Same Feelings

10 2 0
                                    

Written by: Nhyxrnne123

Beautiful day to do everything great. I'm a Junior High School Student, Grade 10.15 years existing in this world. By the way, I'm Joralyn Corpuz. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa Classroom, I thought I'm late pero naglilinis palang pala sila. Papalapit saakin ang kaibigan ko na si Laine nang makita ako.

"Besty!"
Then she hugged me. Natawa naman ako sa ginawa niyang 'yun. Parang hindi naman kami nagkakasama ng matagal na panahon sa yakap niya. Kumalas siya sa pagyakap then she start again to tell me the story that she was read. Tumatango na lang ako sa lahat ng mga sinasabi niya.

Bigla na lamang niya akong sinisiko, I raised my one eyebrow to her and rolled my eyes. Ayaw ko pa naman nang gano'n. Bumulong siya saakin at agad ko naman tinignan ang taong ibinulong niya saakin and it's Dave, my crush. Simula nong first day ko ngayong Grade 10 ako. 'Di siya snobber sa personal at seener sa chat. Lagi rin kaming magkausap sa phone and we have a call sign, Mommy and Daddy. Then my bestfriend is my siblings at ang iba ay Anak saka Tito/Tita. Para making baliw na nagkakaroon ng gano'ng pami-pamilya. Actually, magbabarkada kami. Do'n pa nga kami kumakain sa bahay nila at lagi akong inaasar ng barkada dahil meet the parents na daw.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang status namin ni Dave.  He is sweet, handsome and joker na naging dahilan kaya ko siya gusto. And I always felt jealous when girls come close to him. 'Di ko masisi ang sarili ko kung bakit gano'n ako.

After we finished all the subjects in the morning, panghapon na naman ngayon. Ang bilis lang ng oras ang lumilipas. Filipino na namin which is second to the last subject na namin. Umupo siya sa may harap ko at ako sa likod niya. Hindi kami masyadong nag-iimikan sa personal, minsan minsan lang at madalas sa phone.

"Besty, pa-copy ako, 'di ako nakikinig kanina. " tumango nalang ako kay Laine "Thank you! "Saka kinuha saakin ang papel ko.

Lumipas na naman ang ilang araw gaya parin ng dati ang buhay ko. Nag-chat ako kay Dave at umamin ako sakanya na Crush ko siya pero Inspirasyon ko lang siya. Hindi naman niya ako ni-reject, nag-okay lang siya.

Isang araw naglalaro kami ng Uno cards bawat matatalo ay mamimili sa choices na Truth or Dare. May isa akong classmates na sumama kila Dave at naglaro kami no'n. Natalo si Dave sa laro at pinili niya ay Truth. Kaya tinanong siya ni Laine kung sino ang Crush at si Aimee daw tas natalo ulit siya pero same question ulit ang tanong ni Laine.

"Sino ba talaga ang Crush mo? "Tanong ulit ni Laine kay Dave.

Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba halos pagpawisan naako sa isasagot niya. Napansin kung tumingin siya saakin pero hindi na kailanman pa tumingin saakin.

"Si Joralyn. "Sagot niya at parang isang musika sa taenga ko nang marinig ko ang pangalan ko sakanya. Nagtilian si Aimee at Laine sa sagot niya.

Ala-una na ng hapon kaya pumasok na kaming lahat sa School pero hindi pa natatapos ang tanong nila Laine sakanya. Marami kasi kaming sumali kaya more questions din ang kailangan niyang sagutin. Wala kaming first subject ngayong hapon, vacant. Kaya lahat kami ay nagtambay sa Stage.

Di tumigil sa kakakulit sila Laine kay Dave. Walang magawa si Dave kundi sumagot dahil narin kinuha sakanya 'yung panyo. Saka lang ibabalik ni Laine'yung panyo niya kung nasagot niya na ang mga tanong . Kaya no choice siya. Lumayo ako sakanila at umupo saka nagfacebook sa phone ko na muna. Pero naririnig ko parin sila.

"Ilang percent mong Crush si, Joralyn? "Tanong ni Laine na ngiti ng ngiti. Tumingin si Laine saakin na kilig na kilig sabay kindat saakin. Inirapan ko na lang siya.

"Kailangan pa bang sagutin 'yun? "Tanong ni Dave at tumango sila Laine at Aimee. "Sige na nga, 10 percent. "

"Bakit mo siya naging Crush? "Tanong ni Aimee pero umiiwas na si Dave sa tanong nilang 'yun.

Nilingon ko sila at ayun todo ngiti siya sa mga tanong na ipinupukol nila sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin, bigla ko kasing naramdaman ang pag-init ng pisngi ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito? Parang inlove na inlove na ako sakanya.

"Wag ko na kayang sagutin 'yan. "Ngiti nitong sabi sakanila pero umiling iling sila Aimee at Laine. Hindi ko rin maiwasan ang mapangiti sa mga naririnig ko.

"Wala! Dapat sagutin mo! "Angal sakanya ni Laine.

"Kasi matalino siya. "Sagot niya. "Akin na 'yang panyo ko. "Pero hindi ibinalik sakanya 'yung panyo. Umalis na lang ito dahil tinawag siya ng mga barkada niya na maglaro ng Sipa.

Lumapit saakin si Laine at binigay niya saakin 'yung phone niya.

"Na-record ko 'yung sinabi niya, pakinggan mo. "Sabi ni Laine.

Pinindot ko ang play at narinig ko ulit lahat ng mga sagot niya sa mga tanong na binigay sakanya nila Laine at Aimee. Halos hindi ko na maipaliwanag ang mga nararamdaman ko ngayon. Anytime parang sasabog na ang puso ko. Hindi ko kasi alam na may Crush rin pala siya saakin. Napangiti ako na para akong baliw dahil mag-isa lang ako at dahil lang rin sa mga narinig kong mga sagot niya.

"Namumula pisngi mo, Besty! "Napatingin ako agad kay Laine sa sinabi niya. Inirapan ko siya pero di ko mapigilan parin ang mapangiti.

Hanggang sa maka-uwi ako, iniisip ko parin 'yung mga sagot niya. Kahit hindi man niya sinabi saakin ng personal pinarinig niya naman saakin ang lahat. Kinikilig ako na parang ewan. Hindi ko akalain talaga na parehas lang pala kami ng nararamdaman. Hanggang sa pagpikit ko ng aking mga mata ay naiisip ko parin ang lahat ng mga sinabi niya. Nag-eecho parin sa taenga ko ang lahat. Isa lang ang pinapanalangin ko ngayong araw na ito, ang mapanaginipan ko sana siya.

——END——

 One-Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon