"Lawa ng Pag-ibig "
----
Naiinis pa rin ako!
Diko lubos maisip na ang sarili kong magulang pa ang nagdesisyong ipakasal ako sa isang taong di naman tinitibok ng aking puso! Nang dahil lang sa karangyaan ng pamilya Delos Reyes ay ipinagkasundo na kami ni Ginoong Gregorio!? Gusto kong magalit ngunit wala ako sa aking posisyon para gawin yun.Pumunta ako sa paborito kong lugar na kung saan doon ako nakakapagmuni-muni, ang 'Lawa ng Pag-ibig'. Naupo ako sa isang may kalumaang upuan, rinig ko ang tunog nito dahil sa kalumaan nang ako'y maupo, ramdam ko ding malapit na ito bumigay. Tumingin ako sa lawak at ganda ng paligid, maraming iba't-ibang klase ng mga bulaklak, mga punong may iba't iba ding bunga katulad na lamang ng palagi kong inuuwi na mangga!At syempre ang Lawa, ang Lawa ng Pag-ibig.
Kaya raw ito tinawag na ' Lawa ng Pag-ibig' bagkus ito'y nagsimula nang mag-ibigan ang isang Diyosa at ang Tao na sina Ginoong Juanito at ang Diyosa ng tubig na si Kasimira. Malaking kalapastanganan ang pagkahumaling sa isang tao ng mga Diyos at Diyosa, ang kaparusahan ay magiging ganap kang tao na kung saan ay may limitasyon na ang iyong buhay, at ikaw'y magiging matanda. Ganoon nga ang nangyari kay Diyosa Kasimira, naging ganap siyang tao at naging matanda, nagulat si Ginoong Juanito ng nagbago ng anyo si Diyosa Kasimira habang sila'y nasa Lawa. Napayuko ang Diyosa at umiyak ng umiyak, lumapit sa kanya si Ginoong Juanito at sinambit ang mga salitang nagpagaan sa damdamin ng Diyosa.
"Tahan na mahal ko, kahit na nag-iba pa ang iyong itsura ay di magbabago ang aking pagmamahal para sa iyo." Nakangiting tugon nito kay Diyosa Kasimira na ngayon ay di na mapigilan ang pagbuhos ng kaniyang mga luha. Niyakap siya ni Ginoong Juanito na tuluyan na ring bumuhos ang kanina pang nagbadyang mga luha.
"Balang araw ay maipapagpatuloy rin natin ang ating pag-iibigan mahal ko!" May katandaang boses na sabi ng Diyosa nang kumalas ito sa kanilang pagkakayakap. Tumango si Ginoong Juanito
"At bubuo tayo ng masayang pamilya, at wala nang hahadlang pa." Pagpapatuloy ni Ginoong Juanito sa kaniyang irog.
Paglipas ng 2 linggo humiling si Diyosa Kasimira na pumunta sila sa Lawa, hindi alam ni Ginoong Juanito na sa araw na iyon babawian na ng buhay ang Diyosa, hindi sinabi ni Diyosa Kasimira na hanggang 2 linggo lamang siya mananatiling buhay dito sa mundo ng mga tao. Nakaupo lamang silang dalawa sa harap ng lawa.
"Mahal ko, diko alam kung hanggang kailan pa ako mananatili sa piling mo, alam mo namang tumanda na ako haha!" Kunwaring biro ng Diyosa ngunit di natuwa si Ginoong Juanito.
"Diko hahayaan iyon, dahil aalagaan kita diko hahayaang magkasakit ka." Seryoso niyang sabi sa Diyosa, nagtitigan lamang sila at di na napigilang maiyak ni Diyosa Kasimira. Biglang kinutuban na si Ginoong Juanito.
"M-mahal kong Juanito! P-patawad!" Hikbing sambit ni Diyosa Kasimira, nalito naman si Ginoong Juanito at may luha naring tumulo sa kaniyang mukha.
"Bakit ka h-humihingi ng tawad? D-diko maintindihan, n-naguguluhan ako." Tugon ni Ginoong Juanito na tuloy tuloy rin ang pagbagsak ng kaniyang mga luha.
"Patawad!" Muli nitong sabi sa lalake. Napahawak sa ulo si Ginoong Juanito at tumingala at sumigaw sa kawalan.
"BAKIT?! BAKIT KAILANGAN NINYO KAMING HADLANGAN?! BAKIT NIYO KAMI PIPARUSAHAN NG GANITO?! BAKIT DI NIYO NALANG KAMI HAYAANG MAGING MASAYA HA?!!" sigaw ni Ginoong Juanito mula sa kalangitan, samantalang si Diyosa Kasimira ay lalong humagulhol.
"Bakit?!" Pagod na boses nito at di na rin mapigilan ang pagluha. Lumapit ang Diyosa kay Ginoong Juanito at niyakap.
"I-itigil mo na yan Juanito mahal k-ko! Wala na tayong m-magagawa pa." Paputol putol nitong sambit na waring nahihirapan ng huminga. Biglang bumagsak si Diyosa Kasimira dahilan ng pagtigil ng oras. Napatulala si Ginoong Juanito sa mahal niyang nakahandusay na sa tabi ng lawa. Lalo itong napaluha sa nangyari di niya alam ang kaniyang gagawin sa mga oras na iyon. Lumapit siya sa kanyang iniirog at hinaplos ang mukha.
YOU ARE READING
"REINCARNATION"
Historical FictionCali Katnis De Vera nag-iisang anak ng sikat at mayaman na sina Mr. & Mrs. De Vera. Kung ano ang ikinabait ng magulang nito s'ya namang ikanasama nito. Mataray at ubod ng yabang ang pag uugali nito ngunit matalino at di maitatagong maganda ang dalag...