Sam's pov
Splashhh!!! sa lahat ng bagay sa mundo, ito yung pinaka naiinisan ko.
Eh pano ba naman..ikaw kaya mabuhusan ng napaka lamig na tubig habang sarap na sarap sa pagtulog.
Hoy!kanina pa kita ginigising!bumaba ka na't sumabay kumain sa kusina!kanina ka pa namin hinihintay nina Mommy! sunod sunod na sabi ng aking magaling na kuya.
Siya lang naman ang nag iisa kong kapatid..walang iba kundi si Lucas Montereal..in short, Luke!
Sobrang sikat ng kuya ko dito sa lugar namin..kaya pati ako nadadamay sa kasikatan niya.
Ako ba naman pinagtatanong kung nasan ba siya? kasama ko ba siya? may girlfriend na ba siya? haysss nakakaloka..
Ano ba kuya?!nakikita mo naman na ang himbing ng tulog ko diba?pwede ba umalis ka na?! pagmamaktol ko.
Aba aba, hoy tsanak! hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina? kanina ka pa hinihintay! kaya kung ayaw mo ulit mabuhusan ng tubig, bumangon ka na!! sigaw pa niya.
Ang aga aga napupuno na yung tenga ko! nakakainis naman to..tumayo na lang ako at bumaba na..wala naman parin akong choice eh
Good morning baby! bati ng dyosa kong inay.
Good morning din Mom sagot ko naman.
Sam, bat ngayon ka lang nagising? hindi na tuloy mainit tong pagkain angal ni Daddy.
Syempre dad, hindi na naman yan natulog nang maaga..sumabat pa tong mokong kong kuya.
Tss tanging nasabi ko..umupo na ako at nagsimula na kaming kumain.
So baby, nakapag isip ka na ba kung san ka mag co-college? mahilig talaga akong ibaby nitong sa Mommy..I'm getting used to it
Not yet maiksing sagot ko..ayoko kasing dinidistorbo habang kumakain.
Dun ka na lang kasi sa school ni kuya mo para atleast sabay na kayo umuwi at hindi na mahihirapan si Manong Bogs na ihatid ka sabi ni Daddy.
Ayoko talaga dun sa school ni kuya kasi marami akong kaaway..lalo na yung tatlong babae na inabangan ako sa mall nung isang araw..sinampal ba naman ang napakaganda kong mukha.
Magbabayad talaga sila sa ginawa nila sakin mamaya..oo, mamaya..susugudin namin sila ng mga kaibigan ko sa mall..doon sila tumatambay tuwing hapon.
Dad sabi nang ayoko dun eh
Bakit naman baby? Tanong ni Mom.
Marami kasing nagkakagusto kay kuya..baka pati ako madamay sa pagiging famous niya..mahirap na
Wala na akong maisip na rason..tanging yun na lang..isa pa hindi rin naman ako nila mapipilit eh.
Pagkatapos kong kumain bumalik na ako sa kwarto ko at natulog ulit..kulang talaga yung tulog ko kagabi.
By the way, hindi niyo pa ako nakikilala..my name is Samantha Montereal, the one and only. :)