Crush nga lang ba?

3 0 0
                                    


Hindi maipaliwanag ang saya kapag nandiyan ka
Bumibilis ang tibok ng puso pag ika'y nakikita
Hindi ko alam ang gagawin ko wag lang magmukhang tanga
Linggo-linggo ang pag-aabang upang masilayan ka
Hindi pwedeng araw kasi para kang dalagang Filipina
Halos hindi ka kasi lumalabas ng bahay niyo hindi ba?
Nais ko na ngang tanungin ka
Ngunit puso ko'y pinangunahan ng kaba

Halos tumawin sa titig pag nakita ka
Subalit iniiwasan kong magtagpo ang ating mga mata
Nahihiya kasi ako sayo
Idagdag pa ang pagrarambulan ng daga sa dibdib ko
Sulyap mo lamang ay sobrang bilis na ng pintig ng puso ko
Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng epekto mo
Nakakagigil ka at ang sarap mong isako
Kung hindi lang magagalit ang nanay ko
Matagal na kanang nakadisplay sa aking kwarto

Kaya ayon!Kuntento na lamang akong natatanaw ka
Hindi ako ako humihiling ng higit dahil wala naman pag-asa
Ngunit hindi maiwasan ng tulad ko ang umasa
Lalo na pag nakikitang sumusulyap ka
Nakakainis pero hindi ko talaga maiwasan
Isiping sa puso mo'y may konting puwang
Oo crush kita pero gusto kong ipagdamot ka
Crush lang kita pero gusto kong angkinin ka

Ngunit agad akong sinampal ng katotohanan
Pinamukha ng reyalidad na walang ikaw at ako kailanman
Dahil sa simpleng pagtalikod mo
Natunaw ang munting pag-asa ko
Kasi kahit konte umasa ako
Walang tayo pero nasaktan ang puso ko
Dahil nga lang ba crush kita?
O baka dahil puso'y umiibig na?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SpokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon