Chapter 4 - Retention

5 0 0
                                    


"If Hope will be the next in line for the Armistice and Francis for Amity. Who will represent Accord?" tanong ni Acu

"It will still be Mendo, brother of my late husband, Car" sagot ni Camil "He's about the age of Francis, Acu. Only three years older than him"

Nag-isip-isip ang iba habang si Camil naman ay nasisiyahan sa kanyang plano. Dahil dun, mananatili pa rin ang kanyang dugo sa posisyon. Mamumuno pa rin ang kanyang anak na si Hope.

"For now, that plan is what we got. Unless the rest of us formulate another better idea before the end of three days, we'll push through with Queen Camil's plan. Do we have any more to say?" tanong ni Rome.

"IF Leonel or Sarah miraculously becomes alive and shows up, then it will be them who will be next in line for the throne I guess" sambit ni Camil na halatang pinapatamaan si Mariel.

"CAMIL! That was an unnecessary thing to say" sambit ni Acu na napalakas ang boses

"No, it's ok, Acu" sabi ni Mariel kay Acu na ayaw nang magkaroon ng away pa "We shall announce the plan to the people by the end of three days, friends"

"And we'll tell the kids once they are of age. We shall have the wedding a month after Princess Hope's eighteenth birthday. And it will mark the end of our terms as queens and king of Isle" sabi ng hari

Tumango naman ang lahat at wala nang naidagdag pa.

"If there are no more things to discuss, the meeting is adjourned" sabi ng hari.

Dali-daling lumabas si Mariel sa silid at dumiretso sa kanyang kwarto. Iyon ay dahil ayaw niya na makita siya ng iba na umiyak. Dahil kasi sa komento ni Camil, naalala niya na naman ang pagkawala ng kanyang pamilya. Bumabalik sa kanya ang mga nangyari noong ikasampung kaarawan ng kanyang anak na si Sarah. Ang akala nila'y magiging masaya na pagdiriwang ay naging isang araw ng kamatayan pala. Labis-labis ang kanyang pagsisisi. Hindi na sana sila naglayag sa dagat kung alam niyang 'yun pala ang kahahantungan nila.

Pinahid naman ni Mariel ang kanyang mga luha nang may bumukas ng pinto sa kanyang kwarto. Sa mga tunog pa lang ng paglakad, alam niya nang matalik niyang kaibigan na si Acu ang pumasok.

"Mariel, nandito lang ako. Alam kong nasasaktan ka pa rin, pero alalahanin mong hindi ka nag-iisa ha? Pwede mong ikwento sa akin kung makatutulong sa iyo mabawasan ang bigat diyan sa puso mo" sinabi ni Acu habang hinahaplos ang likod ng kanyang kaibigan.

Niyakap naman nang mahigpit ni Mariel ang kanyang kaibigan at bumuhos ulit sa iyak. Napagdesisyunan niyang tama si Acu. Maaaring ang pagkukwento sa kanya ay maaaring makatulong sa pagpapagaan sa dinadala niya sa kanyang puso. Kaya naman, ibinuhos niya ang lahat at isinalaysay ang mga nangyari noong araw na iyon.

"Mom! Is it true? Will we really see dolphins?" tanong ng kakasampung taon na si Sarah nang magsimula nang umandar ang barko.

"Yes, baby. We just have to go to the part of the ocean where they could be seen. And we'll fish too. Did you bring your fishing pole?" tanong naman ni Mariel sa kanyang anak.

"Of course, mom. Kuya Leonel said that we'll be fishing in the ocean. He told me na malalim daw po and there are a lot of sharks" sagot naman ni Sarah

"Oo, Sarah. Kakainin ka nila. Mahilig kaya 'yun sa mga matatabang bata" dagdag ng mapang-asar na si Leonel.

"Leonel, 'wag mo na asarin 'yang kapatid mo. Birthday niya pa naman" pagsusuway ng nagmamanehong Haring Angeli kay Leonel

"Is it true, mom?" tanong ni Sarah sa kanyang nanay

"No, baby. 'Di ba nga we'll see dolphins? There won't be sharks. Mommy will make sure of that" sagot ni Mariel "Plus, that's why we have daddy here diba? He's strong so he'll protect us"

"I'm excited na po mommy! How about for tomorrow? Kuya said we'll travel for two days eh"

"We'll go swimming tomorrow, Sarah. You'll see a lot of colourful fish and reefs. And after that, we'll go home na. You'll celebrate your birthday naman with your friends especially Francis and Hope. Do you like that?"

"I love it! Thank you, mommy!" pagpapasalamat ni Sarah sa kanyang nanay at binigyan siya ng halik. Pumunta naman siya sa kanyang tatay at tumungtong sa isang baul upang bigyan din siya ng halik "Thank you, daddy!"

"Say thank you to kuya rin! He suggested everything that we'll do for your birthday" sabi ni Mariel sa kanyang anak

Lumapit naman si Sarah kay Leonel at niyakap siya. "Thank you, kuya. Ikaw unang papakain ko sa shark tomorrow when we go diving"

Natawa naman sina Angeli at Mariel sa sinabi ni Sarah. Isang oras na ang nakalipas ngunit bumabyahe pa rin ang pamilya kaya naman, nagsimula nang mabagot si Sarah.

"Mom, I'm bored. Are we there yet?" pagtawag ni Sarah sa kanyang nanay.

"Not yet, baby. Do you want to do something?" tumango naman si Sarah sa tanong ni Mariel "Do you still remember the poem I taught you and kuya Leonel? Can you recite it for me?"

"Oh bituin. BOW

Oh bituin, oh bituin, oh magandang bituin

Kahanga-hanga nga ang iyong pagningning

Bakit kaya kailangan tayo ay magkalayo

Sana, balang araw, tayo ay magkatagpo

Sabi nila, ikaw ay matagal nang patay

Pero para sa akin, ilaw mo'y buhay na buhay

Ang 'di ka maabot ay masakit man sa akin

Liwanag mo ang sa puso'y magpapasaya pa rin

Sana alam mo na mahal na mahal kita

Hangga't sa nakikita ka, ako'y lumiligaya

Bakit kaya kailangan tayo ay magkatagpo

Sana, balang araw, tayo ay magkatagpo

Oh bituin, oh bituin, oh magandang bituin

Kahanga-hanga nga ang iyong pagningning

BOW"

"Very good, Sarah!" komento ni Mariel at saka hinalikan ang anak. Napatingin naman si Angeli kay Mariel nang marinig niya ang tula na sinabi ni Sarah. Si Mariel mismo ang nagsulat nito at hindi alam ni Angeli na tinuro pala ito ni Mariel sa kanilang anak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Royal IsleWhere stories live. Discover now