Nandito ako ngayon sa kwarto ko, magisa lang ako. Si kuya umalis hindi ko alam kung saan pumunta. Si mommy at daddy pumuntang mall naggrocery. Kasama ko ngayon si yaya pero nasa baba. Wala kasing pasok dahil Sunday. Nagsasound trip lang ako ng biglang tumugdog yung mundo by Moira Dela Torre. Bakit ganun parang natatamaan ako?
"Bakit parang nalulungkot ako na ewan?" Bulong ko sa sarili ko.
Baka naman nahuhulog ka na sa kanya, Keisha?
"Hindi! Hindi pwede! Ayoko wala akong feelings sa kanya noh. Diko sya type." Dipensa ko sa saili ko. Ano ba naman kasing isip toh bakit ganun.
Baka puso hindi isip?
"Ano ba keisha?! Ano bang pinagiisip isip mo jan? Wala kang feelings sa kanya, okay?" Sabi ko nanaman sa sarili ko.
Bakit sino ba yang iniisip mo? Wala pa naman akong sinasabi kung sino yan ah bakit parang napaka defensive mo naman jan?
"Ahh.. Oo nga noh. Pero wala! Wala! Wala! Hindi toh pwede! Baka nadala lang ako sa pangangasar sa kanya, yun lang yun!" Sabi ko naman sa sarili ko ulit.
Baka naman kasi may gusto ka talaga sa kanya pero dinedeny mo lang. Hindi mo lang matanggap o baka naguguluhan ka lang kasi ang sinisigaw ng puso mo ay ang pangalan nya pero ang isip mo ay kumokontra para sa kanya kasi hindi mo lang matanggap.
"Hindi nga okay? Hindi! Hindi! Hindi!" Hindi naman kasi talaga eh! Hayst!
"Keisha! Okay ka lang ba dyan? Hah? Anong ginagawa mo? Sino kausap mo bakit sumisigaw ka?" Tanong ni yaya mula sa labas ng pinto
"Okay lang po ako yaya, kinakausap ko po yung sarili ko hehe nagmememorize po ako." Sagot ko kay yaya. Hala napalakas yata yung pagkakasabi ko sa sarili ko.
"Oh sige. Maya maya bumaba ka na ah at kakain na tayo ng dinner." Narinig ko na bumaba na sya ng hagdanan. Nakahinga naman ako ng malalim sa sinabi ni yaya. Buti nalang at naniwala sya.
Ano ba yan keisha ang boploks mo naman kasi eh. Bat kasi sumisigaw ka? Tapos yung excuse mo pa nagmememorize? Hayst, gagawa ka na nga lang ng excuse magsisinungaling ka pa. Eh teka.. Di naman ako nagsinungaling kasi totoo naman yung sinabi ko. Nagmememorize ako na wala akong feelings sa kanya. Tinatatak ko sa utak ko na wala akong nararamdaman at hindi ko sya gusto! Ano ba hindi naman ako sinungaling. Magaling lang talaga gumawa ng excuses hahaha!
Nakinig nalang ako sa music habang walang ginagawa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
~K~I~N~A~B~U~K~A~S~A~N~
Nagising ako sa sinag ng araw. Nagunat unat muna ako ng katawan ko ng parang mas lumalapit sa mukha ko yung sinag ng araw. Pag bukas ko ng mata ko flashlight lang pala yun. Nakakainis!
"Gising na! hahahah!" Sigaw sakin ni kuya habang tumatawa.
"Ano ba?! Alam mo napaka istorbo mo talaga kuya eh noh. Ang aga aga pa oh inaantok pako." Sabi ko sa kanya at nagtakip nlng ako ng kumot.
"Hoy panget, sabi ni yaya hindi ka daw kumain kahabi. Anong problema mo?" Biglang nagbago yung awra ni kuya. Para syang nagaalala na ewan. Matutuwa na sana ako kaso nilagyan nya pa ng panget eh. Hayst! Kahit kelan panira ng trip.
"Wala akong problema okay? Nakatulog lang ako. Yun lang yun. Umalis ka na nga sa kwarto ko istorbo ka sa pagtulog ko e." Sagot ko naman sa kanya habang nakataklob pa rin ng kumot.
YOU ARE READING
Accidentally Fall For You
FanfictionMeet Keisha Sierrah Gaverrein, a crazy girl that wants a different type of guy. No boyfriend since birth because she prioritizes sports, academics and her squad's antics. In an unexpected activity, she will be partnered to Zachary Greynne Villafarra...