SAVANA P.O.V.
“Hawak-hawak mo na ‘yan nang mailabas kita sa kagubatan at sa tingin mo ba ganon ako kahina para lang samantalahing kunin ang energy stone sa isang tulad mo na nawalan ng malay? tss!”
Napamaang na lang ako sa naging sagot ni Berde nang makita at sabihin ko sa kanyang hindi sa akin ang Energy stone na ibinalik niya, pero iyon lang ang naging sagot niya at pinagsarhan niya kaagad kami ng pinto. Ni hindi man lang kami pinapasok.
“Galit ba siya?” Napakurap-kurap na lang akong napatingin sa nakasaradong pinto na nasa harapan ko. Kasalukuyang nandito kami ngayon sa harap ng pinto kung saan tumutuloy si Berde, nasa likuran ito ng school building pero kailangan munang dumaan sa malaking ugat ng kahoy na nagsisilbing daan at tulay makarating lang dito. Ayoko sanang pumunta dito dahil nalulula ako sa lalim ng bangin na pinapagitnaan ang lupa na kinatitirikan ng school building at ang malaking puno na kasing laki ng isang gusali na may labinglimang palapag kung saan ginagawang dorm ng iba pang estudyante at kabilang na dito ay si Berde. Noong baguhan pa ako dito sa Elementalika dito rin ako inilagay, pero swerte lang at nakilala ko sina Lucy at Juvia na pinilit akong pinalipat sa kanilang dorm para magkasama-sama kaming tatlo.
“Siguro?” dinig kong sagot ni Hiro na nasa aking likuran.
“Bakit?” naguguluhan kong tanong.
“Kasi makulit ka?”
“Ano? sinabi ko lang naman na hindi sa akin ang Energy stone ah, wala na akong sinabi na iba.” depensa ko matapos kong humarap sa kanya.
“Hayaan mo na mukhang hindi naman siya nagsisinungaling e.” Kibit-balikat nito.
“So ako ang sinungaling kung ganoon?” nakasimangot kung turan dito.
“Ayan ka na naman, wala akong sinabing gano‘n, tara na nga‘t bumalik na tayo, may klase ka pa di ba?”
Bagsak-balikat akong sumunod sa kanya nang magsimula na itong maglakad pabalik ng school building. Natigilan lang ako nang maramdaman na tumigil si Hiro sa paglalakad nasa puno na kami ng tulay na ugat.
“Oh?” angal ko.
Napataas ang isa kong kilay nang humarap ito at inilahad ang isang kamay sa akin.
“Mukhang madulas.” Nasa mukha nito ang pag-aalangan nang sabihin ito, ramdam ko rin na may gusto pa itong sabihin pero di nito matuloy-tuloy sa di ko malamang dahilan.
At kahit nag-aalboroto na naman ang puso ko sa simpleng kilos nito, sinikap kong maging natural at baka magiging OA naman ang reaksyon ko. Deym! huli ko nang marealize na ang shunga-shunga ko kanina, pakiramdam na gusto kong batukan ang sarili?
“Hindi na kaya ko.” tanggi ko rito, kahit may parte sa pagkatao ko na gustong hawakan ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko.
Seryoso hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko, kapag kasama ko ang lalaking to.
Wala naman to dati e.“Sigurado ka? makapal at madulas pa naman ang nyebe.” Tuloy pa rin kasi ang ulan ng snow simula no‘ng araw na magising ako hanggang ngayon.
“Nakaya ko naman kanina e.” Pagmamatigas ko, pero ang totoo isang pamimilit pa nito kaagad na akong bibigay.
Alangan itong napanguso at binawi ang nakalahad na kamay.
Bahagyang nakaramdam ako ng pagkadismaya nang tumalikod na ito at nagpatiunang maglakad.Gusto ko na talagang batukan ang sarili ko...
Makapal na ang snow sa tulay, unti-unti na ring naging yelo ang tubig na dumadaloy sa papunta sa bangin. Kung ang mga estudyante dito sobrang apektado sa lamig ng snow, para sa akin parang ordinaryo panahon lang ito ang pinagkaiba lang mas maginhawa ito sa pakiramdam kesa sa maaraw, di ko aakalain na mas maging komportable ako ng ganito.
BINABASA MO ANG
ANIMEA
FantasyAng gusto lang ni Savana ay mahuli at maipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang Ama, pero hindi kasama sa plano niya ang mapadpad sa isang mahiwagang mundo at manatili dito. Dahil sa desperado na niyang mahanap ang salarin huli na nang kanyang napagta...