si Breizel David na kanyang kinakapatid,halos 15years anh...