Chapter 13: Missing'.

136 3 4
                                    


Jhay's POV.

Nasa pool area kami ng pinakamamahal kong binibini. Napatahan ko narin sya sa pag iyak. Mugtong-mugto na ang kaniyang mga mata at halatang pagod na. Niyakap ko sya ng mahigpit at tila'y may bigla akong naalalang pangyayari.

3 years ago...

Sa beach, masaya kaming naghahabulan sa dalampasigan ng napagkayayaan namin na sumakay ng bangka. Hindi ko din naman matanggihan itong si Cazzandralyn. Para syang bata na nag pa-pacute sakin. Ang ganda nya lang pag-masdan.

Sumakay na sya sa bangka at itinulak ko na ang bangkang kanina lamang ay nasa dalampasigan. Habang nagsasagwan bigla nya akong tinanong.

"Love? Hinding hindi mo naman ako sasaktan hindi ba?." ngumiti sya ng masigla't tila nakakatunaw ng puso.

"Hinding-hindi kita kayang saktan, Cazzandralyn. Mahal na mahal kita." lumapit ako sakniya at bahagyang ginawaran sya ng halik sa noo. Napakunot naman ang noo ko ng mapagtantong umiiyak sya.

"Bakit ka umiiyak, Love? May masakit ba sayo?. " nag aalalang tanong ko at pinapakalma sya.

"Wala naman, Love. Masaya lang ako." gumihit ang kaniyang magagandang ngiti sa kaniyang magandang mukha. Tila napanatag naman ang aking sarili ng napansing...

"May butas ang bangka!" nag panic na sabi ni Cazandralyn habang tinuturo ang pag apaw ng tubig sa loob ng sinasakyan naming bangka.

Medyo malayo na kami sa dalampasigan dahil malalim na ang part ng dagat na kinakalagyan ng bangkang sinasaktan namin. Mabilis akong nag sagwan para makabalik ng dalmpasigan. Naguguluhan ako, at alam ko sa sarili ko na may thalassophobia ang kasintahan ko. Kinakabahan ako at hindi nakapag isip ng maayos.  Tumaas na ng tuluyan ang tubig na nasa loob ng bangkang sinasakyan namin. Puro takot ang nakita ko kay Cazandralyn.
Tuluyan ng lumubog ang bangkang sinasakyan namin.

"Love!." sigaw ni Cazandralyn pero nahintakutan ako ng hindi ko sya nakita.

"N-NASAA-N KA! LOVE-E!." sigaw ko na may takot na bumabalot sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko at natanaw ko sya di kalayuan kung nasaan ako. Agad ko syang nilangoy at nilapitan kitang-kita ko naman ang kasintahan kong nawalan ng malay, hawak-hawak ko sya sa kanang braso ko at nilangoy ang dagat ng may takot. Nang marating ko ang dalampasigan. Marahan ko syang inihiga sa buhanginan at ginawa ang CPR.

Ayokong mawala ka Cazandralyn.

Natatakot ako.

Ayokong mawala ka mahal ko.

Agad ko syang inalalayan ng napansing inilalabas nya ang kaunting tubig na nainom nya sa dagat kanina.

"Love! Sorry. Ayoko ng mawala ka pa." maluha-luha kong sabi. Agad na niyakap sya ng napakahigpit, at napanatag na ang loob ko.

Nagising nalang ako sa reyalidad nang halikan nya ako sa noo. Napangiti ako sa ginawa ng pinakamamahal ko. Agad namang napadako ang tingin namin sa mabilis na paglalakad ni Antonio pero ewan parang kahina-hinala ang mga kilos nito ng makalagpas naman ito. Kita naman namin si Rhamsel na tila'y may sinusundan. Hindi nalang namin sila pinansin at ibinaling ang sarili sa pakikipagkwentuhan.

Rhamsel's POV.

Kanina ay tahimik lamang akong binabaybay ang kalangitan habang inaalala ang mga nangyari.

Si Marie? Siya nga ba talaga ang killer?

Pero napansin ko ring palaging wala si Antonio sa nga panahon na nagkakaroon ng gulo.

THE HIDDEN ISLANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon