This Day <3

219 5 0
                                    

CHAPTER: 3

Gabi na, di padin sya gising.

Kinakabahan nga ko pag nagising na sya e. Baka ano pa isipin nun, baka sabihin nya pa na may ginawa akong masama eh.

For sure hinahanap na sya ng parents nya. Wala talaga pakealam sa mundo yung babae na yun.

"Sam!" tinawag ko pinsan ko para manghiram ng tshirt para paggising ni Monster magpalit sya ng damit kasi basa sya kanina e. "Peram ako ng tshirt mo .."

"Why?" Nagtatakang tanong ni Sam

"Basta. Pati short nadin pala. Salamat" sabi ko sakanya.

Agad naman syang tumayo.

"Fine." Sabi nya at umakyat sa kwarto nya para kunin yung pinapakuha ko.

Haaay. Ano ba tong nangyayari sakin. Bawal din toh malaman ni Mommy at Daddy.

"Here." Inabot sakin ni Sam yung pinapakuha ko.

"Thanks."

Agad agad naman akong umakyat para pumunta sa kwarto ko.

Nung bubuksan ko na yung pinto ng kwarto ....

May nakita akong unan na papalipad sakin at tumama sa mukha ko.

"How dare you!!!? What did you do to me ha? You STUPID!" Sabi ni monster.

Ito na nga yung kinakatakutan ko eh.

Binato bato nya sakin lahat ng unan na makita nya sa kama ko. Dinampot ko naman lahat yun kasi baka may makakita. Agad agad ko namang pinasok lahat ng binato nya saking unan at dali daling pumasok.

Humarap ako sakanya. Yung mukha nya parang takot na takot. Tiningnan ko sya ng masama.

"Ano ba nangyayari sayo? Wag ka maingay. May makarinig pa sayo dito e." sabi ko sakanya na may halong pagsusungit.

"Bakit ako nandito??!!" Sabi nya sakin.

"Nakita kita sa park. Niyakap mo pa nga ko sa park eh. Alanganaman iwan kita dun Diba? Pasalamat ka nga dinala kita dito sa bahay namin e." Sabi ko sakanya.

Natulala sya sa mga sinabi ko at hindi makasagot.

"Oh ano? Di ka makasagot? Ikaw nga tong may ginawa saking masama .. Hinalikan mo din ako non" sabi ko sakanya.

Hinagis ko sa kama ko lahat ng unang binato nya sakin.

"Oy. Excuse meeee! Hindi ako nanghahalik noh! Okay aaminin ko nanghahalik ako pero pag nakainom lang ako nangyayari yon." sabi nya na parang siguradong sigurado sya sa mga sagot nya.

"Baka lasing ka kagabi-___-" sabi ko sakanya.

"HINDI NGA E!" Sabi nya.

Sabay kaming napatingin sa sahig ng kwarto ko.

Oh my God!!

"Hala!! Oh ayan nakikita mo yan? Suka mo yan diba? Tapos sasabihin mong hindi ka lasing?" Sabi ko na may pagkainis.

Nagulat sya sa mga nakita nya.

"Sasabihin mong hindi ikaw yan? Hoy! Hindi ako umiinom noh. Maniwala kana kasi na lasing ka kagabi at Hinalikan mo ko !" sabi ko sakanya.

Hinagis ko sa kama yung damit na ipapahiram ko sakanya.

"Oh! Magpalit ka ng damit kasi basa ka kagabi. Dun yung CR." Tinuro ko sakanya yung CR sa kwarto ko. "Kukuha ako ng panlinis tapos linisan mo dyan." Lumabas ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Will Walk With You Forever (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon