Heto na.

10 2 0
                                    


Oo, aaminin ko na,
Katotohanan na sana
Naisiwalat noon pa,

Pero tila ba walang magandang tiyempo,
Dahil sa rami ng problema sa buhay mo,

Gusto lang naman sabihin,
Nitong kawawang puso,
Na handa ako,
Handang sumabak sa gera
Handang lumakad sa apoy na nagbabaga,
Handang-handa, basta makita ka lamang na masaya,
Basta nakangiti ka,

Kahit pa makipaglaban,
Kahit pa malubhang masugatan,
Di aalalahanin,
Di papansinin,
Mga sugat na malalim.

Kasi nga handa na ako,
Ang iyong sundalo,
Sasabak na sa gera,
Para lang makarating sayo at masabi kong...
Gustong-gusto kita.

Mula sa KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon