16

0 0 0
                                    

SAVANA P.O.V.

Palakas ng palakas ang pag-ulan ng snow, ngayong gabi lang lumakas ng ganito para bang nakikisama sa nararamdaman kong nagka-gulo-gulo na rin.

“Lysian ang pumatay sa kanyang lola--ang dating inang reyna ng Asyana.” kwento ni Juvia habang malungkot na nakatitig sa tulog na tulog na si Luciana. Hindi pa ito nagigising matapos niyang mawalan ng malay sa Triangle jail. Napilitan akong sumunod kay Juvia matapos na hindi makatiis na sundan si Lucy kung saan pupunta na humantong sa Triangle jail na muntik pang mapahamak kung hindi kami naging maagap.

Nagulat ako sa hindi inaasahang pagtatapat ni Juvia. Kaya ba ganoon na lang ang galit ni Lucy kay Berde nang malaman nitong isa itong Lysian? At... sa isang taon ko na dito sa Animea na kasama sila, ngayon ko lang din nalaman na nagmula sa royal family si Lucy?!

Anong?!

Wala man lang ni isa ang nag-sabi nun sa akin?!

Parang paputok na bigla na lang sumabog with shining colors sa isip ko ang kwento ni Juvia.

Tameme at tulalang napatitig sa nakasarado window glass ng kwarto. Iniisip ang mga bagay-bagay na ginawa kong kahihiyan sa harap ng isa palang prinsesa.

“May mga bagay pa bang mas nakakagulat sa impormasyon na ito?” Parang may mabigat na bato sa bawat salita ko habang nagtatanong.

Sana talaga iyon lang... kahit hindi ka “lang-lang” ang nalaman ko.

“Wala na.”

“Ah akala ko sasabihin mo ding prinsesa ka.” I said in relief voice.

“Oo.”

“Anong Oo?”

“Na prinsesa din ako, prinsesa ngalang ng Atlanta.” inosenteng sagot nito na siya namang ikinalaglag ng panga ko.

Sandali akong natahimik at inantay na sumabog na lang sa gulat.

“Ano?! Bakit ngayong mo lang sinabi?!” Nanlalaki ang matang habang nakapagtitigan sa kanya na tanong ko.

“Huh?” para pa itong naguguluhan sa tanong ko.

“Bakit ngayon mo lang sinasabi na prinsesa pala kayo pareho?!” hindi ko na napigilan maghisterikal sa gulat.

“Importante pa ba iyon?”

“Ano?” hindi na ako makapaniwala.

“Hindi naman importante kung prinsesa ka o hindi, lalo na kung nandito ka sa Elementalika, dahil lahat tayo dito pantay-pantay pwera na lang kung talaga ikaw ay may napapatunayan hindi dahil anak ka ng hari‘t reyna ng inyong kaharian.” Pormal na sagot nito sa akin.

Eh?

Kaya ba parang walang anuman sa mga estudyante dito kung prinsesa sila?

Pero importante dapat na nalaman ko ang bagay na ito, pareho ko silang kaibigan tapos ang importanteng bagay sa pagkatao nila hindi ko alam?

Bakit ko nakaligtaan ang bagay na ito?!

Pakiramdam ko mas lalo akong nanliit sa sarili ko matapos marinig ang lahat nang ito.

Ako na mahina at ordinaryong istudyante lang ng Elementalika, madalas nakakasama ang isa sa tinuturing na magaling at prinsesa pa pala. Bukod pa roon isa lang akong nilalang na napadpad sa mundong ito at wala pa ring muwang sa tunay na pagkatao.

Ngayon pang napapansin kong unti-unting may nangyayari kakaiba sa aking pisikal, lalo na ang buhok kong konti na lang ang bahagi na may maitim na hibla.

ANIMEA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon