Chapter 4

8.6K 21 0
                                    




Ang sakit. Ang saklap ng kapalaran ko. Pakiramdam ko isa akong kandilang unti unting nauupos. Gusto ko ng umiyak nang may brasong pumaikot sa baywang ko. Nilingon ko ang nagmamay ari noon. Si Brody. I feel safe in his arm at parang walang pwedeng mang api sa akin hanggat nasa tabe ko siya. Ngunit parang sirang plakang nagpaulit ulit ang mga sinabe sa akin ni Alex.

          " Lumayo ka sa akin, Brody. Tama si Alex. Sino nga bang nasa tamang katinuan ang papatol sa katulad ko? Hayaan mo na akong napag isa", napapasinghot na ako.

Tiningnan niya lang ako ng masama. Hinila niya ako palapit sa kotse at tinulak ako papasok. Tahimik ang byahe namin pauwi. Walang nagsasalita sa aming dalawa.

Pagdating sa bahay, pinagtimpla niya ako ng kape at iniabot sa akin. Humigop ako sa kape at nanatili ng nakayuko. Ang pagsinghot singhot ko ay nauwi unti unti sa pag iyak. Ang mababa kong self confidence at self esteem ay tuluyan ng nawala dahil sa nangyare. Parang sumpa ang kapalaran ko. Tila ayaw ko nang muli pang makisalamuha sa ibang tao na kinukutya ako pag talikod ko.

Umupo ng paSquat si Brennon sa harap ko. Lumapat ang mainit niyang kamay sa hita ko. Nakuha nun ang atensyon ko.

          "Alam mo namang hindi totoo ang mga sinabe niya diba?"

Tumayo ako sa harap niya na sisinghot singhot saka ko siya tiningnan

           "Tingnan mo ako", tinuro ko ang tiyan ko. " Tingnan mo ito. Taba yan. Hindi basta bilbil kundi taba", sunod kong tinuro ang hita ko. " Ito taba din. Ayaw ko nito, nito, at nito. Lahat sa akin ay taba. Nandidiri na ako sa sobrang katabaan ko. Ang bigat ko. Ang laki laki ko", humahagulhol na ako. Awang awa ako sa sarili ko.

Tumayo si Brennon at hinubad niya ang pang itaas niya sa harapan ko. Napasinghap ako ngunit may nakakuha ng aking atensyon. May mga pilat siya na natatakluban ng kaniyang tattoo na ngayon ko ang napansin.

Hinawakan niya ang baba ko at iginiya pataas. Nagtagpo ang aming mga mata at nabasa ko ang halo halong emosyon sa mga iyon.

        "Pare-parehas lang tayong may kapintasan pero huwag mo hahayaang igupo ka nito sa kalubgkutan. Lahat ng tao ay ginawa para hindi magdusa kundi para mabuhay ng masaya at walang pag aalinlangan", mahaba niyang sabe sa alin saka niya inangkin ang aking mga labi

Napamulagat ako. Hindi ko ito inaasahan.

      "Mahal kita, Jane. Mula noong una pa lang kitang nasilayan ay minahal na kita ng sobra." madamdamin niyang pahayag sa akin. Hindi pa din ako makahuma. Ginulat ako ng mga inilahad niya sa akin.

  Ang sunod ko na lang na namalayan ay mapusok na niya akong hinahalikan. Halik na kay tagal kong pinangarap. Halik na nakakadala. Halik na nakakawala ng katinuan. Nanlalambot na ang tuhod ko sa sobra sobrang sensasyon dulot ng marubdob na paghalik niya sa akin na buong puso kong ginantihan.

A/N: May Erotic action na sa susunod na kabanata
Get ready to be aroused

(ahem) T I S S U E   please.. kailangan na ng mga kinky readers ko

-ChocolateLover

Sacred Acts: Pumped a Fat Ass (Erotically SPG) [[COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon