Chapter 1

88 5 33
                                    

Hi. Ako si Keisha Sierrah Gaverrein. Wag kayo magalala dahil isa lang akong simpleng babae na mahilig sa sports at takas sa mental. HAHAHAHAHAHA. Hindi naman ako masyadong kagandahan kaya walang nagkakagusto sakin. Alam kong madami kayong asawa pero wag nyo agawin magiging asawa ko sa istoryang ito hihi de joke lang.

Ako yung tipo na ipaglalaban ko lahat hanggang nasa tama at hanggang kaya ko kahit nasasaktan nako. Ipaglalaban kita hanggat kaya ko pa pero pag sumuko nako.. Ibig sabihin nun napagod na akong ipaglaban ka dahil sobrang sakit na. Wuww charot lang baka tanggalan ako ng POV dito ni author.

Papasok ako ngayon dito sa Farrah High University. First day na first day tinatamad akong pumasok. Eh kasi naman hindi pa ako handa.

"Goodmorning! Time check, 6:45" bungad ng bumati sakin pag pasok ko ng gate. Nginitian ko din sya at nag goodmorning sa kanya. Nag log in na din ako. Nag swipe ako ng id ko para may attendance.

hinahanap ko yung room ko ngayon paakyat nako ng stairs ng masalubong ko si Aiah pababa ng hagdanan. Saan nanaman kaya pupunta tong mokong na toh ang aga aga naglilibot nanaman.

"Yow pre! Long time no see ah HAHAHAHAH musta na? Bungad nya sakin ng nakita nya ako. Hays wala paring pinagbago tong babaeng toh hanggang ngayon ang lakas lakas parin ng boses at ang ingay ingay.

"Etoh pre buhay pa, humihinga pa din. Ikaw kamusta na?" Tanong ko naman sa kanya.

"Okay lang naman.. Tara hanap tayo ng igop samahan moko kanina pa kita hinihintay e ang tagal mo parin kumilos hanggang ngayon para ka paring pagong! HAHAHAHAHAHA. Wala ka ding pinagbago pre pandak ka parin! Ano ganyan ka nalang? Wala kang balak tumangkad?"
Asar naman nya sakin. Nakakairita tong boses nya kahit kelan.

"Ikaw pre wala ka ding pinag bago hanggang ngayon ang daldal mo lagi parin nangangati yang makulit kong bibig. Para kang parrot. Tsaka anong igop igop ka jan first day na first day lalaki hanap mo? Ang baduy mo naman pre. Chill ka lang mamaya madaming chix HAHAHAHAHA. Tara na nga pre para kang timang e. Asan ba room natin?"

"Tara na nga akyat na tayo ang kj mo naman e maganda mang trip ngayon alam mo ba yun kasi first day." Hays.. Umiiral nanaman tong kalokohan netong babaeng toh. Wala pakong mood gumawa ng kalokohan e mamaya nalang.

Pag pasok namin sa classroom nandun na yung iba namin tropa. Ang aga naman nila. Nakakapanibago ah..

"Uyy hi Keisha! Dito oh may bakante pang upuan para sayo talaga yan e" sabi sakin ni Ethan.

Si Ethan ay isang takas din sa mental toh katulad namin. Palabiro sya gaya ng tropa nya pero loyal yan pag nagmahal sobra sobra kaso kakagaling lang nyan sa break up eh. If im not mistaken si Abiegail yung ex nya eh. Hindi ko alam paano nya nagustuhan yun e ang landi landi ng babaeng yun pero sabi nga nila.. Love is blind.

"Hi Ethan, sige thanks lagay ko muna tong bag ko maglilibot lang muna kami nung ugok na toh maghahanap daw ng chix." Sabi ko naman sa kanya ng pabiro.

"Ah sige dalian nyo baka dumating na yong prof. natin. Balita ko new teacher lang daw yun dito eh."

"Ah may bibilhin lang naman kasi talaga ako e kaso tong si Aiah ang kulit. Sige pre labas na muna kami ikaw na bahala sa excuse pag sakaling ma late." Tumalikod nako at lumabas na kami ni Aiah ng room.

"Pre tara punta tayong canteen may bibilhin lang ako. Baka naman okay na yun para makapag gala ka."

"Oo na sige na sige na mas gusto ko na dun sa room may hinihintay ako" sabi nya habang nakangiti. Mukhang may masamang binabalak toh ah.

"Sino namang hinihintay mo?" Tanong ko sa kanya.

"Yung bagong prof" sabay kindat sakin. "Balita ko kasi saatin daw mapupunta yung new teacher dito eh.. Wala akong maisip na pag tripan kaya ayun nalang inisip ko."

Accidentally Fall For YouWhere stories live. Discover now