Sam's pov
Sandali lang.
Lumingon siya sakin.
Sam?
Akala ko ba magkikita tayo sa library..ba't hindi ka pumunta?
A-ahh k-asi ano..nakalimutan ko..ang busy ko ngayong oras dahil maraming pinapagawa si Prof.
Ganon ba?sige..una na ako Van.
Bye.
Paalam niya..seryoso ba siya?isang oras ko siyang hinintay tapos parang wala lang sakanya?anak ng putakte.
***
Nasa mall ako ngayon namamasyal..mag-isa lang ako dahil gusto kong mapag-isa kahit ngayon lang..pumasok ako sa isang Japanese restaurant..favorite ko ang japanese foods kaya dito ako naglunch.
Nakapag-order na ako at hinihintay na lang ang pagkain..habang nakatingin ako sa labas ay may napansin akong lalaki at babae na naghoholding hands..wala ngang forever eh..magbebreak din kayo..tsk.
Maam, here's your order..enjoy your meal.
Thank you.
Nang maubos ko na ang pagkain ay hindi pa ako tumatayo..magsastay muna ako dito for a while.
*flashback*
Kumakain kami ngayon sa Japanese restaurant..pareho naming favorite ang Japanese foods.
Samsam damihan mo hah..alam kong gutom ka kaya kaylangan mong kumain ng marami.
Hindi naman ako baboy no.
Para sakin ikaw ang pinakamatakaw at pinakacute na baboy sa buong mundo.
Ikaw nga hindi kumakain ng marami.
Hindi naman ako gutom eh.
Basta ubusin natin to ah.
Sige bah.
Hinawakan niya ang labi ko at pinunasan ang dumi..bumabagal ang mundo ko..bumibilis ang tibok ng puso ko..parang nanghihina ako..hindi ako makagalaw..ang lakas ng tama niya sakin.
Ngumiti siya..yung tipong malalaman mo sa mga ngiti niya na sobrang mahal na mahal ka niya.
Bakit ganyan ka makatingin?
Ang ganda mo, sobra.
Natigilan ako sa sinabi niya..ganon na ba ako kaganda kaya siya napatulala?
Bolero ka talaga.
Totoo naman ah.
Natawa kami..matapos naming kumain ay umalis na kami.
*end of flashback*
Miss may o-orderin pa po ba kayo?
A-ah wala na po kuya pasensiya na.
Tumayo na ako at umalis agad..ano ba naman itong nangyayari sa akin?pumunta ako sa isang pet shop at tumingin sa mga cute na aso..sana may magregalo sa akin nito para hindi na makakapaghindi si kuya na patirahin ang aso sa bahay..pahamak talaga yung allergy niya.
Hello..little cutie.
Arf..arf..arf.
Haha sobrang cute mo talaga..what's your name?
Arf..arf..
Hindi kita maintidihan eh haha pero alam mo, gusto kitang iuwi sa bahay.
