"Why can't you trust me?" Isang tanong lang naman, pero ang daming sagot na nakahain para sa'kin.
"I'm sorry, Adam." Tumulo ang luha niya. Napahinga ako ng malalim at hinatak nalang siya papalapit para mayakap.
Alam ko naman, una palang kung ano ang papasukin ko pag nagdesisyon akong iakyat ang lebel ng relasyon namin.
Alam ko ang mga pinagdaanan niya. Alam ko kung bakit ganito na siya. Alam ko lahat ng sakit na dinanas niya.
"I love you, Mallory."
Sa mahigit walong buwang relasyon nami'y hindi parin siya masyadong kampanteng pagkatiwalaan ako ng buo. Iniintindi ko, ginagawa ko rin naman ang lahat, pero kada mag-aaway kami ng ganito ay di ko maiwasang masaktan.
Kasi ano pa bang kulang? Ano pa bang dapat kong gawin? Hindi naman ako pumapalya sa pagpapatunay na karapat dapat ako sa tiwala niya.
Iniisip ko nalang na nakukulangan parin siya, dahil para sa kanya'y grabe naman talaga ang dinanas niya.
Merong mga oras na okay naman siya. Kahit sinong makausap ko'y ayos lang, hindi niya sinisilip. Pero merong mga araw na halos lahat ng kausapin ko'y pinaghihinalaan niyang babae ko. May gusto sa'kin. Gusto ko kaysa sa kanya.
Pero imposibleng mangyari 'yon, dahil wala na akong ibang gugustuhin pa kundi siya mismo at siya lang.
Wala namang ibang hahalintulad sa kanya para sa'kin.
"Love, tingin mo ba kailangan muna nating magpahinga?" Isang araw ay tanong niya.
Kapwa kami nakahiga sa kama, siya'y nagbabasa at ako'y nanonood sa Youtube, nang bigla niyang sabihin 'yon. Nagulat ako, nilingon ko siya na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo sa tabi ko.
"Bakit naman magpapahinga? Ayos naman tayo, Mallory, bakit natin kakailanganing magpahinga?" Kinakabahan ako, dahil sa mga ganitong tagpo ay hindi ko na makapa ang iniisip niya.
"Pakiramdam ko kasi, nasasakal ka na sa'kin, sa mga pagseselos at paghihinala ko," sinara niya ang librong binabasa at bumuntong hininga. Humarap siya sa'kin ng maluha luha. Napababa naman ako ng cellphone dahil sa nakita ko.
"Babe, sabihin mo sa'kin kung nasasakal o nahihirapan ka na sa'kin, tatanggapin ko naman. Alam ko namang mahirap akong mahalin." Tumulo na ang luha sa mata niya. Parang dinurog ang puso kong makita siyang umiiyak sa harap ko.
"Hindi, babe. Okay tayo, mahal. Okay lang sa'kin." Pinunasan ko ang pisngi niya. Mabilis na humilam ang mukha niya dahil sa pag-iyak. Hinila ko siya ng marahan para mayakap.
"Hindi ako mapapagod, Mallory. At kung mapagod man, mamahalin pa rin naman kita." Alam ko sa sarili kong totoo ang mga binitawan kong salita. Humagulgol siya sa dibdib ko kaya't lumayo ako para matignan ang mukha niya't mapunasan ulit ang pisngi niya.
"Mallory, alam mo namang naiintindihan ko kung bakit ganiyan, 'di ba? At saka, sinabi ko naman na rin na kakayanin nating ayusin 'yan? Bakit bigla mong naisip na nasasakal ako sa'yo ngayon?" Marahan kong tanong. Minsan kasi'y iniisip niyang galit ako kahit hindi. I know she's fragile, so I need to be as careful as I could be. She's been through so much and I know she needs a lot of fixing for herself so I'm doing all that I could to help her.
Umiling siya at huminga ng malalim.
"I'm sorry. Meron lang kasing scene sa binabasa ko kaya napa-overthink ako." Tumingin siya sa mata ko. Mallory has the most expressive eyes I've looked into. It's one of her physical attributes that I really love.
Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko at hinalikan siya sa noo.
"I love you, Mallory." I cupped her face and kissed her lips to assure her that I really do. Kahit minsan ay nakakafrustrate na talaga siya, alam ko sa sarili kong worth it lahat 'to sa huli.