Agad namang pinadala ng hari si Reyna Mariel sa ospital upang gamutin siya at pagalingin. Nakahinga naman sila nang maluwag nang malaman na ayos na ang kondisyon ng reyna. Ngunit, sa kasamaang palad, nasa comatose siya.
Ipinagpatuloy ng mga tauhan ang paghahanap sa iba pang miyembro ng pamily Armistice. Matapos naman ang dalawang oras, nakita ang mga bangkay ng Haring Angeli at ni Prinsipe Leonel. Ikinalungkot ito ng lahat dahil huli na nang dalhin ang mga katawan nila sa kaharian. Wala nang magagawa pa upang mabuhay ang dalawa.
Isang panahon ng pagluluksa ang naganap sa bansa ng Isle. Ililibing ang mga katawan ni Haring Angeli at Prinsipe Leonel sa libingan ng mga nakatataas at libo-libong tao ang nakasunod sa kanilang karwahe kung saan nakalagay ang kanilang kabaong, kabilang na sina Prinsesa Hope, Prinsipe Francis, Haring Rome, Reyna Acu at Reyna Camil. Lahat ay nakasuot ng puti.
Kasabay ng araw ng libing nina Haring Angeli at Prinsipe Leonel ay ang pagdadasal ng mga tao para kay Prinsesa Sarah. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita ang kanyang katawan. Idagdag pa ang patuloy na pagkacomatose ng Reyna Mariel. Tunay na isang pagluluksa ang nagaganap dahil buong pamilya ng Armistice ang nasa masamang kalagayan.
~~~~~~~~~~TRI~~~~~~~~~~
Isang linggo ang nakalipas nang biglang pumasok si Harm sa silid ng pagpupulong upang magdala na naman ng isang masamang balita sa mga nakatataas. Dali-dali siyang yumuko upang magbigay ng galang at nagsalita
"Ipagpaumanhin niyo po ako, Your Highnesses, pero nagkakagulo po ngayon. The followers of the Armistice family declare war against the supporters of the Amity family" kinakabahang sinabi ni Harm "They have blamed the Amity family for everything that has happened to the Armistices. They said that the boat you have given for Princess Sarah's birthday was unstable for travel in the first place. Some trick could have been done, they said"
Kinabahan ang mga reyna at hari sa balitang iyon.
"Send guards to stop the war, then!" malakas na sigaw ng Haring Rome
"I'm afraid the guards would not be enough, Your Highness. The people in war are far too many to be stopped by our outnumbered soldiers. They refuse to stop the war unless Queen Mariel orders them to. They will only follow their queen's commands, they said. And that is Queen Mariel" dagdag pa ni Harm
"How about those attacked? The ones who support the Amity family, kumusta sila? What possibly could they have done?" nag-aalalang tanong ni Reyna Acu
"They fought back, my queen. As said, a war has been declared and been made. They won't stop" sagot ni Harm
Natigil na muna panandali ang pag-uusap sa silid nang pumasok ang mayordomo ng pamily ang mga Armistice na si Ny.
"Your Majesties" pagbati ni Ny at saka yumuko "Queen Mariel has woken up"
Nagtinginan ang mga reyna at hari na para bang mas lalong nadagdagan ang kanilang pagkabagabag.
"We should give her time to restore and absorb everything that has happened" mungkahi ni Reyna Acu "Let's not rush her into things. I'm sure that when she hears about what happened to the rest of their family, Queen Mariel will be greatly devastated. 'Wag muna natin siya ipressure to do her duty as queen. She needs time to recover"
"But we are in the middle of a war, Queen Acu" pagpapaalala ni Reyna Camil.
"Yes, I know that Queen Camil. Pero mas lalong lalala lamang ang sitwasyon ni Reyna Mariel at baka mas mapasama pa ang kanyang kalusugan. Knowing that the rest of the family has been dead is already too much to take in. We must put that into consideration" sambit naman ni Reyna Acu.
Sumang-ayon naman sa kanya ang hari. Dumiretso si Reyna Acu sa kwarto ni Reyna Mariel upang suportahan siya at gabayan sa lahat ng mga nangyayari.
~~~~~~~~~~TRI~~~~~~~~~~
Hindi nagtagal, kinailangan nang sabihin ni Reyna Acu kay Reyna Mariel ang nangyari sa kanyang pamilya at sa sitwasyon ngayon ng bansa ng Isle. Labis na naghinagpis si Reyna Mariel. Ilang araw siyang hindi nakakain at tulog na nagpasama lamang sa kanyang kondisyon. Hinayaan pa siya nung una ni Reyna Acu sapagkat naiintindihan niya ang sakit na nararamdaman ni Reyna Mariel.
Ngunit umabot na ito ng ilang araw kaya't wala nang naisip na iba pang pwedeng gawin si Reyna Acu kundi sabihin kay Reyna Mariel ang nangyayari ngayon sa Isle.
Nasa harap na ngayon si Reyna Acu sa pinto ng kwarto ni Reyna Mariel, tila nag-iisip nang mbuti kung paano sasabihin sa kanyang kaibigan ang nangyayaring digmaan sa kanilang bansa. Hindi na nagdalawang-isip pa na buksan ni Reyna Acu ang pinto. Ganon pa rin ang sitwasyon ni Reyna Mariel sa kanyang kwarto, nakahiga magdamag.
"Hindi ba't sinabi ko na gusto ko mapag-isa nang walang istorbo?" tanong ni Reyna Mariel nang hindi gumagalaw.
"sinubukan kong hayaan ka, Mariel ngunit hindi ko masikmura na ginagawa mo ito sa iyong sarili" sagot sa kanya ni Reyna Acu.
"Acu, wala na akong pamilya. Lahat sila nawala nang ganon na lang kadali" napaupong sinabi ni Mariel at nagsimlang umiyak ulit.
"kailangan ka pa rin ng Isle, Mariel" paalala sa kanya ni Acu "Hindi ko sanang gustong ibalita ito sa 'yo ngunit nasa gitna ng isang digmaan ang bansa ng Isle. Nagkakagulo na ang mga tao at hindi sila titigil sapagkat sinabi nila na ikaw lamang ang susundin ng iyong mga tagsuporta"
"S-sandali. The war has begun because of the Armistice followers?" naguguluhang tanong ni Mariel.
"Sa kasamaang-palad, oo" sagot naman ni Acu.
Hindi gustong sabihin ito ni Acu sa kanyang matalik na kaibigan sapagkat kitang-kita kay Mariel ang sakit. Ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi napabuti ang kanyang sitwasyon. Awing-awa si Acu na tinitignan ang matalik niyang kaibigan ngayon. Napakapayat at putlang-putla ang kanyang katawan. Kitang-kita ang pagluluksa sa kanyang mga mata.
"Then, I guess I have to be the queen that I am" sinabi ni Mariel matapos ang ilang sandaling pag-iisip.
"T-talaga?" natutuwang tanong ni Acu sapagkat umaasa siya na babalik na sa dating malusog na estado ang kanyang kaibigan at matapos na ang digmaang nangyayari ngayon sa Isle.
YOU ARE READING
The Royal Isle
Fiksi UmumAng bansa ng Isle ay pinamumunuan ng tatlong pamilya. Nagsimula ito nang matagpuan ang bansa ng lalaking magkakaibigan na sina Bien Accord, Cyle Amity at Pors Armistice sa kanilang paglalayag. Ang tatlong magkakaibigan ay tinawag na 'The Royal Trio...