"Feeling Alone"

14 2 0
                                    


Hindi lahat ng nakangiti,MASAYA
Yan ang sabi ng iba
Pero naniniwala ka nga ba?
Kasi ako?Oo...

Yung tipong masaya ka kapag kaharap ang barkada?
Pero pag mag-isa ka na,doon ka tinitira...
Tinitira ng matinding lungkot at problema
Ramdam mo tuloy na para kang walang halaga
Maisip mo lang na di mo kaya ang isang bagay,parang wala ka ng kwenta

Sa sobrang pag-iisip mo
Sa sobrang bigat ng nararamdaman mo
Bigla nalang tutulo ang  di mapigilang luha mula sa mga mata mo
Mata mong lahat ba ng nakikita ang totoo?
HINDI!Dahil ang mata'y instrumento lamang para makakita pero hindi ng totoo...

Naiisip mo nalang na sarilinin ang nararamdaman mo
Alam mo kasing wala namang makikinig sayo
At sa oras na sabihin mo walang papansin sayo
Mas mangingibabaw ang tawanan
Dahil tatawanan ka lang nila kasabay ng mga salitang...
"Bes,tama ng drama!"" Bes,may nasinghot ka ba?"
At higit sa lahat "Bes,ang OA ah!Hayaan mo na!"

Sino nga ba ang gustong magshare kung  ganyan lang maririnig mo?
Paano ka magkukuwento kung alam mong           sa umpisa palang wala ng nakikinig sayo?
Ikaw pa ang mahihiya
Mas pipiliing wag nalang magsalita
Kaya kahit pabagsak kana
Pinipilit mong hindi nila mahalata pag nakaharap ka.

SpokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon