Third Person's POV
Dali dali ng nagsuungan ang mga ito sa swimming pool habang nagkakasayahan na ang bawat isa.
"Antonie! Maligo ka na!"sigaw nilang lahat kay Antonie. Habang si Antonie naman ay binabantayan pa ang iniihaw pa nitong barbeque.
"Saglit lang!"sigaw naman ni Antonie habang nag papaypay sa iniihaw nito.
Nagkakasayahan na sila. Kaniya kaniya na silang kuhaan ng mga baso na may lamang gin. Kaniya kaniya na ang saya ng bawat isa sa pool.
"WHOOO!! BEST VACATION EVEERRRR!!"sigaw ni Marie pagtapos ay tinunga ang basong hawak nito.
Nag ahunan sila saglit para kumain ng tanghalian. Isang lalagyanan ng mainit na kanin, may pork chop din, mayroon ding talbos ng kamote may kasama pang sawsawan na toyo, sili at kalamansi samahan mo pa ng barbeque at inihaw na isda na ngayon ay nakahain na sa mesa. Nag kaniya kaniya na silang kuha at takam na takam sa kani kanilang pagkain.
"Sarap naman ng Pork chop! Sino nagluto?" makwelang sabi ni Joselyn.
"Si Jhay nagluto nuan! Masarap magluto yan" tugon naman ni Miggy na parang kinukulit pa si Jhay.
"Masarap ba?"nakangiting sabi ni Jhay.
"Oo, malinamnam!"tugon ni Cazandralyn.
"Deliciosoooo!"turan naman ni Marie habang nakatingin sa kinakain nitong Pork Chop.
"Ano bang secret recipe mo? Share mo naman!"sabi ni Miggy.
"Sinamahan ko ng libag 'yan"pabirong sagot ni Jhay.
"Ewww, kadirdir ka naman Jhay!"maarteng pag iinarte ni Marie.
"Joke lang 'to naman!"sabi ni Jhay.
Agad din naman silang natapos sa kaniya kaniya nilang kinakain. At ganon nalang ang mabilisan nilang pagbalik sa swimming pool habang dala dala ang baso na may lamang gin. Nagsayawan sila habang sumasabay sa pinatugtog na party beat and cool songs gamit ang laptop ni JhayPi na naka connect naman sa speaker ni Cazandralyn.
"Yeah! Partehhh Parteehh!"sigaw ni Rammsel gamit ang baklang boses nito.
"Whooo! Kampay!"sigaw ni Shenng. Agad din naman silang lumapit at kinampay ang mga hawak nilang baso at sabay sabay nilang nilagok ang laman nito. Tuwang tuwa ang bawat isa. Nag eenjoy sa bawat ginagawa nila. Nag hahampasan sila ng tubig na parang mga bata na tila ang saya nila pagmasdan.
Sinusulit ang bawat masasayang oras na magkakasama ang barkada. Biglang magsalita si Antonie.
"Sayang, hindi man lang tayo nabuo no! Hindi natin nakasama sila Janethe at Aaron" nanghihinayang na sabi nito. Si Aaron ang pinakaclose ni Antonie sa grupo kaya ganoon nalang ang pagka miss nya rito.
"Oo nga! Sayang!"tugon naman ni Chenessa. "Hanggang ngayon nakakatampo parin yung biglaang pag alis nila di man lang nag paalam ang gaga hayss!"halatang may tampo sa pananalita nito.
"Okay lang yan! Kung nasaan man yung dalawang yun ngayon masaya na yon! Kasi magkasama sila" nakangiting sabi naman ni Shenng. "Tara party-party pa! Lahat tayo magsasaya! Whhhoooo!"sabi nito sabay taas ng kamay at kinaway kaway.
Labis ang kanilang kasiyahan. Puro mga baliw sa kantang kanilang sinasabayan. Kaniya kaniyang biruan ang nagaganap.
"Anong isda ang namamaril?"pabirong tanong ni Rammsel.
"Ano?"sigaw nilang lahat.
"Edi! Barilyete! Bang! Bang!"tuwang sabi nito. Habang may pakunwaring baril effect gamit naman ang kaniyang mga kamay na kunwaring binabaril si JhayPi. Agad din naman silang nagtawanan.
"Ako naman! Anong isda ang ang nag Ba-ballet?"tanong ni Miggy.
"Ano?"sigaw ulit nilang lahat.
"Edi! Balyena!"tuwang sagot nito. Nagkatawanan ulit na parang mga lasing ang lahat ng nasa pool.
"Eto! Anong isda ang kamukha mo?!"pabirong sabi ni Rammsel kay Miggy.
"Ano?"natatawang tugon ni Miggy rito.
"Edi. Dugong!"pabirong sabi nito sabay langoy palayo kay Miggy. Alam kasi nito na mabilis itong manununtok kaya lumangoy na sya palayo. Hanggang sa sumunod naman sa kaniya palangoy si Miggy at halatang babawi ito ng sapak kay Rammsel. Nakarating naman ang dalawa sa dulo ng swimming pool at doon niyakap ni Rhamsel si Miggy.
"I lab yuuu pareee!"sigaw ni Rammsel. At aktong hahalikan si Miggy sa pisnge.
"Kadiree ka pre! Putcha ang laswa!"pabirong sabi naman Miggy habang kumakawala sa pagkakayakap ng kaibigan.
Nagtawanan naman ang lahat sa inakto ng dalawa para kasing bakla talaga si Rammsel sa ginagawa nito. Habang si Miggy naman ay sinabayan na ang trip ng kaibigan ayun magkayakap na ang dalawa sa dulo ng pool para silang mag jowa. Lakas ng tawanan sa grupo ng mga babae nangunguna na doon si Chenessa na kasintahan ni Rhamsel.
"Oyy! Nagseselos na yung baby mo! Loko ka talaga Rammsel!"sigaw ni Cazandralyn na halatang natatawa pa.
"Baby wait lang! May nilalandi pa akong gwapong fafa ditey!"sagot naman ni Rammsel habang hinihigpitan ang yakap kay Miggy.
"Putcha ka pre! Bitawan mo na nga ako! Rape! Tulonggg!!"pabirong sabi ni Miggy. Habang nakatingin sa direksyon ng barkada.
Mas lalong nagkantyawan at nagkulitan ang mga ito ng bitawan ni Rammsel si Miggy. At dali daling lumangoy papunta sa pwesto ng mga kalalakihan. Sabay sigaw ng...
"Ayoko na sayo Miggy! Nagsawa na ako agad sayo! Break na tayo!"pabaklang sigaw ni Rammsel at sabay yakap kay JhayPi.
"Sige break na tayo! Oo iba na landiin mo!"dugtong ni Miggy at halatang papunta na sa pwesto ng kasintahang si Marie.
Mas lalo pang nagkasiyahan ng ibahin ni Cazandralyn ang music sa bonggang Party Beat at sabay nilaksan pa lalo ni Jhay ang speaker para mas lalong madama ng barkada ang saya at pagbababad sa swimming pool. Ganoon nalamang ang patuloy sa pagsasayawan at pagkakasiyahan ng lahat sa magandang isla na na kinaroroonan nilang barkada. Puro tawanan ang maririnig mo sa paligid. Kasabay ng malakas na tugtog na nanggagaling sa speaker. Wala ng hihigit pa sa nararamdamang kasiyahan ng bawat isang naroroon.
Halatang pa-hapon na dahil narin sa hindi na nila maramdaman ang masyadong sikat ng araw. Pero kahit na ganoon kitang kita mo parin ang saya sa kanilang mga mata na habang nagbabasaan ng tubig sa swimming pool kampihan pa nga ang nagaganap at parang may war sa tubig ang nangyayare. Lahat ng Girls kakampi at lahat naman ng Boys ay magkakampi. Habang nag lulusuban ng tubig at naghahampasan ng pwersa na nanggagaling sa tubig ang bawat isa. Parang bumalik silang lahat sa pagkabata. Sana hindi na matapos ang ganitong panyayare sa kani-kanilang buhay. Yung puro lamang saya at wala ng iniisip pang ibang problema.
Ilang oras pa ay nag kayayaan narin silang umahon sa swimming pool dahil pagabi narin naman. Madilim narin at lumalamig narin ang simoy ng hangin. Kaya nilalamig na ang lahat at napagdesisyunan na nilang pumasok na sa loob ng mansyon. At doon nalang ituloy ang kabaliwan sa kani-kanilang mga buhay.
~~~~****~~~~
Sana napatawa ko kayo sa mga Corny Jokes ko , sorry na mga Isla Readers!
Enjoy, please like and comment! Muwahhhhh  ̄ 3 ̄
Salamuchie!
BINABASA MO ANG
THE HIDDEN ISLAND
Mystery / ThrillerMasayang samahan sa isang bakasyong makabuluhan. Mga kalokohan na abot langit ang bangayan. Samahang puro saya. At puro mababait na kaibigan ang kasama. Pero... nakakasigurado ka ba? Baka NAGKAKAMALI KA. Kasama ang barkada sa isang makabuluhang pagl...