KABANATA 3

24 3 0
                                    

"Pamilya Delos Reyes"

----

Nagising ako ng maaga, pahinto hinto ako ng gising simula kagabi! May saltik na ata ako... Bakit ko ba iniisip ang aksidenteng paghalik na iyon!

"Lorena itigil mo na ito! Maliwanag ba?!" Pagkausap ko sa aking sarili, haysss! bumangon ako't pumunta sa bintana, kailangan ko munang makalanghap ng sariwang hangin... Habang dinadama ang bawat simoy ng hangin ay may biglang kumatok..

"Lorena, ako ito si Rosina. Gising ka na ba?" Tanong ni ate, lumapit ako sa pinto at pinagbuksan siya. Ngumiti naman ito at pumasok.

"Salamat naman at gising ka na rin haha!" Sabi niya na aking ipinagtaka.

"Bakit Ate?" Tanong ko, tumawa siya at sinabing

"Wala Lorena, alam kong di mo nanaising malaman haha!" Sa totoo niyan ay parang alam ko na kung bakit. Bigla akong kinilabutan at sumiksik sa kaniyang tabi, sa tingin ko'y alas singko palang ng umaga kaya'y tulog pa ang araw.

"N-nakita mo na naman b-ba siya?" Takot kong tanong, napayuko siya at tumango.

"Hindi ko nga alam kung ano ang kailangan at bakit ako pa ang kaniyang ginagambala samantalang..." Huminto siya't tumingin sa akin.

"Pwede naman ikaw." Seryoso niyang sabi na ikinatakot ko ng husto, pinalo ko siya sa braso at bahagya siyang natawa..

"Biro lamang kapatid haha!"

"Hindi ako natutuwa sa iyong biro!" Inis kong sambit. Matagal ng nagkukwento ang Ate tungkol sa lalakeng nakikita niya gabi gabi o minsan nga'y umaga na rin. Palagi daw siyang sinusundan nito, di niya maaninag ang mukha nito ngunit ito daw ay matangkad, may kaputian at kayumanggi ang kulay ng kaniyang buhok at nakasuot na pang sundalo. Base sa kaniyang mga nakita parang isa itong Amerikanong sundalo.

"Huwag kang mag alala Lorena, sa tagal niya na akong binabantayan wala naman siyang ginawang hindi natin nagugustuhan. Kaya huwag ka ng matakot." Sabi niya at tinapik ang aking likod. Sa bagay tama siya, wala namang nangyaring masama sa Pamilya namin. Ngumiti ako at tumango.

"Ngunit Ate, sa tingin mo bakit kaya siya sunod ng sunod sa iyo?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam eh, siguro may gusto siyang iparating sa akin." Ngiti niya, tumango naman ako. Ano kaya ang gusto niyang sabihin? Sino kaya siya? At bakit si Ate ang kaniyang sinusundan? Argh! Bakit ko ba iniisip ang mga iyan, daig ko pa si Ate kung magtanong tsk!

Nagkwentuhan, nagbiruan lang kami ni ate sa silid hanggang sa biglang may kumatok at sabay kaming sumigaw ng

"Pasok!" Nagkatinginan kami at sabay na natawa haha! Nagpapasalamat talaga ako't siya ang aking naging kapatid.

"Magandang umaga sa inyo mga Binibini!" Nakangiting sabi ni Nanay Adela ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tagasilbi dito sa bahay. Siya ang nagalaga sa amin ni Ate Rosina simula pa noong bata, para na rin namin siyang pangalawang Ina.

"Magandang umaga din po Nay Adela!" Masaya rin naming bati sa kaniya.

"Mga binibini may darating na bisita kailangan niyo ng maligo't mag ayos." Tugon nito. May bisita?

"Sino daw po ang bisita?" Tanong ni Ate Rosina, tumingin sa akin si Nay Adela at ngumiti ng mapait.

"Ang pamilya Delos Reyes." Sabi niya na nakatingin pa rin sa akin, oo nga pala ngayon pala ang kanilang pagbisita.. Napayuko ako at napabuntong hininga.

"Ha? Anong meron at naisipan nilang bumisita?" Muling tanong ni Ate. Sana pag nalaman ni Ate Rosina ay hadlangan niya ito.

"Iyo ring malalaman binibini." Ani ni Nay Adela. Tumango tango nalang si Ate at nagpaalam na sa akin upang makapag-ayos na rin siya. Naiwan akong magisa sa aking silid iniisip ang mga maaaring mangyari sa magiging usapan mamaya..

"REINCARNATION"Where stories live. Discover now