Third Person P.O.V.
Nanatiling nakatitig sina Luciana at Juvia sa tatlong araw nang nakaratay na kaibigan. Tatlong araw na nang matapos ang misteryosong insidente sa pagsusulit at ito ang kinahinatnan ng kanilang kaibigan. Gustuhin mang umapila ng dalawa sa kanilang Master dahil sa nangyari hindi nila magawa dahil normal lang sa pagsusulit na mangyari iyon. Sa ngayon nasa loob sila ng pagamutan at binabantayan kung kailan magigising si Savana. Ang sabi ng manggagamot maayos na si Savana antayin na lang na magising ito para masuri sa ibang komplikasyon. Bukod sa konting galos may ilang nagbago sa pisikal na anyo ng kaibigan lalo na ang buhok nito, ang dating matingkad at purong itim ay misteryosong nagkaroon ng puti ang hibla sa isang bahagi nito, maging ang balat nito ay parang binudburan ng mga kumikinang na alikabok at kusang dumikit na di na ma alis-alis.
Nasa ganoong sitwasyon nang may kumatok sa pinto mula sa labas ng kwartong kinaroroonan nila. Si Juvia ang siyang bumukas ng pinto at iniluwa nito ang nilalang na kanilang hindi inaasahan.
Si Berde-- ang babaeng musang na kaklase ni Savana at kasama rin sa pagsusulit.
“Bakit?” walang emosyong salubong ni Luciana na natiling nakaupo sa silya katabi sa hinihigaan ni Savana.
“Lucy...” saway ni Juvia rito.
Umirap lang si Luciana sa bagong dating at ibinalik ang atensyon sa tulog na kaibigan. Si Juvia ang humarap kay Berde dahil alam niyang walang magandang patutunguhan ang usapan kung si Luciana ang haharap dito. Si Berde kasi ang nagdala kay Savana pabalik ng Elementalika pagkatapos ng pagsusulit, pero hindi pa rin iyon sapat para maging mabait si Luciana sa kanya.
“May kailangan ka ba?” Mahinahong tanong ni Juvia sa kanya.
“Nakalimutan ko lang itong ibigay.” sagot niya habang inilalahad ang isa niyang kamay na may hawak na Energy stone.
Kaagad na rumihistro ang gulat at pagtataka sa mukha ni Juvia, gayon din si Luciana na napatingin sa hawak niya.
“Sa kanya po ito.” patuloy pa niya.
Hindi siguradong napatingin ang dalawa sa kaharap. Tahimik na inabot ni Juvia ang bato at sinuri. Nagtataka siya na meron pa lang bato si Savana maliban sa bato na nakuha nina Natasha.
Pero paano? Naitanong niya sa sarili. Buong pangyayari sa pagsusulit nasubaybayan nila gamit ang mahiwagang balintataw ng kasalukuyan, kung saan makikita ang kasalukuyang nagaganap kahit wala ka pa sa mismong pinangyayarihan.
“Babalik na ako.” kaagad na paalam ni Berde sa kanilang dalawa.
“Bakit?” biglang tanong ni Lucy ang akmang tatalikod na si Berde.
Takang napatingin ang huli sa kanya.
“Bakit mo ibinalik kung pwede mo namang kunin para makapasa ka sa pagsusulit?” pagpatuloy niya.
Mas lalo lang nagmangha ang dalawa nang natural na ngumiti ang kausap.
“Hindi para sa akin ng bato, masaya na akong naibalik sa kanya ‘yan.” sagot nito bago tuluyang lumabas sa silid na naiwang di maalis ang pagtataka sa mukha ng dalawa.
Tahimik lamang na nagtinginan ang dalawa nang mapagtanto ang nangyayari.
“Hindi naman pala siya masama.” Juvia
“Still, I don't trust her.” Lucy
Matamang nakatitig si Juvia sa kaibigan, hindi niya masisisi ito kung bakit hirap ito magtiwala sa iba, lalo na‘t minsan nang naloko na naging dahilan para mawala ang isa sa pinakaimportanteng nilalang sa buhay nito.
----------+++
Savana P.O.V.
Isang marahang haplos ang pilit nagpamulat sa akin mata mula sa mahimbing kong tulog. Ayoko pa sanang magising dahil sa malamig, pakiramdam ko para akong hinehele, ang sarap kasing matulog kapag ganito ang panahon.
BINABASA MO ANG
ANIMEA
FantasyAng gusto lang ni Savana ay mahuli at maipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang Ama, pero hindi kasama sa plano niya ang mapadpad sa isang mahiwagang mundo at manatili dito. Dahil sa desperado na niyang mahanap ang salarin huli na nang kanyang napagta...