"Bituing Hardin"
----
Ginising ako ng aking ina para makapagsimba, inayusan at nilagyan ako ng palamuti sa buhok. Bumaba na kami upang makakain ng umagahan bago umalis...habang kumakain ay napagusapan ng aking ina't ama ang tungkol sa aming darating na kasal ni Ginoong Gregorio sa ika-10 ng Nobyembre, nagbuntong hininga na lamang ako ng marinig na bibisita ang kanilang Pamilya sa bahay bukas..
"LORENAAA KAPATID!" Biglang may sumigaw sa tapat ng pinto, kaya naagaw niya ang atensyon naming lahat.!
"ATE ROSINAAA!!" Sigaw ko rin mula sa kanya! Napatayo ako bigla at tumakbo papalapit sa kaniya.
"Ako'y nagagalak sa iyong pa along!" Sabi ko at niyakap siya nang mahigpit! Rosina Dafon ang nakatatanda kong kapatid, siya ang palagi kong kasabwat pag may ginagawa akong kalokohan haha!
"Nangungulila ako sa pagmamahal ng kapatid at magulang kapag nasa Maynila ako, kaya naisipan ko na lamang umuwi at sorpresahin kayo!" Sabi niya at niyakap muli ako at dumiretsyo kina ama't ina upang magmano, lumapit ako doon at itinuloy ang naudlot kong pagkain. Napag-usapan nila Ate Rosina ang mga nangyare sa kaniya sa Maynila, naikwento niya rin ang lalakeng nakilala niya sa kaniyang trabaho na kaniya na ring naging nobyo. Bahagya akong nalungkot, buti pa ang ate, malayang nakapili ng taong gusto niyang makasama sa hirap at ginhawa, samantalang ako...hindi!
"Rosina, gusto mo rin bang sumama sa aming magsimba?" Alok ni ina. Tumango naman si ate bilang pagsang-ayon.
Sumakay na kami ng kalesa, sina ina't ama ang nasa kabilang kalase at kami ni ate Rosina naman ang magkasama, diko maiwasang maging masaya dahil buo naulit kaming Pamilya na magsisimba..
"Kamusta ang bunso kong kapatid?" Ngiting tanong ni ate. Ngumiti ako ng mapait.
"A-ayos lang naman." Sagot ko.
"Bakit may problema kaba? Kakaiba ang iyong mga ngiti Lorena." Tugon niya, kung alam mo lang ate ang pinagdadaanan ko ngayon.. nalulungkot ako sapagkat nalalapit na ang araw ng aming kasal ni Ginoong Gregorio!
"Ah eh bigla lang sumama ang aking pakiramadam ate." Pagsisinungaling ko, hindi pa kase alam ni ate Rosina na ako'y balak nang ipakasal sa taong diko naman mahal.
"Gusto mo bang umuwi nalang tayo?" Nagaalalang tanong ni ate.. Umiling iling naman ako.
"Ah hindi na, gusto ko ring magsimba kasama kayo." Sabi ko at ngumiti...at ngumiti din siya sa akin.
Nakatingin na ako ngayon sa bintana ng kalase at dinama ang sariwang hangin... Ang lalawak ng bawat pananim at marami ring iba't ibang tanim, habang nakadungaw ako sa bintana may naaninag akong pamilyar na lalake
.
.
.
Nikodemio?Nakita ko si Nikodemio ang lalakeng nakilala ko sa Lawa ng Pag-ibig. Biglang sumagi sa aking isipan ang unang kita ko sa kanya, naliligo't nakahuba--- umiling-iling ako at tinanggal sa aking isipan ang mga nakita ko sa Lawa..
"Bakit Lorena?" Nagtatakang tanong ni ate Rosina.
"Ah w-wala iyon ate hehe!" Sagot ko, nagtaka siguro siya kung bakit ako umiling sa kawalan haha!
Nakalagpas na kami kay Nikodemio na nagtatanim sa isang malawak na palayan.. Isa siguro siyang magsasaka.
Nang mahinto na ang kalesa ay agad na kaming bumaba.. At pumasok na sa simbahan.
Nang matapos ang misa ay nagpaalam kami ni Ate Rosina na mamamasyal lamang kami sa ' Bituing Hardin' pumayag naman sina ina't ama..
Di na kami sumakay ng kalesa dahil mas gusto pa naming maglakad..
"Naalala mo pa ba noong huling pasyal natin sa Butuing Hardin?" Matawa tawang tanong ni ate, tsk!
YOU ARE READING
"REINCARNATION"
Ficción históricaCali Katnis De Vera nag-iisang anak ng sikat at mayaman na sina Mr. & Mrs. De Vera. Kung ano ang ikinabait ng magulang nito s'ya namang ikanasama nito. Mataray at ubod ng yabang ang pag uugali nito ngunit matalino at di maitatagong maganda ang dalag...