Entry # 3

3.9K 204 139
                                    

Dear diary,

Pasensya ka na at ilang araw akong hindi nagsulat. Masama pa din kasi ang loob ko kay kuya Breizel.

PS: Pag nag high school na ako,hindi ko na sya iisipin.

===========================================================================================

Sumapit ang araw ng graduation naming mga grade six sa pook namin,kasabay ng kay Kuya Breizel. Parang may pista sa aming pook dahil pinag isa lamang ang handaan.

Napaka saya at napaka ingay ng lahat. Pero ako,ewan ko ba hindi ko madama,iniisip ko pa din kasi ang pag alis ni kuya Breizel. Wala naman akong magagawa,hindi ako pwedeng kumontra dahil para sa kinabukasan nya yon at nina Ninong at Ninang.

"Sa kabisera ako mag highschool. Kayo?" ang tanong ni Mine habang nakaumpok kaming mga bagong graduate.

"Doon din ako,ikaw Czech?" sabi naman ni Khairul.

"Hindi ko pa alam,pero baka doon din." ang sagot ko at tiningnan si Kuya Breizel sa pwesto nila,kainuman nya ang mga ka edad namin. At sa buong purok namin ay sya lang ang nakatapos ng kolehiyo,I mean may ibang nakatapos pero hindi nagtangkang lumuwas ng maynila.

Nagtatawanan sila ng mga kainuman nya. Napatingin sya sa akin,nahuli nya akong nakatingin sa kanya,agad syang kumindat pero nag iwas ako ng tingin. Inis pa din ako sa kanya at hindi ko sya pinapansin.

Nakaramdam na ako ng antok kaya nagpaalam na ako na matutulog. Pag pasok ko palang sa bahay ay nalungkot na ako. Paano na kaya ang buhay pag wala si kuya Breizel? Nasanay na akong kasama sya,nasanay na ako sa kulitan at pag aaway namin na nauuwi sa lambingan.

Selfish nga siguro ako,pero sa edad kong ito ay normal lang naman siguro ang dumaan sa ganitong phase. Sooner or later ay magiging matured din ang pag iisip ko.

Kinabukasan ay nagising ako na parang may tumutusok ng pisngi ko. Pagdilat ko ng mga mata ay bumungad sa akin ang nakangiting si kuya Breizel,hindi nga ako nagkamali,tinutusok nya nga ng daliri ang pisngi ko.

"Ano ba?! Natutulog yung tao eh!" singhal ko sa kanya at nagtakip ng unan.

"Uy galit pa din sya. Pansinin mo na ako. Bukas na ang alis ko oh? At sinadya ko pang puntahan ka dito kasi alam kong nagtatampo ka pa." aniya at niyakap ako. "Sorry na,babawi ako. Intindihin mo naman ang kalagayan ko Czech."

Napaisip ako. Bakit pa nga ba ako magmamatigas? Bukas aalis na sya at hindi ko alam kung kailan ang balik nya.

"Sige na! Basta sabi mo ah? Babawi ka?!" ani ko,bumangon at ngumiti kaya bumangon na din sya.

"Salamat! Alam ko namang hindi mo ako matitiis eh! Tara,punta tayo sa ilog,maligo at mag picnic tayo,naipag paalam na kita." aniya,tumayo at hinila ako.

"Maghilamos muna ako at magsipilyo." ani ko at sinuklay ko ng kamay ko ang aking buhok. Ewan,para akong kinikilig na hindi ko maintindihan.

"Sige,hintayin kita sa labas. Nasa kabisera nga pala sina Ninong at Ninang para i-enroll ka." aniya at lumabas na.

Napabuntong hininga ako. Sana hindi na lang kami grumaduate ni kuya Breizel para hindi na sya aalis.

Pagkatapos maghilamos at sipilyo ay lumabas na ako. Nakatayo si kuya Breizel at may dalang basket at galon ng tubig.

"Tayo na kuya! Ako na lang ang magbitbit sa basket."

"O sige. Ingatan mo yan,mga pagkain natin yan." nakangiti nyang sabi at iniabot sa akin ang basket.

Naglakad na kami papunta sa ilog,pero hindi ko matiis na hindi magtanong kaya nagtanong ako.

"Babalik ka pa ba dito,kuya?" nakatingala kong tanong sa kanya habang naglalakad kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary Ng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon