Chapter 8: Ebidensya

286 4 0
                                    

Natigilan kami sa sinabi ni Marie.

Kung tutuusin may point sya...

Maaaring si Rhamsel ang may kasalanan ng pagpatay kay Joselyn. Dahil naaalala ko noon sobra syang nasaktan noong nalaman nyang pinaasa lamang sya ni Joselyn at sinagot si Antonie kesa sa kanya na mas naunang nanligaw dito.

Habang si Chenessa naman.. Kung sa matter of predictions isa sya sa mga pwedeng ma insecure o magselos kay Joselyn. Joselyn is Rhamsel's first love. Pero kung ikaw nga ay aasa nalang sa mga visions of predictions pwedeng pwede na si Chenessa ang pumatay dito at kaya sya kanina pa nambibintang kela Marie, Cazandra at Shenng ay dahil sa ipinapasa nito ang kanyang kasalanan sa iba.

Bigla tuloy akong napaisip...

Kung ako ang pumatay kay Joselyn.. Hindi ba dapat hindi ako masyadong maging obvious? Dahil pwedeng pwede nilang sabihin na ako ang may kasalanan at ipinapasa ko lamang ang kasalanan ko sa iba?

Mukhang pati ako ay naguguluhimanan na sa mga iniisip ko..

"Bakit napunta sa amin ang bintang nyo?!" Galit na sigaw ni Rhamsel at itinago nya sa kanyang likod si Chenessa. Nagsisimula na kasi itong umiyak. Totoo kaya yan o another paawa effect lamang?

Napa smirk si Marie.

"Ngayong alam nyo na kung ano ang pakiramdam ng mapagbintangan. Can you please shut up? Nandito tayo ngayon para mag usap usap. Hindi para mag away away o mag bintangan. Hindi kayo nakakatulong. Mas mabuti pang lumabas nalang kayo." Cold nitong sabi. Malayong malayo na sya sa dating sya. Ganito pala sya magalit..

Siguro dahil na rin sa atmosphere kaya lumabas sina Rhamsel at Chenessa. Napabuntong hininga na lamang ako at itinuon ang tingin sa kanila.

Tahimik lamang kami. Tila walang gustong magsalita sa amin. Nakikiramdam.

Hays.. Sumasakit na ang ulo ko. Gusto ko na lamang matulog.

I wonder kung paano namin sasabihin sa magulang ni Joselyn na wala na ito. Paano namin ipapaliwanag iyon kela Janethe at Aron?

Napabuntong hininga na lamang ako muli..

Sana malaman namin kung sino ang gumawa sa pagpatay kay Joselyn. Para malaman na rin namin kung anong motibo nya sa pagpatay dito.

Chenessa's POV

Agad na hinila ako ni Rhamsel palabas ng kwarto saka namin tinungo ang salas dito sa second floor. Dito ko lamang nailabas ang lahat ng inis at lungkot na nararamdaman ko kanina.

Inis sa sarili ko dahil hindi ko nanaman napigilan ang pagka prangka ko. At lungkot dahil isa na ako sa mga pinagsususpetsyahan nila.

Niyakap ako ni Rhamsel. Napaiyak ako ng malakas. Hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. Tila namamanhid ako sa nararamdaman kong sakit. Tila nawawalan ako ng hangin dahil sa sobrang paghahagulgol ko.

"Uminom ka muna ng tubig." Sabi sa akin ni Rhamsel at agad na akong hinila papuntang dining area. Kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan namatay si Joselyn.

Napakagat ako ng labi. Baka nga masyado akong napaparannoid kanina. Nakalimutan ko ng mga kaibigan ko pala ang mga pinagbibintangan ko kanina. Masyado akong kinain ng obsession para lang mahanap kung sino ang killer. Nawala sa isip ko ang maghanap ng ebidensya para lamang may patunay ako sa kung sino man ang maituturo kong killer.

Agad akong nilagyan ng tubig ni Rhamsel sa baso at ibinigay iyon sa akin. Samantalang ako naman ay agad na pumunta sa pinag upuan ni Joselyn. Agad kong ininspeksyon ang kanyang plato. Hindi nya pa nauubos ang kanyang pagkain. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko makikita ang lason sa pagkain nya kung hindi ko din kakainin ang kinain nya para ma experience ko ang nangyare sa kanya. Siguro din masasabi ko ng nilason sya. But that is a waste of time and waste of life thing. Hindi ko sasayangin ang buhay ko para lang masabing nilason sya. Its also obvious na din naman in the first place.

Maglalakad na sana ako paalis ng may makita akong maliliit na makikinang na bagay sa kanyang plato..

Agad ko iyong tinitigan at pinagmasdan. Agad na nanlaki ang mga mata ko.

Hindi namatay sa lason si Joselyn. Namatay sya dahil sa may bubog ang kinakain nya.

Ayon sa Medical. Once na mapasukan ng kahit na maliit na bubog ang iyong katawan maaring mamatay ka in just a minute. Dahil madali na iikot sa katawan ng isang tao ang bubog hanggang sa makapunta ito sa heart which is pwedeng pwedeng ikamatay ng tao.

Now this explains it. But how? Why? Paanong napunta ang mga maliliit na bubog sa plato ni Joselyn gayong sya lang ang may bukod tanging pagkain na may ganun?

Kulang parin ako sa ebidensya. Kailangan ko ng malaman--- wait..

Isang bagay ang pumukaw sa aking paningin..

Agad akong napangisi at kinuha ang bagay na iyon.

Kilala ko na kung sino ang killer.

And now I wonder kung ano ang magiging reaksyon nya pag nalaman na ng lahat ang ginawa nya.

Miggy's POV

Wala akong ibang gustong mangyare kundi ang malaman kung sino ang pumatay sa kaibigan ko.

Tahimik pa ako noong una pero noong naiipit na si Marie at hindi na rin ako nakapagtimpi. Napagsalitaan ko rin si Chenessa. Ayoko kasi yung ugali nyang nambibintang nalang ng kung sino sino. I know Chenessa so much kaya alam ko kung paanong prangkahin ka na nya sa paraan na gusto nya.

Pero di ko rin maiwasang mag isip ng mga predictions na makapagpapaturo kung sino ng pumatay.

Hays.. Stress lang yan. Pero syempre kailangan mong isipin para na rin sa kapakanan mo at ng mga taong nasa paligid mo. Paano kung may kasunod pa pala ang patayang ito? Wag naman sana.

Nabalik ako sa realidad ng maramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sakin ni Marie. Nawawala lahat ng iniisip ko pag nandyan sya.

~ ~~~~~~~¡

THE HIDDEN ISLANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon