[Barkada Series] Falling for the Ice Genius

13.5K 158 9
                                    

Prologue


NAPATINGIN SI EIRA SA NAKASULAT NA MALAKING pangalan ng school sa napakalaking gate, "Eastern Falcon High". This will be her new school starting today.

She adjusted her glasses as she consciously walked inside. Her parents just had her under her aunt's care and guidance. Nasa Canada kasi ang tatay niya na nagtatrabaho bilang isang accountant sa isang bangko doon. Dahil tatlong taon na itong nasa Canada ay may chance na itong makuha at madala silang pamilya nito para mag migrate. Noong nakaraang buwan lang ito umuwi para sunduin sila ng mama niya. Sinabi niyang hindi siya sasama sa mga ito dahil gusto niya munang manatili doon at tapusin ang pag-aaral. Gusto niya muna kasing makapag-adjust ang mama niya doon. Alam niyang mahirap para sa mga ito ang hiling niya dahil fourteen years old lang siya pero napapayag niya din ang mga ito kalaunan.

At dahil hindi naman pwedeng hayaan lang siya ng mga itong mag-isa ay nagdesisyon ang mga itong sa pangangalaga ng Tita Merdel siya maiiwan na kapatid ng kanyang ama. Napilitan din siyang lumipat ng school dahil malayo ang bahay ni Tita sa dati niyang paaralan.

Napatigil siya sa paglalakad nang matitigan ang kabuuan ng campus. Sigurado ba silang high school lang ito? Nakakalula kasi ang laki ng campus. Mukhang wala pa sa one0fourth ng school na ito ang dati niyang pinapasukan. Base sa mapang nasa entrance ng school ay may napakalaking school building dito, malawak na ground area, track and soccer field, parks, student lounge, a separate library building and many more. Hindi ba mahal dito? Sina mommy kasi, nag-insist na doon siya paaralin kung hindi lang din naman daw siya sasama sa Canada.



"Bago ka lang ba dito, hija?"

Napalingon siya sa nagtanong at nakitang ang guard pala ng school. Nahihiyang tumango siya dito. "O-Opo."

Ngumiti ito at mukha namang mabait. "Mukha nga. Ganyan kasi ang reaksiyon ng mga bago kapag papasok sila sa campus. Nakakalula diba?" anitong nakangiting nakatingala sa building. "Ako ng apala ang isa sa security guard's ng campus. Tawagin mo nalang akong Kuya Nard. Kung hindi mo alam kung nasaan ang room mo ay magtanong ka lang sa mga staffs at mga estudyante dito. Approachable lahat ng tao dito. Kung nahihiya ka sa kanila ay pwede kang magtanong sa amin." Turo nito sa iba pang kasamahan nito sa trabaho.

Tumango siya dito, "Salamat po, Kuya."

"Freshman ka din ba, hija?" tanong nitong iling lang ang sagot niya. "Ganoon ba? Akala ko ay freshman ka. Baka kasi maging kaklase mo ang anak kong babae. Oh, siya sige. Have a nice day! First day ng pasukan ngayon, sana magkaroon ka ng maraming bagong kaibigan. Wag kang mahihiyang lumipat kapag may kailangan ka, okay? Pwede kang mag-ikot ikot muna, hija. May isang oras pa bago ang klase." Tumalikod na ito at nagpaalam saka bumalik na sa trabaho.

Gaya ng sabi ni Kuya Nard ay nag-ikot siya sa loob ng campus. Sinadya niya talaga kasing pumasok ng maaga para ma pamilyar niya ang mga lugar at hindi siya mahuli sa klase. Sa dati niyang paaralan ay iilan lang ang matatawag niyang kaibigan. Siya kasi yung tipong 'kakaiba', ayon na din sa sinabi ng mga kaklase niya. She looks like a nerd na hindi matalino and a loner. Kaya walang nagtatangkang lumapit sa kanya dahil baka madamay sa pambubully ng ilan. Mabuti nalang at nagawa niyang tagalan ang isang buong school year. Kaya hindi na din ganon kahirap sa kanya na lumipat ng ibang school.



Napakalaki talaga ng paaralan na ito! Aniya habang nag-iikot. Nahanap na din niya ang klase niya kanina kaya hindi na siya mahihirapan sa pagpunta mamaya. Napadpad si Eira sa may isang lumang building na sa tingin niya ay isang lumang library. Marami kasing libro doon sa mga shelf kaya nasisiguro niyang library iyon. Wala namang nakalagay na bawal pumasok kaya pinihit niya ang pinto na bukas naman saka siya pumasok. She scanned several books in the shelves and on the table some of which were quite old.

[Barkada Series] Falling for the Ice Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon